6,158 guests

Angel, dedma sa kaliwa’t kanang bira!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 612

... aktres, nag-donate ng dugo sa Red Cross Iligan

Maine, umimik na sa Twitter

NAKIISA si Angel Locsin sa World Blood Donor Day kahapon sa Red Cross Iligan Chapter. May picture ang aktres sa Instagram account niyang nasa kama habang kinukunan ng dugo.
    
Caption ni Gel, “Happy World Blood Donor Day everyone! Let’s help save lives. Do not wait for disaster to strike. What can you do? Give blood. Give now. Give often.”
    
Hindi naman halata sa mukha ni Angel ang mga banat sa kanya nu’ng bumisita sa Marawi City.  
    
Full smile pa nga siya sa photo, huh!
    
Keber ba naman niya kung birahin siya ng kaliwa’t kanan. Ang makatulong naman ang layunin niya at hindi sumagot sa may ayaw sa ginagawa niya, huh!

* * *

KLINARO na ni Maine Mendoza ang dahilan ng paglayas niya sa Twitter ng ilang linggo.
    
Sa kanyang blog niya inilabas ang hinaing matapos ang ilang araw na bakasyon sa Maldives.
    
Gaya ng ginawang pagpapaseksi sa Maldives na nabulabog ang halos buong bansa, nagtaka rin ang 4M followers ni Meng nang lumayas siya sa Twitter.
    
Narito ang paliwanag ni Meng na inilabas sa Twitter account ng GMA Network.
    
“Hi guys! I am back! After taking a breather at Maldives for 5 days (actually 4 lang, bitin na bitin!), now I am back to reality once again.
    
“Decided to take a break from Twitter too because Twitterworld’s been really toxic lately. How’s it now, by the way? Do you still remember when everything used to be fun there? When Twitter used to be a harmonious environment for everyone? Haha I know, me neither.
    
“For the record, it was never about the ‘baddies.’ Bashers are there 24/7 since the very beginning and I honestly do not mind about them. It’s just lately some of the fans are the ones to start and engage in conflict; until things start getting blown out of proportion. It’s gotten to the point where fans are quarrelling with fans, too, and not with bashers anymore.
    
“Like I have said, Twitter used to be a harmonious environment to all of us, remember the bayanihan days? Kalyeserye days? Pre-tamang panahon? Tamang panahon? I know things have changed but I hope we get to perpetuate the harmony among each of us,” paliwanag ni Maine.

* * *

MAKAKABILI na ng Meant To Be merchandise ang fans ng GMA series simula kahapon sa PBA Café entrance sa Metro Walk, Pasig City.
    
Isinabay na rin doon ang thanksgiving ng cast dahil sa pagiging top rater ng programa.
    
Sa mahigit isang linggo na lang sa ere ng MTB, mapapanood ang ilang eksena sa Singapore kung saan nagpahayag ng pag-ibig ang apat na male lead actors kay Barbie Forteza.
    
Hanggang sa Lion City, umabot ang mahabang buhok ni Barbie nang magkagulo na naman sa kanya sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner.