4,868 guests

AlDub, maraming nangyari sa loob ng 2 taon

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 490
Maine Mendoza, Alden Richards: 2 years and beyond Maine Mendoza, Alden Richards: 2 years and beyond

KAHAPON, July 16 ang ikalawang anibersaryo ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza pero ang actual celebration happened a day earlier last Saturday sa top-rating and longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga” kung saan nangyari ang `accidental loveteam’ ng dalawa.

Hindi napigilan ang pagiging emotional nina Alden at Maine dahil napakaraming magagandang bagay ang nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng dalawang taon sa tulong na rin  ng kanilang mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan hanggang ngayon.

Ang phenomenal success ng team-up nina Alden at Maine ay nagsimula sa kanilang `split screen’ na pagkikita kung saan nasa location ng “Juan for All, All for Juan” si Maine at nasa loob naman ng Broadway Studio si Alden.  Ang hindi inaasahang insidenteng `yun ay umani ng mainit na suporta sa studio audience at maging sa televiewers na naging simula ng `Kalyeserye’ ng “Eat Bulaga” na tumagal ng mahigit isang taon.

Sa loob ng dalawang taon, nakagawa sina Alden at Maine ng dalawang pelikula at isang teleserye at mahigit 30 or 40 product endorsements na silang dalawa pa lamang ang nakakagawa.

Although nagwakas na ang ‘Kalyeserye’ ng “Eat Bulaga,” patuloy pa ring napapanood sina Alden at Maine sa “Juan for All, All for Juan” segment.
    
Samantala, isang upcoming movie at concert ang susunod na pagkakaabalahan nina Alden at Maine.
    
Just like any other loveteams, ang tambalan nina Alden at Maine ay hindi ligtas sa mga intriga. Pero hindi nagpapatinag ang dalawa at lalo lamang tumitibay ang kanilang espesyal na pagkakaibigan na diumano'y umakyat na sa ibang level.

EX NI SUNSHINE, NAKASUNTUKAN ANG MISTER NG GF
    
NUNG Biyernes ng gabi, July 14 ay nagpang-abot ang ex-husband ng actress na si Sunshine Dizon na si Timothy Tan at ang (dating) mister ng mistress umano ni Tim na si Clarisma Sison na si Robert Sison sa isang restaurant in Quezon City.
    
Hindi malinaw kung aksidente ang pagkikita nina Tim at Robert na nag-abot sa restroom kung saan nagsimula ang suntukan sa pagitan ng dalawa. Tila mas napuruhan si Robert kesa kay Tim base sa benda sa kanyang noo at kamay.
    
Ayon sa ex-husband ni Sunshine Dizon, si Robert umano ang may motibo na saktan siya at idinepensa lamang daw niya ang kanyang sarili.
    
Dahil sa nangyari, may bagong kaso na namang kakaharapin si Tim.
    
Samantala, hindi man nagkabalikan sina Sunshine at Tim ay nanatiling civil ang dating mag-asawa alang-alang sa kanilang dalawang anak. Regular umanong nakakasama ni Tim ang dalawang bata na sanay na umano sa set-up ng kanilang mga magulang.

NIKKI, BUNTIS NA

ISA nang expectant mom sa kanilang magiging first baby ng husband niyang si BJ Albert si Nikki Gil.
    
Sina Nikki at BJ ay dating schoolmales sa Ateneo de Manila University pero hindi nagkakilala ang dalawa during their college dates not until they were set-up for a date ng isang common friend in 2013.  Noong November 21, 2015 ay ikinasal ang dalawa in a garden wedding na ginanap sa Sta. Elena Golf & Country Club in Laguna.
    
Magmula nang ikasal ang dalawa ay naging inactive na si Nikki sa kanyang showbiz career at binalikan nito ang kanyang pag-aaral sa Ateneo kung saan siya kumukuha ng kanyang second course, ang Interior Design.
    
Si Nikki ay unang nagtapos ng English Literature in 2009.
    
Hindi pa nagsi-share ang mag-asawang Nikki at BJ kung ano ang magiging gender ng kanilang first baby na nakatakdang isilang bago magtapos ang taong kasalukuyan.
    
Si Nikki ay kabilang sa ilang celebrities na kasalukuyang nasa interesting stage na kinabibilang nina Nikka Martinez-Garcia, misis ng actor na si Patrick Garcia, LJ Moreno (courtesy of husband, Jimmy Alapag), Michelle Madrigal, Camille Prats, Bangs Garcia at iba pa.

SHARON, 'DI NA SI GABBY ANG KAPAREHA SA BAGONG PELIKULA

MATUTULOY ang paggawa ng pelikula ng Megastar na si Sharon Cuneta sa bakuran ng Star Cinema pero hindi na umano ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion ang kanyang makakasama.
    
Although ayaw pang i-reveal ni Sharon at ng Star Cinema kung sino ang makakapareha ni Shawie sa kanyang comeback movie, tiyak daw na matutuwa ang mga fans.
    
Ang wild guess namin ay si Robin Padilla na minsan ding na-link noon sa misis ngayon ni Sen. Kiko Pangilinan.
    
Sina Sharon at Robin ay tatlong beses nakagawa noon ng pelikula, ang 1991 hit movie na “Maging Sino Ka Man” na sinundan ng “Pagdating ng Panahon” in 2001 at “Di Na Natuto (Sorry Na, Pwede Ba?)” .
    
Tapos na ring gawin ni Sharon ang kanyang first indie movie, ang “Ang Pamilya Na Hindi Lumuluha” na kalahok sa Cinemalaya Film Festival na magsisimula sa darating na August 4.
    
Samantala, nadagdagan pa ang pagbabawas ng timbang ni Sharon magmula nang ito’y bumalik ng Pilipinas galing sa kanyang series of shows sa Amerika.
    
Bukod sa kanyang pagiging isa sa mga coach ng “The Voice Teens,” excited na umano si Sharon na simulan ang kanyang bagong movie sa Star Cinema.  Shooting starts in September this year.
    
Samantala, kung super busy ngayon si Sharon ay saka naman wala tayong nababalitaang pinagkakaabalahang showbiz project ngayon  ng kanyang panganay na si KC Concepcion.
    
May mga fans na nagtatanong kung bakit hindi gawin mainstay ng ASAP si KC dahil bukod sa mahusay itong mag-host, magaling itong kumanta at sumayaw.

ANNE, BUSY PA SA IBA KAHIT IKAKASAL NA

PAANO pa kaya naisisingit ni Anne Curtis ang preparation for her December wedding with fiance na si Erwan Heussaff gayong may dala-dalawa itong movie project under Viva Films bukod pa sa kanyang daily noontime show na “It’s Showtime”?
    
Anne is currently filming an action movie, “Buy Bust” na pinamamahalaan ni Erik Matti at kung saan nito kapareha ang Fil-Am MMA fighter na si Brandon Vera.  May isa pang movie na gagawin si Anne na co-production ng Viva Films at N2 Productions ni Neil Arce na may working title na “Sid and Aya (Not a Love Story)” at kung saan naman niya makakatambal ang mister ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes.
    
Anne and Erwan are getting married in December this year in still undisclosed place (most likely Europe) kaya kailangan niyang tapusin ang dalawa niyang pelikula bago siya ikasal.