3,992 guests

‘Napapangiti’ si Pareng Cesar Batralo?

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 918

BAGO ang lahat, binabati natin ang magigiting na mandirigma ng ‘Cesar Batralo Command’ ng ‘New People’s Army’ (NPA) sa Laguna, sa kanilang “matagumpay” na operasyon sa mga lugar na nasasakupan ng mga bayan ng Luisiana at Majayjay ngayong linggo kung saan isang ‘V-150’ ng militar ang nawasak at ilang sundalo ang nasugatan.

At “pasintabi” na muna sa ating mga kaibigan na sina 202nd Brigade commander, Col. Boyet Burgos at 2nd ID chief, MGen. Rhoderick Parayno, sa nangyaring pananambang dahil sa paningin ng mga miron, talaga namang ‘impressive’ ang operasyong ito ng mga “pogi.”
    
Ayon sa mga ulat, aabot lang sa 10-katao ang mga Pulang Mandirigma (na maaaring bahagi pa ng grupong umatake sa Majayjay noong Linggo sa isang ‘construction company doon) subalit, kaiba sa ibang insidente na agad “nagpupulasan” ang mga NPA, aba’y dito, mga kabayan, “pumihit” lang sila at noon ngang Miyerkules ay ang ‘convoy’ naman ng militar ang kanilang inupakan, talaga rin naman!
    
“Patunay” lang, kasamang Dick Garay, na hindi “ordinaryong” mga rebelde ang nakasagupa ng militar, bagkus, posibleng mga “beterano” na mga dating nasa likod kung bakit ‘once upon a time,’ ang Timog Katagalugan ang ‘strongest stronghold’ ng CPP-NPA sa buong ’Pinas.
    
Sa insidenteng ito, “nabawasan” ang “kintab” ng “estrelya” ni Gen. Erick, hehehe! At kahit yata ang “tatlong bolitas” ni Col. Boyet, nabawasan din ang “ningning,” hahaha!
    
At siyempre, saan man siya naroroon, alam nating “napapangiti” si Cesar ‘Ka Edmon/Ka Ruben’ Batralo’ isang matalik at malapit nating kaibigan, kung saan bilang rebolusyunaryong “Anak ng Laguna” ay sa kanya “ipinangalan” ang nasabing kumand (na dating nasa pangalan ni labor leader, Nilo Hatol).
    
Kumbaga, Pareng Ruben, hindi ka napahiya dito sa mga dating bataan mo, tama ba, bosing Tirso ‘Ka Bart’ Alcantara? ’Asan ka na pala? Long time no talk, bosing!
    
Oops! Si Cesar Batralo, mga kabayan, katulad ni Philip ‘Ka Ador’ Limjuco, ay kasama sa mga rebolusyunaryong lider at “bosing” na kilala at naging kaibigan natin. Nawala sila at hindi pa rin alam ang nangyari, noong 2006, sa “kainitan” ng ‘dirty war’ ng gobyernong Arroyo laban sa mga lider ng CPP-NPA-NDFP kung saan higit 100 sa kanila ang naging ‘desaparecidos.’
    
Bilang ‘Ka Edmon’ si Batralo ang nasa likod ng pagtatayo ng rebolusyunaryong kilusan sa Laguna at bilang ‘Ka Ruben,’ sa lalawigan ng Rizal.
    
Si Limjuco naman, bilang si ‘Ka Ador’ ang responsable sa pagtatayo ng rebolusyunaryong kilusan sa ilang bahagi ng Bicol at Quezon subalit, mas iginagalang siya bilang “bosing” ng ‘Special Operations Group’ (SOG), ang ‘elite unit/strike force’ ng NPA. Isa rin siya sa mga “fundadores” ng ‘Alex Boncayao Brigade’ (ABB).
    
Ang “masakit” nga lang, pareho silang biktima ng “OPML” (Oplan Missing Link”) ang ‘internal cleansing’ ng NPA noong dekada ’80 sa ‘Southern Tagalog’ kung saan hindi mabilang na mga kasama ang namatay at mga naging biktima.
    
At “bumilib” talaga tayo sa kanila dahil nga kahit ‘torture’ ang naging “kabayaran” ng mga katulad nila sa kanilang matapat na paglilingkod sa Partido at sa Hukbo, hindi sila “bumitaw” at naging biktima pa nga ng ‘dirty war’ ng rehimen ni PGMA.
    
