8,421 guests

Iligal na droga problema ng buong bansa

  • Written by Antonio ''BEBOT'' A, Villar JR., Ph.D
  • Published in Opinion
  • Read: 15378

SA araw-araw nating pamumuhay, tila kasama na talaga sa ating sistema ang isyu ng iligal na droga. Tanggapin man natin o hindi, ang isyung ito ay bahagi na ng ating ginagalawan. Halos araw-araw, laman ng pahayagan ang tungkol dito o ang mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga.
   
But what we all need is the will power to have control over this problem.  In fact, isa ito sa mga problemang kinakaharap sa buong mundo hindi lang sa Asya.
   
Para sa ating mga Pinoy, naniniwala tayo na ang lahat ng problema ay may solusyon. One good example ay ang pagha-halaman. Kung ano raw ang puno ay siya rin ang bunga. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.
   
Sa isyu ng droga, the law enforcers, particularly the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), should focus on the arrest of big fishes or  High Value Targets (HVTs) as they call it.  We also believe that if we can get or arrest the drug lord or discover a shabu lab, everything will follow. Mas madali na ang pag-destroy sa kanilang mga kasama o sanga at sigurado silang manghihina dahil kung ihahalintulad sa halaman, once mabunot lahat ang ugat, wala na itong silbi kahit anong dilig pa ang gawin dito.
   
What I want to say here is, tuloy ang operation ng PDEA sa mga HVTs at ang kapulisan naman sa ating mga barangay at pamayanan nationwide. In short, tulung-tulong upang may ma-accomplish naman tayo at hindi ang lahat ay naka-focus sa isang target lang. Unified efforts dapat tayong lahat.
   
Likewise, may mahalagang papel din ang family sa drug abuse prevention campaign. Let us practice the saying, “charity begins at home.”  Bago tayo maghanap ng user sa ating barangay, let us first check our children! Don’t get me wrong, hindi ko sinasabing may addict sa inyong pamilya but we can never tell kung hanggang saan at ano ang kayang gawin ng iligal na droga!
   
Let us all be vigilant.  Umpisahan natin sa loob ng ating tahanan. Lagi nating obserbahan ang ating mga anak lalo na kung mga estudyante.  Hindi tayo malisyosong tao ngunit ito ay kailangan gawin upang maagapan ang anumang problema sa iligal na droga na maaaring ipanhik sa inyong tahanan.
   
Keep the line of communication open. Maglaan ng sapat na oras para sa mga anak upang hindi ang mga magulang ang kanilang maging dahilan kung bakit sila natuksong magbisyo!  Kaya tayo binigyan ng Diyos ng dila ay upang gamitin sa tamang pakikipag-komunikasyon.
   
Huwag pong mahiya if you discover that one of your children is into drugs. Hindi po dapat ikahiya ang paggawa ng tamang hakbang upang maisaayos ang buhay ng isang kapamilyang drug dependent. Tayong mga magulang ang una sa lahat na dapat tumanggap ng katotohanan at tumulong sa ating mga anak na nalululong sa droga.
   
Do not waste time.  You can approach your barangay chairman and I am sure na alam naman ng bawat punong-barangay ang kanyang gagawin sa ganitong mga pagkakataon. Unless na ang punong-barangay ang siyang pusher ng droga sa inyong barangay!

* * *   

Heto na naman ako at muling tatalakayin ang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs). Sabi nga, makaka-relate ang babasa nito dahil related pa rin po ang BADAC na ito sa drug abuse prevention education at rehabilitation programs sa isang barangay.
   
Paano? Simple lang po. Kung established ang BADAC sa barangay, the BADAC will help the family of a drug dependent na maipasok sa isang pinakamalapit na drug rehabilitation center. BADAC po ang magiging authorized coordinator between the patient and rehab center. Another thing, BADAC can also identify who are the possible drug pushers and users in the community. Sa barangay po kasi ang starting point ng kahit anong bagay na gustong ipasok sa isang lugar, mapanegosyo man o illegal drug trade. Mayroon lang pong tinatawag na “contact point”!
   
Ang datos po ng BADAC ay magiging reference ng ating mga kapulisan at ng rehab facilities sa kanilang mga ginagawang trabaho at operasyon. Sa tingin ko nga, mas mapapadali ng BADAC ang trabaho ng kapulisan dahil hindi na aabutin pang lumaganap ang droga sa buong kabayanan o probinsya kung maku-control na agad sa barangay level pa lang. Kaya dapat lang ang re-activation ng BADAC sa bawat barangay.
   
