5,279 guests

Pamumulitika ng simbahan

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 265

PAAANO nasikmura ng Hacienda Luisita management na pasahurin ng P10 kada araw ang mga sacada nating kababayan mula sa Mindanao?

Sa pagkakasagip sa mga magsasaka ng tubo sa Luisita ay muling lumantad ang kalunus-lunos na kondisyon ng ating mga magsasaka na palaging inaapi ng mga panginoong may lupa.

Literal na pang-aalipin ang ginawa sa ating mga magsasaka para pasuwelduhin mo ng P10 bawat araw.
   
Sa mahigit P400 na ipinangako sa kanila ng recruiter para makapagtrabaho sa Luisita, kinakaltas pala ang kahit anong ipakain sa kanila.
   
Anong klaseng buhay ang gusto n’yong gawin sa mga sacada na dumayo pa sa Tarlac mula sa Mindanao para kumita ng pera?
   
Daig pa ng kalupitan ng mga Espanyol ang ginawa ng Hacienda Luisita management.
   
Nito lang December 25 hanggang 31, 2016, nasagip ang apat na minor de edad at 24 na mga katutubo na ginawang busabos sa asukalan ng mga mayayaman.
   
Kung sino man ang nasa likod ng recruitment process na ito at kung sino man ang bahagi ng management na kumunsinti sa ganitong sistema ay dapat silang managot sa kasong human trafficking at pang-aalipin sa ating mga sugar farmer.
   
Mga walang puso ang mga taong ito na kayang abusuhin ang mga mahihirap nating magsasaka basta magpatuloy lang ang kanilang kayamanan.
   
Nakakatulog pa kaya ang mga taong ito?
   
Kunsabagay, kapag sanay ka na sa kawalanghiyaan, chicken lang ang pang-aalipin sa mga dukha!
   
Ubusin sana kayo ng langgam sa inyong pagkakahimbing sa inyong mga asukalan!

* * *
   
Kahit hindi pangalanan ng simbahan, banat sa Duterte administration ang higanteng tarpaulin na may katagang “huwag kang papatay” na bahagi ng Sampung Utos ng Diyos.
   
At ang mga propaganda na ito ay ibinandera sa kalagitnaan ng paggunita ng kapistahang Black Nazarene.
   
Sa gobyernong Duterte ikinakabit ng simbahan at ng mga hindi matanggap ang pagkatalo sa eleksiyon ang pagkamatay ng 6,000 drug addicts at mga drug pusher.
   
Bagama’t mahigit 2,000 sa mga ito ay recorded na sa legitimate police operations na napatay, hindi pa rin ito tanggap ng mga talunan.
   
Palibhasa’y mga inutil at talagang pinabayaan nilang lumago ang drug industry sa kanilang panahon, hindi nila alam na posibleng ang mga nasa sindikato rin ng droga ang nagpapatayan.
   
Wala sanang kulay pulitika ang tarpulin ng simbahan kung naglagay din sila ng ganitong mensahe noong nakaraang administrasyon habang pinapatay ng mga kriminal ang libu-libo nating kababayan.
   
Lumilitaw sa statistics na tumaas sa 1 million per year ang krimen sa panahon ng boss nilang dilaw, kabilang na ang rape, akyat-bahay, carjacking, salvage, robbery, riding in tandem at iba pang crime against person subalit hindi ito pinansin ng simbahan.
   
Gusto mang lunukin ng ating mga kababayan ang sinasabi ng simbahan na huwag kang papatay, hindi naman nila ito matanggap dahil nga bias sila sa isyu.
   
Kahit maganda pa ang kanilang layunin, nakukulayan naman sila ng pamumulitika dahil nga hindi nila ipinagtanggol ang mga inosente nating kababayan na walang awang pinatay ng mga kriminal sa panahon ng kanilang patrong madilaw ang mukha.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.