6,243 guests

Sino nasa likod ng mga nahuling sasakyan?

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 264

SA isang demokratikong bansa, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mapayapang pag-uusap para malutas
ang mga problema.

Hindi kailangang mag-away para maayos ang mga hindi pagkakaunawaan.
    
Kagaya sa aduana, dapat laging nasa “honeymoon period” ang mga nagtatrabaho dito.
    
Ang ibig sabihin, dapat panatilihin ang magandang working relationship among stakeholders.
    
Kagaya na lang ng relasyon ng management at Bureau of Customs Employees Association (BOCEA).
    
Ayon sa report, hindi raw nasusunod ang collective negotiation agreement (CNA) na pinirmahan
noong panahon ni dating Commissioner Bert Lina.
    
Sinabi ni BOCEA President Remedios Princesa na hindi man lang sumasagot si Commissioner Sid
Lapeña sa kanilang mga sulat.
    
Sa tingin ng marami, kailangan laging nag-uusap ang BoC management at BOCEA.
    
Sa dami ng problema sa aduana ay baka hindi nabibigyan ng pansin ang mga idinudulog na
problema sa pamunuan ng BoC.
    
Pero marami ang naniniwala na maaayos din ang mga hindi pagkakaunawaan nina Lapeña at BOCEA.

* * *   

Muli na namang nakakumpiska ang BoC ng 18 kontrabandong luxury vehicles sa Manila
International Container Port o MICP.
    
Nagkakahalaga ng mahigit P107 milyon, ang mga sasakyan ay galing ng Hong Kong, United Arab
Emirates at United States.
    
Sa kanyang report kay Commissioner Lapeña, sinabi ni MICP District Collector Ruby Alameda na
ang mga sasakyan ay kinabibilangan ng Toyota Land Cruiser, Range Rover, Chevrolet Camaro at Mclaren.
    
Ang mga luxury vehicle ay kinumpiska dahil sa undervaluation at kabiguan ng consignee na
magpakita ng BIR’s Authority To Release Imported Goods (ATRIG).
    
Ang ATRIG ay ini-isyu ng BIR para mailabas ang imported na mga sasakyan sa custody ng BoC.
    
Pero kailangang magbayad muna ang consignee ng tamang duties at taxes bago mailabas ang mga
kargamento.
    
Matatandaan na noong Agosto 2015 ay nakakumpiska ang Enforcement Group sa Port of Batangas ng
14 na luxury vehicles na nagkakahalaga ng P100 milyon.
    
Iniutos kaagad ni Lapeña ang agarang pag-imbestiga sa pinakahuling insidente ng ismagling.
    
“If we did not alert these shipments, these could have been released from customs custody
without the required ATRIG and correction,” sabi ni Lapeña.
    
Paimbestigahan mong maige Comm. Lapeña kung sino nasa likod ng mga nahuli mong ’yan.
Siguradong matagal na nilang ginagawa ’yan.
    
Kung tutuusin, talagang malaki ang naitutulong sa anti-smuggling drive ng pag-alerto sa mga
kahinahinalang kargamento.
    
Pero kung minsan, nagagamit ito sa pangongotong sa mga importer at broker.
    
Tama ba kami, Commissioner Lapeña?

* * *   

Muling binalaan ni Customs Commissioner Lapeña ang mga tiwaling examiner.
    
Sinabi ni Lapeña na magsisisi sila kapag sila’y mahuling nagpapatuloy sa kanilang
“benchmarking activities.”
    
Ayon kay Lapeña, maraming nagre-report sa kanya tungkol sa pagpapatuloy ng benchmarking sa
aduana.
    
“I will be able to catch up with you and you will regret for not following the instructions of
the commissioner,” ang babala niya.
    
Babala pa niya: “I’m giving everyone a clean slate but with one-strike policy, if you didn’t
follow, step aside.”
    
Tama si Commissioner Lapeña sa kanyang ginagawang paglilinis sa hanay ng mga taga-BoC pero
dapat pagtuunan rin niya ng pansin ang mga importer at broker na paulit-ulit siyang niloloko.
    
Aba’y sa tingin tuloy ng iba, tuloy na naman ang ligaya ng tinaguriang “Davao Group.”
    
Kailangang aksiyunan ito, kung hindi, baka matapos na ang termino ni Pangulong Rody Duterte ay
nandiyan pa rin ang mga mandurugas sa aduana.
    
Banat lang, Sir Sid! Suportado ka ng taumbayan at Malakanyang.
    
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-
4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.