5,156 guests

Isang buwan na ang free WI-FI sa EDSA

  • Written by MAGI GUNIGUNDO
  • Published in Opinion
  • Read: 158

MAHIGIT isang buwan na mula nang ilunsad ng gobyerno sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang libreng WI-FI sa kahabaan ng EDSA.

Eksakto, Araw ng Kalayaan noon o Hunyo 12 nang opisyal itong ilunsad ng DICT sa EDSA. Ang DICT naman ay halos isang taon pa lamang nang kanilang itatag ang makabuluhang proyekto dahil Hunyo 9, 2016 nang itinatag ang DICT sa ilalim ng Republic Act 10844. Nakaraang taon naman sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nang atasan ang DICT na kumilos at aksyunan ang tatlong pangunahing trabaho nito ang  National Broadband Plan; Wi-Fi at portal.
    
Ang Broadband Plan ay dahil kulang tayo ng infrastructure. Ang broadband is the telecom network which would run from north to south and the purpose of this is for government to have a network, to serve government itself and to serve the countryside.
    
Pero sa tatlo, mas naging interesante ang publiko sa free WI-FI dahil malapit na ito sa puso ng bawat isa dahil sa dalas ng pangangailangan.
    
Ang maganda pang balita ay sa kabila ng maiksing panahon pa lamang na naitatatag ay naramdaman agad ng publiko ang pakinabang, serbisyo sa tao  sa inilunsad na free WI-FI sa Edsa.
    
Labis na ikinatuwa ng netizens ang proyektong ito ng gobyerno na hindi inakalang magkakaroon agad ng katuparan at mapapakinabangan agad ng taumbayan.
    
Ang pagkakaloob ng libreng WI-FI sa EDSA ay nakapagpagaan daw sa buhay ng ilang netizens na madalas na maabala dahil sa trapik at inaabot na aberya ng ating railway system o ang MRT.
    
Kaya kahit na naipit sa trapik ay nagagawa ng ilan nating kababayang nagagawi sa EDSA ang mga naghihintay nilang mga trabaho sa opisina sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa internet.
    
Ibig sabihin, dahil sa libreng WI-FI na ito ay naipakilala ng gobyerno ang konsepto ng telecommuting kung saan ay nakakapagtrabaho na ang isang empleyado kahit wala pa ito sa kanyang papasukang opisina.
    
Kadalasan ay nagagamit ang libreng WI-FI na ito ng mga bumabaybay sa EDSA sa pakikipag-communicate sa kanilang mga tanggapan  upang maging mas mabilis at magaan ang transaksyon dahil nasa biyahe pa lamang ay inaayos na ang proseso kaya ganu’n na lamang ang tuwa ng netizens sa proyektong ito ng DICT.
    
Sa ngayon ay limitado pa ang serbisyo ng libreng WI-FI na ito ng DICT dahil mga commuter lamang ng MRT sa ilang istasyon ng EDSA ang nakikinabang, kabilang ang mga nasa ibaba ng istasyon partikular sa bahagi ng Guadalupe at Cubao MRT station.
    
Pero may good news ang DICT dahil sa darating na Agosto ay asahang ang buong 24 kilometrong haba ng EDSA ay magiging online na.
    
Hangad natin na kahit na madagdagan ang dami ng gagamit ng internet dahil sa mas palalawakin pang saklaw ng WI-FI ay hindi sana magbago ang bilis na kasalukuyang ini-enjoy ng publiko.
    
Balita natin bukod sa MRT stations sa EDSA ay may free WI-FI din ang bus stop stations.
    
Mula nang ilunsad ang free WI-FI ay nakakaranas ang netizens ng internet speed na 200-300 megabytes per second upload at download pero bumababa ito hanggang 100 megabytes, hindi na masama kung ikukumpara sa binabayaran nating internet speed na madalas mawala.
    
Mabilis na ito dahil  ang world record is something like 40 megabytes per second na siyang dinaranas sa South Korea.
    
Pangunahing misyon ng DICT na pinamumunuan ni Sec. Rodolfo Salalima sa paglalagay ng WI-FI facility sites sa lahat ng istasyon ng tren sa EDSA ay upang ang mga bumibiyahe sa EDSA ay magkaroon ng access sa telecommunication services upang siguro ay medyo nale-late because of the traffic ay makakapag-communicate sila sa kanilang mga bahay-bahay o opisina kung nasaan na sila.
    
Ang layuning ito ng DICT ay kanilang naabot dahil marami akong kakilala ang natutuwa sa benepisyong kanilang nakakamit sa libreng WI-FI.
    
Kaya sana magtuluy-tuloy ang bilis sa internet na tinatamasa ngayon ng netizens para kahit anong hebigat na traffic ang pagdaanan ay hindi maantala ang ating mga ginagawa sa tulong ng free WI-FI.