6,149 guests

Tigilan niyo na si Pangulong Duterte!

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 164

NAWALA lang ng ilang araw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paningin ng publiko ay nagpista na naman ang mga tsismosa at tsismoso.

Siyempre labas kaagad ang Malakanyang  ng paliwanag kung bakit hindi napagkikita si Pangulong Duterte. 

Kailangan daw magpahinga ang punong ehekutibo dahil sa sobrang pagod.
    
Naging abala kasi si Duterte mula nang sumiklab ang giyera sa Mindanao. Lagi siyang nakatutok sa mga kaganapan sa Marawi City. Inasikaso at dinalaw ang mga sugatan at namatay na sundalo. Nandiyan pa ang mga speaking engagement niya.
    
Makina nga eh, nago-overheat. Tao pa kaya? Talagang iba ang mga kritiko at kaaway ng Presidente.
    
Bawat pagkakataon ay sinasamantala para batikusin ang Pangulo. Ang maganda kay Duterte, deadma lang niya sa mga puna sa kanya.
    
Ang mahalaga sa kanya ay magampanan niya ng mahusay ang kanyang tungkulin sa bayan at mamamayan.
    
Tigilan niyo si Pangulong Duterte dahil ang tanging hangad niya ay umunlad ang bansa.

* * *
    
Perhuwisyo talaga ang dulot ng bakbakan sa Marawi City. Maraming buhay na nakitil dahil sa patuloy na labanan ng tropa ng gobyerno at terorista.
    
Nawasak ang magandang syudad ng Marawi at maraming residente ang nawalan ng bahay at hanapbuhay.
    
Kaya hindi natin masisisi ang gobyerno kung bakit ganoon na lang ang galit sa mga terorista.
    
Ang perang dapat sana’y gamitin para gumanda ang buhay ng mga mahihirap ay iba ang pinaggagamitan.
    
Ginagamit ang pera ni Juan dela Cruz para tustusan ang giyera sa Marawi.
    
Pahamak talaga ang mga terorista na pinaniniwalaang tinutulungan ng mga dayuhan.
    
Ang masakit ay nagpapatayan tayong mga Pilipino para lang sa udyok ng mga dayuhan.
    
Hindi dapat mangyari ito dahil tayo ang nahihirapan samantalang nagpapasarap ang mga nanggugoyo sa iba nating kababayan.
    
Panahon na para magising tayo sa katotohanan na dapat tayo’y nagtutulungan at ‘di nagpapatayan.

* * *
    
Kapag naging batas ang isinusulong na tax reform package ay lalaki ang perang papasok sa kaban ng problema.
    
Magkakaroon ng sapat na pondo para matustusan ang mga big-budgeted government project.
    
Magandang balita ito, pero paano naman ang taumbayan na siguradong lalong mahihirapan?
    
Ang dagdag na buwis ay kailangan ng gobyerno. Kahit kasi anong ganda ng isang programa kung wala namang perang gagamitin sa kanyang implementasyon ay walang magagawa ang gobyerno.
    
Sabay sa pagpasa sa tax reform package ay naglatag din ang gobyerno ng mga paraan para maibsan ang paghihirap ng  taumbayan.
    
Kagaya ng marami nating kababayan, suportado natin ang mga programa ng gobyerno.
    
Sana nga lang ay mag-isip tayo ng mga measure na makakatulong sa milyun-milyong nagbabayad ng buwis.
    
Tama ba kami, Finance Secretary Cesar Purisima?
    
(Para sa inyong mga komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)