5,630 guests

‘Thank you again,’ Sec. Martin A

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 517

Paul's alarm

BAGO ang lahat, binabati muna natin si ex-NPC president at ngayon ay Usec. Joel Sy Egco, sa matagumpay na pagdaraos noong Miyerkules nang unang anibersaryo ng ‘Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na ginanap sa Bulwagang Plaridel ng National Press Club.

Bilang aktibong kasapi ng PTFoMS, “karangalan” para sa NPC na maging ‘host’ ng nasabing okasyon na talaga rin namang ‘star-spangled,’ wika nga, sa dami ng mga dumalong personalidad.

Hindi na natin sila iisa-isahin dito bagaman kailangan siyempreng “magpasalamat” tayo kay DoJ secretary, Vitaliano Aguirre at PCOO secretary, Martin Andanar, sa kanilang pagdalo, kasama na ang iba pang mga ‘local dignitaries,’ wika nga, mula sa Palasyo, DoJ, PNP, NBI, DILG at AFP, among others, wika nga ulit.

Salamat sa iba pang media organizations sa bansa na nagkaroon ng pagkakataon na makabisita sa NPC katulad ng NUJP, KBP, PAPI, PPI at PPP.

Salamat din siyempre sa ating mga “kapatid” sa media, sa mga press corps at mga press clubs dito sa NCR na dumating upang marinig ang unang “Ulat sa Media” ni Usec. Egco.

Natutuwa tayo at naging isang ‘mini-reunion’ ng mga kasaping media organization ng NPC ang okasyon. “Nalulungkot” naman tayo dahil lahat sila ay umuwing “masaya” at ako naman ay umuwing “sugatan,” aguy, aguy, aguy!
 
Muli, sa lahat ng mga dumalo at nakiisa, salamat sa inyong pagbisita sa National Press Club!

* * *
    
Kahit dating “kasama” sa hanay ng media, mayroon pa rin na mga “bumabatikos” kay PCOO secretary, Martin Andanar.
    
Aber, ’yung iba pa nga ay “kinakantyawan” tayo na minsan naman daw ay “bateryahin” din natin si Sec. Martin, dahil sa mga “sablay” ng kanyang tanggapan o mga ahensiya na nasa ilalim ng PCOO.
    
Sa ganang atin naman, “napakababaw” ng ganitong pagtingin at dala marahil ng katotohanan na hindi naman nila nakakasama o nakakausap si Sec. Martin.
    
“Punahin ang dapat punahin, purihin ang dapat purihin.” Ito ang “panuntunan” na sinusunod natin.
    
At pagdating kay Sec. Martin, ang masasabi lang natin ay nakikita naman natin ang kanyang mga ginagawa -- at sinseridad -- na iwasto ang mga mali at gawin ang mga bagay na may pangmatagalang epekto sa kapakanan ng media.
    
Kumbaga, dapat ba tayong ‘mag-nitpicking’ at kalimutan ang mga ‘contributions’ ng PCOO ngayon para sa media? Eh, kung ganito nga, simulan natin sa “nakaraan” hindi ba, mga kabayan?
    
Para na rin maging “mas balanse” ang ating pananaw.
     
Aber, sa nakaraan ba, ano ang nangyari sa higit tatlong dekada ng pagsigaw ng media sa isyu ng FOI? Wala. Pero ngayon, mayroon na.
    
Sa nakaraan, ano ang nangyari sa panawagan ng mga mamamahayag para sa ‘task force’ na “kakalinga” sa media? Wala. Pero ngayon, mayroon na.
     
Ang dalawang bagay na ito, mga “kapatid” ay masasabing “utang” natin kay Sec. Martin at siyempre, kay PDU30 na rin. Kay Sec. Martin na siyang “nakipaglaban” para sa FOI at PTFoMS sa loob ng Gabinete at kay Pang. Rody dahil pinayagan niya ang mga ito.
     
At noong Miyerkules, muli tayong “ginulat” ni Sec. Martin nang ianunsiyo niya ang ‘Media Medical Fund’ sa pamamagitan ng ‘partnership’ ng PCOO kay businessman, Manny V. Pangilinan.
     
Talagang “nagulat” tayo, mga kabayan dahil sa totoo lang, ang “akala” ko ay mauuwi na lang sa “drowing” ang resulta ng naging huntahan namin ni Sec. Martin hinggil sa pangangailangang medikal ng mga kasapi ng media.
     
Dangan kasi, higit dalawang buwan na ang nakaraan nang mapag-usapan namin ito kasama si NPC auditor, Rolly ‘Lakay’ Gonzalo. Aber, kung sa nakaraang administrasyon ’yan, eh, wala na ’yan, “nagkalimutan” na ’yan, sa totoo lang.
     
At alam din naman kasi ni Sec. Martin, bilang dating mamamahayag, ang problemang ito. Kuwento pa nga niya, sa kanyang mga “pag-iikot” (out-of-town-trips), nakikita niya ang kawawang kalagayan ng mga mamamahayag, partikular na sa mga probinsiya.
     
At kahit naman dito sa Metro Manila, problema rin talaga ang pagpapagamot ng mga kasapi ng media na isa sa ‘most exploited’ at ‘underpaid’ na sektor ng ating lipunan.
 
Kaya nga, sa kanyang “magandang balita” noong Miyerkules, “bumilib” na naman tayo kay Sec. Martin, mga kabayan.
     
Puwede pala kasing “panghawakan” ang kanyang salita. ’Yan ang tunay na maginoo! Yeheyy!
 
Mabuhay ka, Sec. Martin, at muli, maraming salamat!