5,589 guests

DU30 dinig ang taumbayan

  • Written by Mario Fetalino Jr.
  • Published in Opinion
  • Read: 172

The last mohica

Mabilis ang pagtugon ni Pangulong Duterte sa hiling ng taumbayan na baguhin ang diskarte sa pagpapatupad ng kanyang giyera laban sa iligal na droga.

Kailan lang ay naglabas ng memorandum si Duterte kung saan nakasaad na ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na ang pangunahing ahensiya na magpapatupad ng anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Ibig sabihin, atras muna sa backseat ng anti-illegal drugs drive ang Philippine National Police na sinasabing naging masyadong malupit sa pagpapatupad ng giyera kontra droga.

Lie low muna ang PNP lalo pa’t sinisisi ang mga sunud-sunod na kapalpakan ng Caloocan Police sa pagbagsak ng performance at trust ratings ni Duterte.

Mainam naman ang utos ni Digong dahil bukod sa pagtugon sa hiling ng taumbayan, alinsunod sa batas partikular ang RA 9165 ang pagtatalaga sa PDEA bilang lead agency for the drug war.
    
Mabuti na rin ito dahil mabibigyan ng panahon ang PNP na linisin ang kanilang hanay laban sa scalawags nilang miyembro. Matututukan din ng PNP ang pagpapanatili ng peace and order sa bansa.
    
Aabangan natin ngayon ang magiging performance ng PDEA sa pamumuno ni Director General Aaron Aquino na may mahigit 1,000 tauhan lamang upang labanan ang iligal na droga sa bansa.
    
Titingnan natin kung magiging katanggap-tanggap sa taumbayan ang drug war kung ang nagpapatupad nito ay isang ahensiya na may higit na ‘expertise’ at ‘authority’ upang tugunan ang national drug problem.
    
Ayon kay Aquino, maaari naman humingi ng tulong ang PDEA sa PNP, AFP, NBI at ibang ahensiya ng pamahalaan kung kinakailangan.
    
Well, good luck to you sir.

* * *
    
For comments, please call or text 09055080126 or email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

* * *     
    
Good morning po  Mr. Mario Fetalino. Jr.
    
Isa din po ako sa mga avid reader ng inyong The Last Mohican. Huwag na rin po ninyo i-mention my name. You have my number naman po.
    
I’m also a victim ng KONSULTA MD which I read on your column of People’s Tonight. ’Yun din po ang problema ko. Paano po ba ipa-stop ang  KMD from deducting P15 weekly from my prepaid load.
    
I never had consultation with them naman.  Please help. I’m a senior citizen at 71.
    
09159812004

* * *
    
Magandang araw po sa pagbabasa ninyo ngayon ng People’s Tonight. Tama po kayo. Natugunan po ang problema ng isa nating kaibigan tungkol sa Konsulta MD.
    
Nagawa po natin ’yun nang atin pong kunin ang pansin ng Globe. Dahil dito, muli po natin hihingan ng tulong ang Globe para naman sa inyong problema.
    
Tulad nga po ng sabi ko, umaaksiyon ang Globe sa mga problema ng ating mga mamamayan at subok na po ito.
    
Kaya relax lang po kayo. Hindi magsasawa ang Globe na  tumulong sa mga Pilipino partikular sa senior citizens tulad ninyo.
    
Patuloy n’yo pong tangkilikin ang People’s Tonight. Maraming salamat po.