6,409 guests

‘Sibakan’ sa BoC, mauulit?

  • Written by Paul M. Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 258

BAGO ang lahat, mainit at maingay munang pagbati ng ‘Happy Birthday!’ kay Quezon City Police District
(QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, na isa sa mga “sinasaluduhan” at iginagalang nating
opisyal ngayon sa ating pambansang pulisya.

Happy birthday again, DD Eleazar. May you continue to inspire your fellow officers and the
entire PNP with your professionalism, dedication and sincerity as a public servant. Mabuhay ka!

At dahil bumati na rin lang tayo, ’sing-init na ‘Happy Birthday’ din kay Mary Ann ‘Tine’
Tello, ang magandang anak ng ating kaibigan na si Col. Rommel Tello ng Phil. Army. Maligayang pagbati
ulit at “ikain” mo na lang ako sa handa mo, hehehe!

* * *   

“Aprub” sa atin ang naging paliwanag ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Sid Lapeña,
hinggil sa mga isinusulong niyang “reporma” sa Aduana -- na siyang “target” naman ng mga batikos mula
sa hanay ng mga kawani (BOCEA) at  ‘customs brokers.’
     
Noon kasing Sabado, sa ating programang ‘Meet the Press On Air’ sa Radyo Pilipinas, natutuwa
tayo na nagbigay ng oras si Comm. Sid upang magpaliwanag, bagay na nagpahanga sa atin dahil
nagpapakita ito na hindi siya “suplado” at “namimili” ng kakausapin sa hanay ng media.
    
Kumbaga, hindi siya katulad -- at napakalayo niya -- sa kanyang pinalitan, ayos!
    
Ayon sa BOCEA, “hindi” man lang daw sila “nakukunsulta” ni Comm. Sid sa mga ginagawa nito
katulad ng nangyaring malawakang sibakan, err, balasahan, sa hanay ng ‘district collectors’ at
‘frontline employees’ kung saan sa kasalukuyan, aabot sa 10 district collectors ang nawala sa puwesto
at higit 30 naman sa  appraisers/examiners ang nasibak din sa kani-kanilang posisyon.
    
“Nasusulat” kasi sa ‘CNA’ (collective negotiation agreement) ng BoC na dapat “konsultahin” ang
unyon sa mga desisyong may kinalaman sa kanilang ‘terms of employment’ katulad ng ‘transfer’ at
‘reshuffle.’
    
“Umaangal” na rin ang BOCEA na kahit ang isyu ng kanilang ‘overtime pay’ hindi rin napag-
uusapan samantalang kahit araw ng pahinga at  ‘official holidays’ (katulad ngayong Linggo),
nagtatrabaho sila.
     
“Katwiran” naman ni Comm. Sid, may nangyari namang mga ‘consultation’ bago siya nagdesisyon na
sipain, agh, alisin, sa posisyon ang mga nabanggit bagaman nga ang malinaw, hindi kasama sa “listahan”
ng kanyang mga kinausap ang BOCEA. ’Yun lang, hehehe, ayy, huhuhu!
    
Ang “problema” kasi, lumalabas na hindi man lang “nasindak” sa kanyang ginawa ang mga
“pasaway” at mga tiwaling empleyado.
     
Katunayan, maging si Comm. Sid ay nagbanggit na patuloy pa ring nilalabag ang kanyang “utos”
na tigilan na ang ‘benchmarking’ na sa kanyang pagsipat ay “ugat” ng “tara culture” sa ahensiya at iba
pang mga tiwaling gawain katulad ng pagkunsinti ng  ‘customs frontliners’ at mga opisyales sa iba pang
mga gawaing tiwali (misdeclaration, undervaluation, etc., etc.).
    
Kaya nga kung “minemenos” siya o “naliliitan” sa kanya itong kanyang mga bagong empleyado, eh,
magbago na kayo ng inyong postura mga bosing dahil ayon pa nga kay Comm. Sid, bagaman binibigyan niya
ng ‘clean slate’ ang lahat, hindi rin naman niya babawiin ang kanyang ‘one strike policy.’
     
Translation? “Sumige” lang kayo sa iyong mga kabulastugan dahil masisibak kayong lahat sa
puwesto, malinaw ba?
     
Sakaling mangyari ito, naniniwala tayong kahit “magtirik” pa ng “welga” ang BOCEA, hindi
matitinag si Comm. Sid -- at lalabas namang “protektor” ng mga tiwali at korap ang unyon, hindi ba mga
kabayan?
    
At bago naman “sumulong” sa “kilos-protesta” ngayong Nobyembre 20 ang hanay ng customs
brokers, ang sinasabi naman ni Comm. Sid, “nakahanda” rin siyang makipag-usap (‘dialogue’) sa kanila.
Ang tanong: Mangyari naman kaya?
     
Aabot naman sa puntong “magwewelga” ang customs brokers na “suportado” ng unyon dahil sa isang
“maliit” na problema, Comm. Sid:
     
“Wala” man lang daw kasing sagot mula sa iyo ang mga sulat at reklamo ng  customs brokers at
mga empleyado na “nakatambak” na umano sa iyong opisina.
 
Hmm. Sino ba ang “punong abala” sa iyong tanggapan at tila “itinatago” sa iyo ang ‘official
communications’ na siyang pagmumulan ng “away” sa pagitan mo at ‘stakeholders’dahil nga kahit isa raw
sa mga ito, wala ka ma lang sinagot.
     
Sa ngayon kasi, ‘yung mga sumulat kay Comm. Sid, lahat sila ay nagtatanong kung “nabasa” raw
ba kaya ni Comm. Sid ang kanilang mga “hugot” at reklamo?
     
Hindi naman kaya… ginawa nang ‘toilet paper’ o kaya naman ay na-shredder’ na bago pa man
mabasa ni Comm. Sid? Huwag naman sana, hehehe!
     
At kung may “panawagan” si Comm. Sid sa mga “personero” at  customs brokers na “magtiis” lang
muna kung mabagal ang daloy ng transaksyon sa POM at MICP matapos nga niyang “lusawin” ang
‘sectioning’ sa mga distritong ito, ewan lang natin kung makapagtitiis pa nga sila?
     
Dangan kasi, kung sa lumang sistema ay “mabilis” na ang kalahating araw sa ‘entry processing’
sa ngayon ay “mabilis” na ang dalawang araw bago ito matapos kaya, “anong pagtitiis” pa nga naman ang
dapat gawin ng mga personero at brokers, aber?
     
Sa totoo lang din, Comm. Sid, hindi naman apektado sa bagong sistema ang mga notoryus na
‘players’ katulad nitong ‘House of Tebes’ na ayon pa rin sa mga miron ay patuloy pa rin sa
“pamamayagpag” d’yan sa POM at MICP, tama ba, “bosing” ‘John Paul T?’
     
Ang masakit pa, Davao City Vice Mayor ‘Pulong Duterte,’ hanggang ngayon pala ginagamit pa rin
nitong pangkat ni House of Tebes ang ‘Davao Group,’ sanamagan!
 
At happy reading na rin sa grupo nitong sina ‘Abu Sarap’ at ‘Paolo N’ alias ‘Peter E/Red
Tiger.
     
Dumarami na ba ulit ang mga “kliyente” ninyo, hehehe! Abangan!