Itapon pabalik sa ’tadong Unidos si Giles!
    
“Nagtataka” ang mga miron kung bakit kaso lang sa korte ang inabot nitong Amerikanong si ‘Brian Lance Giles’ na ayon sa balita, ay matagal nang “abusado” at isang ‘bully’ kahit sa hanay ng mga opisyales ng ‘Subic Bay Metropolitan Authority.’
    
Kasama tayo sa “nagtataka” dahil ang isa sa gustong “sindakin” nitong kumag na ito ay si ex-NPC president at ngayon ay SBMA director, Benny Antiporda, na kilala natin bilang isang lalake na hindi iniiwan sa “aparador” ang kanyang “yagbols” kapag umaalis ng bahay.
    
Marahil, talagang ‘conscious’ si Bentot, agh, Benny, na bigyang dignidad ang posisyong “ipinagkatiwala” sa kanya ni Pang. Rody kaya naging “mahinahon” siya sa mga ‘pambu-bully’ sa kanya nitong taga-’Tadong Unidos at sa halip na “sakalin,” idinaan na lang niya sa asunto, hehehe.
    
Walang dahilan upang pagdudahan natin ang mga “hugot” ni Benny laban dito sa ungas na ito, mga kabayan.
    
Ang “hinala” pa nga natin, isang ‘racist’ itong si Giles na dahil wala pang nakakausap na Pinoy na kaya rin siyang bulyawan at sigawan -- at sapakin kung kailangan -- ang “tingin” niya sa mga Pinoy ay mga ‘little brown brother’ pa rin ng mga Kano na puwedeng “kutusan” at utusan.
    
Posible rin na dahil nagagawa niya ang gusto niyang mga gawin d’yan sa loob ng SBMA dahil “pikit-mata” na lang ang mga dating opisyal d’yan, “akala” pa marahil nitong ‘bully’ na ito, mga Amerikano pa rin ang “panginoon” sa Subic?
    
Eh, excuse po, Mr. Giles: Una, ‘Duterte’ na ang “nakaupo” ngayon sa Malacañang na walang kilalang “boss” kundi ang kanyang mga kababayan. In short, hindi na isang ‘Aquino’ (o Roxas) ang nakaupo sa Palasyo na puwedeng gawing “muchacho” ng mga dayuhan.
    
Ikalawa, tapos na ang paghahari ng mga Kano sa ‘Pinas kaya ikaw na damuho ka, umayos ka oke? Ikatlo, at higit sa lahat, ‘Antiporda’ ang apelyido tinangka mong sindakin na opisyales ng SBMA at hindi ‘Diño,’ ehek, hehehe!
    
Naniniwala naman tayo sa deklarasyon ni Benny na “patikim” pa lang ang kasong ‘unjust vexation’ na isinampa niya laban dito kay Giles noong isang linggo sa Olongapo RTC.
    
Ang dapat talaga, “ulanin” ng asunto -- kasama na ang mga “protektor” niyang ‘corrupt’ d’yan sa SBMA, kung meron man. Pero kung may “inisyatiba” ang BI ni Comm. Jaime Morente, mas mainam kung itapon na lang pabalik sa ’Tadong Unidos ang tarantadong ito sabay “singhal” sa kanya na…good riddance!’
    
Oops ulit!
    
Nakatanggap tayo kahapon ng ‘press release’ mula sa BoC-PIAD hinggil sa pagbubuo nito ng “SIT” (Special Inspection Team) sa POM at MICP upang “pabilisin” ang ‘physical inspection’ ng mga kargamento na “inalerto” sa isyu ng ‘undervaluation’ -- kesehodang “iligal” ang pag-alerto batay sa isyu ng ‘valuation.’
    
At katulad ng dati, Mommy Tess L, hindi ko na isinulat kasi noong Martes pa ito lumabas (Mayo 16) dito sa dyaryo natin.
    
Kumbaga, “panis” na naman ang press release ni Mang Kanor, agh, Comm. Nicanor Faeldon, hohum.
    
Oh well, mga kapatid sa media, ganyan talaga ang sitwasyon kapag ang ginawang spokesperson ng isang ahensiya, hindi na makausap, hindi pa matagpuan, tama ba, Atty. Mandy Anderson? At kumusta kayo d’yan sa Indonesia ni Comm. Nick? Just asking, hehehe!