4,964 guests

Sorry yellow folks, buhay pa si Presidente!

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 203

PARANG nirapido ang social media, ang himpapawid at ang mga pahayagan matapos hindi magparamdan si Pangulong Duterte magmula June 12 hanggang June 16.

Parang hinalong kalamay ang mga espekulasyon, may mga grupo at tao pa ang nagpapalipad ng mga fake malasakit sa posibilidad na may karamdaman nga ang lider ng bansa.
    
Sa dami ng mga totoong nag-aalala sa kondisyon ng Presidente, nakakasingit pa rin ang mga taong hindi naman talaga gustong kumustahin kung buhay pa si Duterte. Mas gusto nilang mapabalitaan na may malubha itong karamdaman para mapasumpa na ang gusto nilang kahalili nito.
    
Multi-colors ang mga naglalabas ng kanya-kanyang opinion, espekulasyon at mga suggestion ukol sa kung paano dapat ilantad sa publiko ang health condition ng isang nakaupong Pangulo ng bansa. Pero sa dami ng kulay, lumulutang ang mga nagmumula sa dilaw dahil iba ang tono ng kanilang mga pananalita.
    
May dilaw pa ngang nagpakalat pa na comatose daw si Presidente, happy siguro siya sa ginawa niyang ito at baka sinamahan pa nga niya ng dasal na sana’y totoo na ang kanyang ilusyon para muli siyang makinabang.
    
May umepal pa nga na dalawang laos at naisingit pa ang papuri kay Noynoy na kahit minsan daw ay hindi pa ito nag-absent sa Independence rites tulad ng ginawa ni Duterte nitong 119th commemoration.
    
Para namang dapat ikarangal ni Noynoy ang pagdalo at pagtaas ng bandila sa lahat ng independence day celebration gayong sa totoong buhay, mas maraming importanteng bagay ang pinabayaan niya.
    
Bukod sa pagdalo sa inagurasyon ng planta ng sasakyan sa halip na salubungin ang bangkay ng SAF44, matatabunan ang mga laos na ito ng lahat ng uri ng kapabayaan ng kanyang ipinagmamalaking PNoy kapag gumawa tayo ng imbentaryo ng kanyang pagiging inutil.
    
May isa pang lukaret na yellow endorser ang nagsamantala rin sa isyu gayong wala namang nagawa sa anim na taon kung hindi pagkakitaan ang gobyernong dilaw.
    
Sa totoo lang, mas marami pa rin genuine care sa tunay na kondisyon ng Pangulo sa nakaraang limang araw niyang pamamahinga kahit may mga taong iba ang wish dahil sa kagustuhang makabalik sila sa puwesto.
    
Masyado lamang nakakahiya ang mga taong ito, nakukuha pa nilang mag-isip na makabalik sa kapangyarihan samantalang alam naman nila sa kanilang mga sarili na wala silang nagawa sa bayan kung hindi bungkos ng pagnanakaw at bungkos ng kapabayaan.
    
Kaya nga sa paglutang ulit ng Pangulo, sorry folks, lubog na naman ang pangarap n’yong makabalik sa Palasyo.
    
At habang nananalangin kayo nang masama laban sa Pangulong Duterte, samahan n’yo pa ng dasal na huwag matupad ang lahat ng ipinangako niyang infrastructure, mga pagbabago sa sistema ng gobyerno at ang pagpapatahimik sa Mindanao para talagang sumaya kayo.
    
Dahil kapag nangyari ang lahat ng kanyang ipinangako, magpa-exile na kayo sa Syria dahil tiyak nang hindi na kayo makakabalik sa puwesto!

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.