6,631 guests

Petition for Prohibition

  • Written by Atty. Persida Rueda-Acosta
  • Published in Opinion
  • Read: 248

Say mo attorney?

KGG. na Chief Acosta,

Mayroon po akong nais na kasuhan na tribunal upang pigilin ang gagawin nila na pakiramdam ko ay paglabag sa aking karapatang pantao. May nakapagsabi po kasi sa akin na maaaring Petition for Prohibition o Writ of Injunction mula sa Commission of Human Rights ang makatutulong sa akin. Tama po ba sila?

Lubos na gumagalang,

Don

Dear Don,
   
Para sa inyong kaalaman, matatagpuan sa Section 2, Rule 65 ng Rules of Court ang Petition for Prohibition kung saan nakasaad na:
   
Section 2. Petition for prohibition. -- any tribunal, corporation, board, officer or person, whether exercising judicial, quasi-judicial or ministerial functions, are without or in excess of its or his jurisdiction, or with grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction, and there is no appeal or any other plain, speedy, and adequate remedy in the ordinary course of law, a person aggrieved thereby may file a verified petition in the proper court, alleging the facts with certainty and praying that judgment be rendered commanding the respondent to desist from further proceedings in the action or matter specified therein, or otherwise granting such incidental reliefs as law and justice may require.
   
The petition shall likewise be accompanied by a certified true copy of the judgment, order or resolution subject thereof, copies of all pleadings and documents relevant and pertinent thereto, and a sworn certification of non-forum shopping as provided in the third paragraph of section 3, Rule 46.
   
Ang layunin nito ay ipinaliwanag ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Alfeo D. Vivas, on his behalf and on behalf of the Shareholders of Eurocredit Community Bank, vs. The Monetary Board of the Bangko Sentral ng Pilipinas and the Philippine Deposit Insurance Corporation, Respondents (G.R. No. 191424, August 7, 2013), sa panulat ng Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Jose C. Mendoza, na:
   
Indeed, prohibition is a preventive remedy seeking that a judgment be rendered which would direct the defendant to desist from continuing with the commission of an act perceived to be illegal. As a rule, the proper function of a writ of prohibition is to prevent the doing of an act which is about to be done. It is not intended to provide a remedy for acts already accomplished.
   
Malinaw sa nabanggit na Petition for Prohibition ang siyang remedyo upang pigilan ang gagawin ng isang tribunal na maituturing na iligal.
   
Hinggil sa iyong katanungan kung maaaring mag-isyu ang Commission on Human Rights (CHR) ng writ of injunction, nais naming ipabatid sa inyo na walang kapangyarihan ang CHR na gawin ito. Ito ay ipinaliwanag ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Export Processing Zone Authority vs. The Commission On Human Rights, Teresita Valles, Loreto Aledia and Pedro Ordonez, sa panulat ng Kagalang-galang na dating Kasamang Mahistrado Carolina Griño-Aquino, na:
   
The constitutional provision directing the CHR to “provide for preventive measures and legal aid services to the underprivileged whose human rights have been violated or need protection” may not be construed to confer jurisdiction on the commission to issue a restraining order or writ of injunction for, if that were the intention, the Constitution would have expressly said so. “Jurisdiction is conferred only by the Constitution or by law.
   
Samakatuwid, walang matatagpuang basehan sa batas o Saligang Batas na mayroong kapangyarihang mag-isyu ng writ of injunction ang nabanggit na komisyon.
   
Nawa ay malinaw naming nasagot ang i­yong mga katanungan. Gayunpaman, binibigyang-linaw namin na ang mga payong nakasaad sa liham na ito ay base lamang sa mga impormasyong nilalaman ng inyong liham at aming interpretasyon dito. Maaaring may ibang legal na opinyon na mas angkop dito kung may mga importanteng detalye na hindi ninyo nabanggit sa inyong liham. Mas makabubuting kayo ay personal na sumangguni o bumisita sa aming tanggapan upang mas malinaw ninyong mailahad ang inyong sitwasyon nang sa gayon ay mapayuhan kayo ng mga hakbang na nararapat ninyong gawin.
   
Ang inyong Lingkod Bayan,

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA

Punong Manananggol Pambayan

Paunawa:
   
Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: (02)426-2075, (02)426-2801, (02)426-2450, (02)426-2987, (02)426-2683, o (02)929-9436 local 106 o 107 during office hours at local 159 after office hours.
   
Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng legal advice, court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.