4,852 guests

BoC-NAIA, magdadagdag pa ng X-Ray machines

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 143

Tingnan natin

SA susunod na  Lunes, Hulyo 24, ay ide-deliver ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pangalawang SONA (State Of the Nation Address).

Sa kanyang SONA, na gagawin sa harap ng mga senador at kongresista, ay ilalahad ni Pangulong Duterte ang kalagayan ng bansa.

Sa nakalipas na 12 buwan ay marami ang nangyari sa bansa na nagpabago sa pamumuhay ng mga Pinoy.

Hindi kaila sa publiko ang tagumpay ng kampanya ng gobyerno  laban sa iligal na droga, korapsyon at kriminalidad.

Kahit nakatutok ang atensyon ng gobyerno sa tatlong problemang ito ay hindi rin niya napapabayaan ang iba pang problema.

Kagaya ng kawalan ng trabaho, pagbabaha, trapiko, kalusugan at climate change.
    
Sa dami at bigat ng mga problema natin ay hindi basta malulutas ang mga ito.
    
Pero ang maganda, may mga ginagawa ang gobyerno para mabigyang solusyon ang mga ito.
    
Kaya nga hinihintay ng taumbayan ang mga ilalatag na programa at proyekto ni Pangulong Duterte para sa ikalawang taon ng kanyang panunungkulan.
    
Malalaman lahat natin ito sa kanyang SONA sa Lunes, Hulyo 24.

* * *
    
Dahil nakikita naman ng sambayanang Pilipino ang sinseridad ni Pangulong Duterte, dapat lang na tulungan natin siya.
    
Hindi naman tama na pulos batikos na lang ang ginagawa ng iba.
    
Ang kailangan ni Pangulong Digong ay constructive at hindi destructive criticism.
    
Kailangan niya tayong lahat, ang tulong ng taumbayan. Kung may alam tayong katarantaduhan sa gobyerno ay iparating natin sa kanya.
    
Naniniwala tayo na aaksyunan niya ang mga sumbong natin.Ilang beses na niyang pinatunayan na kahit kaibigan ay ‘di niya kukunsintihin kung ito ay may kalokohan.
    
At tama si Pangulong Rody na hindi kaya ng gobyerno na solusyunang mag-isa ang mga problema.  

Tumulong na lang tayo kaysa batikos nang batikos. Huwag nating kalimutan na tapos na sa politika si Mayor Digong.
    
Hindi na niya kailangang makikipagplastikan sa mga nagbabalak kumandidato sa 2019 election.
    
Tama ba kami, Sec. Bong Go?

* * *
    
Lalo pang paiigtingin ng Bureau of Customs-NAIA ang kampanya laban sa iligal na droga.
    
Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na X-Ray machines sa mga terminal  ng Ninoy Aquino International Airport.
    
Ayon sa report, maglalagay din ng X-Ray machine sa Central Mail Exchange Center (CMEC).
    
Lahat ng incoming at outgoing parcels at packages ay kailangang idaan sa machine.
    
Kung minsan kasi ay ginagamit ang koreo para magpalusot ng iligal na droga at iba pang kontrabando.
    
Sinabi nina NAIA Customs District Collector Ed Macabeo at XIP NAIA head Rey Isais na portable at mobile X-Ray machines ang ilalagay sa paliparan.
    
Ang mga X-Ray machine ay nagkakahalaga ng P170 milyon.
    
Ang paglalagay ng dagdag na X-Ray machines sa NAIA ay isang priority project.
    
Sa totoo lang, malaking tulong ang mga X-Ray machine sa anti-drug campaign ni Pangulong Duterte.
    
Hindi ba, PNP chief Director General Ronald dela Rosa at PDEA chief Isidro Lapeña?

* * *
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)