6,063 guests

Apo bisyonaryo; Trillanes gay?

  • Written by Mario Fetalino Jr.
  • Published in Opinion
  • Read: 956

MALAMANG na dumalo ang tiyo kong si Augusto Villamin sa centennial birth anniversary ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos. Idol niya kasi ang dating lider ng bansa dahil sa dami ng nagawa nito para sa mga Pilipino. 

Si Marcos ang nagpagawa ng  Maharlika Highway na nagduduktong sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ang NLEX, SLEX, Circumferential Roads 1-10 ay mga proyekto niya.
    
Siya rin ang nasa likod ng mga bigating pagamutan at paaralan at iba pang mga imprastraktura tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, at Lung Center of the Philippines, Don Mariano Marcos Memorial State University, Bicol University, at Cagayan State University, San Juanico Bridge, Mactan-Mandaue Bridge, Patapat Viaduct, Bataan Nuclear Power Plant, Tiwi Geothermal Power Plant, Pantabangan Hydro Electric Power Plant, BLISS housing projects, Philippine International Convention Center, Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Film Center of the Philippines, National Arts Center in Makiling, Nayong Pilipino, at People’s Park in the Sky sa Tagaytay.
    
Sa panahon ni Makoy umusbong ang Original Pilipino Music (OPM) at experimental movies kasabay nang pagkakatatag ng National Manpower and Youth Council (NMYC) na ngayon ay TESDA.  Naalala niyo pa ba ang  “Concert at the Park,” “Paco Park Presents” at “Puerto Real Evenings”? Siya rin ang may pakana nu’n.
    
Kagagawan ni FM ang maraming makabuluhang batas at una rito ang Presidential Decree No. 27 “decreeing the emancipation of tenants from the bondage of the soil” na kanyang isinulat sa kamay.
    
‘Apo’ kung tawagin, siya rin ang nagpasimuno kaya natatag ang ASEAN nuong 1966  kasama ang mga lider ng Indonesia, Malaysia, Thailand and Singapore  upang labanan ang komunismo sa rehiyon.  Sa kanyang pamumuno, ang Pilipinas ang nagsagawa ng pagtitipon ng pitong bansa  (US, South Korea, South Vietnam, Thailand, Australia, New Zealand and the Philippines) para talakayin ang problema noon sa Vietnam.
    
At hindi tayo kinakapos sa bigas noon dahil sa programa ni Apo ukol sa pagtatanim ng IR-8 hybrid rice. Kasabay nito ang pagtatag ng Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK) na nagpalakas ng ekonomiya mula 1970 hanggang 1980.
    
Kulang ang espasyong ito para sa mga nagawa ni Apo na may malalim na pananaw para sa bayan kaya hindi nakakapagtaka kung bakit maraming Pilipino ang bilib sa kanya.

* * *   

’Ika nga ni Tolits ‘buddy’ ng Journal Group, amoy niya ang mga may dugong ‘berde’.  Amoy niya kaya si Sen. Antonio Trillanes na gustong paghubarin si Pulong Duterte?
    
Sa nakaraang imbestigasyon ng Senado sa P6.4-billion drug shipment, pilit na pinatatanggal ni Trillanes ang saplot ni Pulong para makita raw ang dragon tattoo nito sa katawan na magsisilbing pruweba ng senador na miyembro ng Chinese Triad ang anak ng Pangulo.
    
Siyempre, todo tanggi si Pulong na bukod sa isang elected local executive ay pamilyado at presidential son pa. At his stature, bakit niya naman susundin ang ‘type’ ipagawa ni Trillanes?
    
Isa pa, porke ba may dragon tattoo si Pulong ibig sabihin ba nu’n Triad na siya? Eh ang daming may tattoo na dragon sa Pilipinas. Are they Triad members too? Maraming nagpapatato ng dragon dahil simbolo ito ng kapangyarihan at swerte. Punta ka ng Boracay, Puerto Galera at Camsur, nagkalat ang mga patatuan ng dragon du’n.
    
Ang hirap kay Trillanes, hindi na siya marunong rumespeto ng mga kasamahan sa upper chamber, gusto pa niyang babuyin ang Senado  at pinaghuhubad si Pulong na parang GRO.
    
Level up ka naman, your honor.
    
At any rate, paulit-ulit na pinilit ni Trillanes na maghubad si Pulong sa sesyon kaya nakulitan na ang Bise Mayor at sinabing, ‘ilang beses ko bang sasagutin ang tanong mo,  your honor?”
    
Sa totoo lang, mukhang hindi na nga naging honorable ang arrive ni Trillanes dahil marami ang nagduda sa kanyang motibo na makitang hubad si Pulong.
    
Buti naman sana kung credible ang nag-tip kay Trillanes sa tattoo ni Pulong. Eh si Arthur Lascanas daw pala ang informer ng Senador. Seriously? Hindi ba si Lascanas ’yung napagsabihan ni Sen. Panfilo Lacson na, “You’re not a credible witness”?  

Tanong tuloy ng abogado ni Pulong na si Rainier Madrid, “Is Trillanes gay?” Man up ka naman sir. Otherwise, baka ma-confirm ka ni Tolits.

* * *   

For comments, please call or text 09055080126 or email lastmohican2004@yahoo,com