5,117 guests

Angel at Neil, sunod na ikakasal?

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 444

Magpadala kaya sina Angel Locsin at Neil Arce sa pambubuyo ni Anne Curtis na sila na ang sunod na
ikasal sa kanila ni Erwan Heussaff? Inimbita si Anne ang dalawa sa wedding nila ni Erwan
sa New Zealand at sa post ni Neil ng picture nila ni Angel, nag-comment si Anne ng “#NEXTna” na ang
ibig sabihin, sila na ang sunod na ikakasal.

Ang daming pabor sa relasyon nina Neil at Angel, lalo na ang mga kaibigan at nakakakilala sa
kanila.
    
Naniniwala silang magandang foundation sa isang relasyon ang friendship at matagal na silang
magkaibigan, bago pa nagkaibigan.
    
Masaya sina Angel at Neil sa mga picture nila sa kasal nina Erwan at Anne.
    
Hindi lang naiwasang mabahiran ng intriga dahil dumalo rin sa wedding sina Luis Manzano
(immediate ex ni Angel) at ang GF nitong si Jessy Mendiola.
    
Actually, fans lang naman nina Angel at Jessy ang may isyu dahil kay Luis.
    
Ang dalawang aktres, masaya na sa buhay nila, kaya tigilan na ang intriga sa kanila.

* * *

Inilatag na ng GMA-7 ang mga bago nilang teleserye para sa 2018 at isa rito ang Stepsisters na
ilalagay sa afternoon slot.
    
Sina Katrina Halili at Megan Young ang mga bida sa nasabing teleserye to be directed by Albert
Langitan.
    
Dahil nag-klik ang Impostora na hawak din ni Albert, may kasunod agad siyang project.
    
In fairness, mahusay din siya sa Rhodora X nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi at mahusay
ding nahawakan ang Impostora.
    
Ang sabi, ang Stepsisters ang papalit sa Ika-6 Na Utos, pero mukhang ang Impostora ni Kris
Bernal ang papalitan nito dahil kay Direk Albert.
    
Wala pang storycon sa afternoon soap nina Katrina at Megan, kaya hindi pa alam ang
makakapareha nila at kung sino ang makakasama o bubuo sa cast.