6,663 guests

Paanyaya sa mga doctor sa pag-aaral sa Psoriasis at PSA

  • Written by People's Tonight
  • Published in Movies & Events
  • Read: 18599

INAANYAYAHAN ng Philippine Dermatological Society (PDS) at Psoriasis Philippines (PsorPhil) ang mga doctor at mga dalubhasa sa pangkalusugan na interesadong makilahok para sa karagdagang kaalaman at mas malalim na pag-aaral tungkol sa Psoriasis at Psoriatic Arthritis.
   
Ang tema sa taong ito ay “Psoriasis Perspectives: Merging Evidence into Practice”. Ang NPPAC ay ang pinakamalaking siyentipikong pagpupulong sa bansa na sumesentro sa walang kalunasang sakit na ito at pinaniniwalaan na sa kasalukuyan mayroong isa hanggang dalawang milyong Pilipino ang apektado.
   
Ang kasalukuyang pangulo ng PDS na si Dr. Rosalidan Nadela ang siyang namumuno ng NPPAC 2014 at siya rin ang tagapangulo ng Lupon ng Siyentipiko. Kasama rin sa pamunuan sina Dr. Ma. Teresita Gabriel at Dr. Sandra Navarra para sa dermatology at rheumatology ayon sa pagkasunud-sunod. Si G. Josef De Guzman, pangulo ng PsorPhil, ay siya ring namumuno sa Organizing Committee na pinangungunahan ni Marj Platilla, director ng PsorPhil Secretariat.
   
Ang punong tagapagsalita ng NPPAC 2014 ay ang kagalang-galang na si Benjamin “Benhur” Abalos, alkalde ng Lungsod ng Mandaluyong, habang si Dr. Liza Martinez, director ng Philippine Deaf Resource Center and Convener ng Philippine Alliance of Patients with Chronic Illness ay ang kauna-unahang magbibigay ng talakayan ng “Maria Blanca Malig Memorial Lecture.” Si Maria Blanca Malig ay isang pasyenteng-pinuno ng adbokasiya ng PsorPhil. Siya ang mukha ng adbokasiya ng PsorPhil na namayapa ngayong taon na ito. Mas kilala sa tawag na Ate Blanca sa karamihan ng mga miyembro, hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay ay patuloy na nagpapayo at nagbibigay inspirasyon sa kanyang mga kasamahan.
   
Ang NPPAC ay tinipon at pinagsama-sama ang mga kilala at mahuhusay na tagapagsalita sa larangang ito mula sa Rehiyon ng Asya. Nangunguna sa listahan ng mga tagapagsalita si Dr. Chong Wei Sheng, senior consultant ng National Skin Centre ng Singapore at Prof. Jayakar Thomas, pinuno ng Department of Dermatology and Venereology sa Balaji Medical University sa Chennai, India.
   
Kabilang din sina Dr. Sandra Teresa Navarra (UST), Dr. Donna Marie Sarrosa (Makati Medical Center), Dr. Vermen Verallo-Rowell (Skin and Cancer Foundation at VSRC + Clinics), Dr. Evan Glenn Vista (St. Luke’s Medical Center), Dr. Ma. Teresita Gabriel (RITM), Dr. Antonio Sison (Medical City) at si Dr. Bernadette Ortiz-Policarpio (SLMC).
   
Ang libreng pagpupulong na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng ipinagkaloob na tulong pang-edukasyon ng mga sumusuporta sa PsorPhil gaya ng LEO Pharma Philippines at Janssen Philippines. Para sa iba pang impormasyon o detalye tungkol sa NPPAC 2014 at Psoriasis Philippines, mag-e-mail lamang sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o makipag-ugnayan kay Marj Platilla sa mga numerong 0933-1328438 at 0915-3324066.