Earlier, we heard some Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) are being activated but eventually hindi rin nag-function.  Mayroon mangilan-ngilan na updated tayo sa kanilang  activities as reflected in their municipality accomplishment report submitted to us.  But still, mayroon pa rin mga “ningas-cogon” lang!
   
Drug users are only victims and they deserve rehabilitation to return to their normal life. Hindi ito madali as it will entail time, resources and love specially from the family of patient. Maaaring nakakahiya sa una, ngunit mas mainam ang maagang pagsagip bago pa lumala ang sitwasyon.

* * *   

There is no magic to eradicate the drug problem easily. But we can do something to control it. And the key is our full cooperation for a unified effort. Drug-free Philippines is not possible at the moment as there are still lot of protectors anywhere and everybody knows it.
   
Even the United States of America (USA), considered the most powerful at billions ang pondo to eradicate the drug problem ay hindi mapahinto ang problema!  The US Drug Enforcement Administration (DEA) is also equipped with high-tech equipment but still, hindi pa rin matapus-tapos ang paglaganap ng droga sa kanila. Lumalabas pa nga ng US ang droga at nagba-branch out sa neighboring countries.
   
Dito sa Pilipinas, kulang na kulang sa pondo pero tuluy-tuloy ang pag-aresto! Siguro maging masaya na tayo sa ganito na hindi tinutulugan ang mga trabaho sa kabila ng kakulangan sa pondo.  Hindi madali ang dinaranas ng ating law enforcement agencies kaya naman nakakagaan ng loob na sa kabila ng hirap ay marami pa rin silang nagagawa.
   
Maging totoo na lang tayo sa ating mga sarili na habang may naghuhudas sa ating kampanya laban sa iligal na droga ay mananatili lang itong bahagi ng isang malaking problema ng ating bansa. What we need to do is to control it nang hindi na yumabong pa.
   
Sad to say, kahit unipormado ay nagiging hoodlum dahil sa pera! Nagsisilbi ang ilan bilang protektor ng droga kapalit ng malaking halaga na hindi pinagpawisan. Bukod sa kanila, katulong pa rin ang ilang lingkod-bayan natin na handang ibenta maging ang kanilang kaluluwa kapalit ng pera!
   
Ito po ang mga katotohanan na nagpapalalim ng problema natin sa iligal na droga. Wala tayong laban dito kung ’di ang ating seryosong pakikiisa sa mga awtoridad na tapat sa kanilang tungkulin.
   
Agapan natin ang pagkalat pa nito at makiisa tayo sa ating mga awtoridad upang mapabilis ang kanilang mga operasyon. Malaki man o maliit na impormasyon na alam ninyo ay malaking tulong na sa ating mga operatiba.
   
Tandaan natin, ang iligal na droga ay hindi problema lamang ng kapulisan na sila lang ang dapat lumutas, ngunit problema ng ating buong bansa kung kaya’t kailangan ang ating pakikiisa.

* * *   

We also have a suggestion that the PDEA should be represented in the Anti-Money Laundering Council (AMLC) so that it could help track down money coming from illegal drugs. We should make trading in illegal drugs unprofitable to the drug lords by tracing their money flow.
   
Sa puntong ito, ang PDEA ay magkakaroon ng  Computer Forensics Program (CFP), just like the U.S. DEA.  The CFP will be used as a tool to retrieve information of potential probative value that is either stored or transmitted in binary form. Ang mga taong  engaged sa illegal drug activities ay kadalasan naka-depende sa computers at iba pang digital devices to store and transfer information.
   
CFP uses advanced computer technology and specialized seizure and evidence handling techniques to get the data from the computers.  Bank account numbers, formula sa pag-gawa ng illegal drugs, pangalan at tirahan ng mga kasama,  database ng assets at activity, sales at iba pang  business records, at iba pang mahalagang dokumento ay ilan lang sa mga halimbawa ng mga datos na makukuha o mababawi. Ang iba pang maaaring gawin ng CFP ay ang pagtatanggal ng password at ang pagbabalik ng naburang files.

* * *   

(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko, 09159509746 o ’di kaya ay mag-email sa ’wag This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.)