7,015 guests

Dingdong, no comment sa pagseselos ni Marian

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Mysteries
  • Read: 59

Balik-primetime na naman si Dingdong Dantes sa season 2 ng Alyas Robin Hood at ayon sa aktor, mas pinaganda at mas pinalaki ang bagong libro ngayon lalo na nga ang action scenes.

Sa week 1 pa lang daw ay marami na agad mapapanood na stunts.

“Syinut namin recently lang ’yung isa sa pinakamahirap pero very rewarding kasi ’pag nakita mo, ’pag dinikit-dikit na, ang sarap panoorin,” sey ni Dong.
    
Nang tanungin kung may special training ba siyang pinagdaanan para sa action scenes niya, biro ni Dong, “Wala, training ko, nag-aalaga ng bata. Kasi nagtatatakbo na siya (anak nila ni Marian Rivera na si Zia), eh, so ’pag binitiwan mo, parang kailangan mo nang mag-sprint para habulin siya.”
    
Ngayon ngang balik-trabaho na naman siya, siyempre ay mababawasan na naman ang time niya para sa anak nila.
    
“Ano lang, tiis, lalo na siguro ’pag may sumabay na pelikula. Eh, hindi naman forever ’yun, eh. Siguro, tiis ng ilang buwan, pero alam ko naman na matatapos din ’yun at lahat naman ng ito ay para sa kanya.”
    
Kung may lugar daw para isama niya si Zia sa taping o shooting, pwede na siguro niyang isama ang bagets.
    
Samantala, sa bagong season ay may bagong leading lady si Dong at ito ay ang very sexy and gorgeous Solenn Heussaff habang si Andrea Torres naman, retained pa rin bilang isa sa kanyang original love interests.
    
As for Solenn, wala pang masabi si Dong dahil hindi pa raw sila nagkakasama sa eksena at sa week 3 pa papasok ang aktres.
    
Pero excited na raw siya.
    
Sa kanila naman ni Andrea ay maraming mapapanood, lalo pa nga’t bitin ang season 1.
    
“Siyempre, nabitin ’yung storya ng season 1 dahil may mahal si Pepe (his character) and at the same time, malalim na rin ’yung samahan nila ni Venus, pero dahil tragic ’yung nangyari na pagkamatay ni Sarri (Megan Young), isinantabi muna niya ang pag-ibig, and ang expectation, siyempre, this season ay kung ano magiging resulta ng paghihintay na ’yun and ’yun ang aabangan nila,” pahayag ng aktor.
    
Since nagkaroon ng kontrobersiya ang pagkakaroon niya ng dalawang leading ladies sa Season 1 (naintrigang pinagseselosan daw ng misis niyang si Marian ang leading ladies niya), hindi naiwasang hingan si Dong ng reaksyon tungkol dito.
    
“Ah, no comment,” ang maikling sagot lang ng aktor at hindi na siya kinulit pa ng press.
    
Anyway, magsisimula na sa Aug. 14 ang Alyas Robin Hood at bukod kina Solenn at Andrea, also in the cast are Jaclyn Jose, Edu Manzano, Gary Estrada, Ruru Madrid, Jay Manalo, Rey “PJ” Abellana, Paolo Contis at marami pang iba.