6,122 guests

Col. Estrella, ‘iniintriga’ -- na naman

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 271

BAGO ang lahat, isa ulit magandang balita para sa lahat ng miyembro ng National Press Club (NPC) at mga sumusuporta sa aming mga isinulong -- at patuloy na isinusulong -- na mga pagbabago at reporma sa ating organisasyon:

Natapos na po ang ‘NPC 64th Anniversary Commemorative Book’ at pormal po nating itong “ilulunsad” o ipamamahagi sa loob ng linggong ito. Salamat sa lahat ng mga sumuporta, partikular na sa ating mga ‘advertiser,’ sa inyong “pag-unawa” dahil medyo “nabitin” ang paglalabas nito.
   
Partikular nating pinasasalamatan sa tagumpay ng proyektong ito si Ms. Ronnie Laurel-Merk  ng ‘Laurelmedia Company’ ‘for her selfless and all-out support to ensure the success of this project.’ Mabuhay ka, Ms. Ron Merk!
   
Salamat din siyempre kay NPC member, Franco Deocaris, ang ‘lay-out/graphic artist’ ng NPC sa napakahabang panahon. Oh, ayan, Franco, may ‘trophy’ ka na naman, hehehe!
   
Magkakaroon ng simpleng “salu-salo” ang NPC kasama ang mga advertiser bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang pagsuporta sa NPC.
   
Oops! Sa mga walang alam gawin kundi “siraan” at “intrigahin” ang NPC at ang kasalukuyang liderato nito, mamatay ulit kayo sa inggit, hane?
   
And yes, ‘Lou-gaing Luslos,’ a.k.a. ‘Mr. Magnanakaw na Walang Yagbols’ at ‘Percy Galis,’ “inililista” ang lahat ng mga banat at pang-aabuso ninyo sa NPC kaya, maghintay lang kayo mga hindoropot kayo oke?
   
May malaking sorpresa ako sa mga katulad ninyo, lalo ka na, Lou-gaing Luslos.
   
Baka “naliliitan” ka sa akin eh, kahit talagang maliit ako, sanay akong pumatol sa mga gago oke? Hindi kita aatrasan -- at hindi ako manghihinayang sa mga katulad mo, pweh ka!
   
Sa atin pong dear readers, paumanhin po, hane.
   
“Tao” lang din po kasi tayo na “napupuno din ang salop” ng pagtitimpi partikular na kung ang naghahamon at nagkakalat ng mga kasinungalingan ay sa ‘Facebook’ lang naman matapang at sa kanilang mga bayarang programa sa radyo.

* * *   

Tama lang, sa ganang atin, na huwag na lang pansinin ni BoC CIIS director, Neil Estrella, ang “intriga” ng ilang walang magawa d’yan sa pantalan na daang milyones umano ang “kinita” ng kanyang tanggapan at mga operatiba sa pinakahuli nilang pagsalakay  sa mga pekeng mga damit at mga “ukay-ukay” d’yan sa lugar ng Baclaran, Pasay City noong isang linggo, Marso 13.
   
Nasa labas ngayon ng bansa si ‘Col. Star’ bagaman nga hindi ito dahilan upang hindi na kami makapaghuntahan. Hindi ito ang unang insidente na “nahaluan” ng intriga at tsismis ang mga operasyon ng CIIS sa ilalim ni Col. Star, partikular na laban sa mga mahihilig “magpalusot” ng ‘counterfeit items’ d’yan sa bandang Pasay City.
   
Tanda natin na noong nakaraang Nobyembre, sa katulad na operasyon, agad ding “ipinakalat” ng ilang kurimaw na nagkaroon ng “areglo” sa mga kinumpiska ng CIIS na mga pekeng produkto. Milyones din, mga kabayan, ang pinag-uusapan dito.
   
’Yun nga lang, sa dakong huli, napatunayan namang wala itong katotohanan.
   
Aber, ’yun ngang mga suspek na ‘nagname-drop’ sa pangalan ni Comm. Nick Faeldon at Col. Star upang pagkakitaan ang operasyon sa Pasay noong Nobyembre, ang alam pa natin, nagtago nang lahat at kahit anino, hanggang ngayon, ay hindi na nakikita pa sa pantalan. Hinahanap kasi sila ni Col. Star, hehehe!
   
Hmmn. Hindi naman kaya ang ganitong mga intriga ay bahagi lang ng malawakang kampanya ng mga nagsasabwatan upang pabagsakin ang administrasyon ni PDU30?