5,049 guests

AJ, pasadong action star!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 231
AJ & Phoebe AJ & Phoebe

Maganda ang feedback ng tao at mga nakapanood sa kauna-unahang action film ni AJ Muhlach na Double Barrel: Sige Iputok Mo with Phoebe Walker as his leading lady na idinirek naman ni Toto Natividad.

Maganda ang pagkakagawa ng pelikula at kapansin-pansin ang magandang cinematography. Wala pa ring kupas ang action director na si Toto.

Pasado rin ang akting ni AJ bilang action star. Malaking factor ang  malaking speaking voice niya para  mas lalong maging astig ang  pino-portray niyang character bilang dating pusher na naging asset ng mga pulis hanggang naging hired killer na rin.

“Salamat at maraming nagkagusto. Nu’ng una, kinabahan talaga ako, pero buti naman maraming natuwa sa pelikula,” sabi ni AJ.

At dahil sa magandang review sa Double Barrel na showing ngayon, nabawasan nang konti ang nararamda-mang pressure ni AJ bilang half-brother ni Aga Muhlach. “May pressure talaga pero ’di ko siya naiisip, unconsciously siguro. Ngayon ko lang na-realize na siyempre Muhlach, kumbaga, kailangan may ma-achieve ka na something.

“Mas internal siya, eh, sa family, ’yung iniisip ko na gusto kong may mapatunayan sa mga kamag-anak ko, na kaya ko, ganyan. Na kumbaga, kaya ko ring umakting ng ganyan.
      
“Mas sa acting ako na-aano, eh, hindi naman do’n sa fame. Mas do’n ako napi-pressure, eh,  na, ‘Paano nagagawa ni Kuya Aga ’yan? Paano umiiyak ’yan sa mga eksena niya?’ Ako, parang gusto ko ring magawa ’yon,” paliwanag niya.
    
Kasama nina AJ at Phoebe sa Double Barrel: Sige Iputok Mo sina Jeric Raval at Ali Khatibi.