4,006 guests

Ai-Ai, ‘mighty yaya’ sa Amerika

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 362

Para sa pelikulang Our Mighty Yaya, pumayag si Ai-Ai de las Alas na maglagay ng prosthetics dahil pinapangit siya rito. Aminado ang komedyana na medyo challenge ito sa kanya, lalo na sa pagsasalita.

“Pero later on, nasanay na rin ako. Ikinakain ko na siya (na nakalagay ang prosthetics) or iniinom para hindi ako mahirapan.

“Saka sabi ko nga, kaya nag-prosthetics ako rito para hindi naman kayo mahirapan kung sino ako saka si Megan (Young, her co-star),” pagbibiro ni Ai-Ai.

“Para naman may difference. Kasi ’pag walang prosthetics, parang halos okay na, eh. Twinning, eh,” dagdag pa niyang natatawa.

Sa pelikula ay ulirang yaya si Ai-Ai. Ayon sa comedy queen, sa totoong buhay, pinaghalong yaya at ina rin siya ng kanyang mga anak.
   
“Ang pagka-mighty yaya ko, ’pag dumarating ang panahon na gusto nila (ng mga anak niya) na nandiyan agad ako, siyempre lilipad ako sa America agad-agad. “Napakahirap nu’n, kasi siyempre, time difference saka 13 hours ’yung bubunuin mo. And then, mayroon din naman akong anak dito, so, paganu’n-ganu’n. So, nakakahilo rin.”
   
Sa Amerika, ipinagluluto raw niya ang mga anak niya at ipinaglalaba, kaya mighty yaya rin talaga ang labas niya.
   
Ang Our Mighty Yaya ay tribute sa lahat ng mga ulirang yaya sa bansa at Mother’s Day offering ng Regal Films.
   
Showing ito sa May 10 mula sa direksyon ni Joey Reyes.