5,208 guests

Baby girl ang unang anak nina Camille at John

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 537
Camille Prats at John Yambao Camille Prats at John Yambao

BABY girl ang magiging unang supling ng mag-asawang Camille Prats at John Yambao.  Ang couple ay may tig-isang anak na lalake sa kanilang previous relationship, si Nathan kay Camille sa namayapang unang mister na si Anthony Linsangan at si Ice naman kay John sa dati nitong karelasyon.  Magkakaroon na rin ng kalaro ang first baby ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli na si Lilly Feather.

Bukod sa kanyang hosting at acting career, si Camille ay hands on sa pagpapatakbo ng kanyang school, Divine Angels Montessori in Cainta, Rizal. Malamang na katuwang na niya ang kanyang mister na si John ngayong nagdesisyon itong sa Pilipinas na mamalagi.

Ang magkapatid na John at Camille Prats ay may kani-kanyang negosyo bukod pa sa iba’t ibang negosyong pinasok ng kanilang mga magulang  na sina Dondi at Alma Prats.

Kapag dumating ang panahon na hindi na ganoon ka-busy ang magkapatid, hindi ito magiging problema sa kanila dahil pareho na silang successful sa kanilang mga negosyo sa tulong na rin ng kanilang parents who made sure na sigurado na ang kanilang future at ng kanilang respective families.

ARTISTA NI DIREK BRILLANTE, MAHUSAY KAHIT 'DI KILALA

FIRST time naming nakapasok sa Director’s Club Theater sa 5th floor ng SM Megamall.  Napakaganda ng lugar at pang-VIP talaga.

Last Tuesday afternoon ay naimbitahan kami sa press preview ng pang-apat na  movie for TV na dinirek ng premyadong director na si Brillante Mendoza, ang “Pagtatapos” na tinampukan nina Gabby Padilla (as Shaira), Nonie Buencamino (as Raymond, ama ni Shaira), Shamaine Buencamino (as Helen, ina ni Shaira), Racquel Villavicencio (as Angeli, Shaira’s teacher), Nonoy Froilan (as Sir Mevin), Olivia Bugayong (as Ina), Joni Galeste (as Maria Makiling), Ian Ocampo (as (Juan, Maria’s partner), Renzo Arboleda  at PHSA Director  Vim Nadera (as himself).
   
Ang kuwento ay umiikot sa character ni Shaira, isang graduating student at ang kanyang masalimuot na buhay bilang isang anak, estudyante at bilang isang tinedyer na iniwan ng kanyang ina para mangibang-bansa.
   
Bilang isang baguhang actress, nakaka-impress ang naging performance ni Gabby bilang Shaira at hindi siya nagpahuli sa aktingan sa mga beteranong actor tulad nina Nonie at Shamaine Buencamino at maging si Racquel Villavicencio.
   
Ang “Pagtatapos” ay mapapanood sa TV5 ngayong Sabado, April 22 sa ganap na ika-9:30 ng gabi.

ANAK AT DATING KARELASYON, KASAMA NI ARA SA BRUNEI

MARAMI ang nagsasabi na tila inspired ngayon ang ex-girlfriend ni Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na si Ara Mina dahil napaka-seksi nito ngayon kung kelan meron na siyang more than two-year-old daughter na si Amanda.
   
It’s been over two years magmula nang magkahiwalay ang dating magkasintahang Patrick at Ara na ang buong akala ng marami ay mauuwi sa kasalan.  But just like any other relationships, nagkahiwalay rin sila.  Marami ang nanghinayang pero marami pa rin ang umaasa (including this writer) na may chance pa ring magkabalikan ang dalawa lalupa’t walang ibang nauugnay sa kanila magmula nang sila’y magkahiwalay.
   
“Magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin na umasa ako,” ani Ara.  Pagdating naman sa batang alkalde ng Bulakan, Bulacan na si Patrick, sinabi nito na wala naman umanong imposible.  “Ang Diyos at ang panahon lamang ang makapagsasabi.”
   
“Malay natin,” nangingiti nitong sinabi sa amin.
   
Lalupang marami ang umasa at natuwa nang malaman nila na magkasama sina Mayor Patrick, Ara at anak nilang si Amanda na nagbakasyon sa Brunei nitong nakaraang Holy Week kung saan din nila nakasama ang magkasintahang Sunshine Cruz at Macky Mathay.
   
Is reconcillation in the offing?
   
Nangingiti lang pareho sina Ara at Mayor Patrick sa tuwing sila’y natatanong kung sila’y nagkabalikang muli.
   
“Kahit naman nagkahiwalay kami ni Hazel (tunay na pangalan ni Ara) ay nanatili naman kaming magkaibigan hanggang ngayon because of our daughter (Amanda),” pahayag ng batang alkalde.
   
“We communicate a lot because of Amanda,” pag-amin pa nito.
 
“Kapag may chance naman, we go out together tulad ng ginawa namin sa Brunei na nataon naman na wala akong gagawin kaya sumama ako at kakilala ko rin naman ang host doon,” dugtong pa ni Mayor Meneses.
   
Samantala, Mayor Patrick is now serving his third and final term bilang mayor ng Bulakan, Bulacan pero hindi pa niya masabi kung anong posisyon ang gusto niyang takbuhan but he keeps his option open. Tatlong posisyon ang kanyang pinag-aaralan, bilang vice-governor or governor ng Bulacan o di kaya bilang isang kongresista sa kanilang distrito.
   
“Actually, wala pa talaga sa ngayon dahil naka-focus ang attention ko sa pagiging alkalde ng Bulakan, Bulacan,” diin ng batang alkalde.

KRIS, HOLLYWOOD CAREER, LUMILINAW; TV HOSTING CAREER, LUMALABO

ANG tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino ay kasalukuyang nasa Los Angeles, California kasama ang bunsong anak na si Bimby para lumagda ng kontrata sa East West Artists based in Los Angeles, California at siya’y nasa ilalim ng supervision ni Chris Lee (ang business partner ng talent agency) at sigurado na umano ang inclusion nito sa isang Hollywood movie, ang napapabalitang movie adaptation ng “Crazy Rich Asians” hango sa best-selling book (of the same title) ng kilalang Singaporean novelist na si Kevin Kwan.
   
Kung tila malabo pa sa Ilog-Pasig ang pagkakaroon ni Kris ng isang regular TV program sa ngayon, at least nagbukas naman ang isang oportunidad na magkaroon siya ng career sa Hollywood.
   
Samantala, nagbigay na ng pahayag ang car-racer-councilor at anak ng bagong TV producer na si Gng. Rhodora Morales (na siyang nag-produce ng travel special ni Kris, ang “Trip ni Kris” na ipinalabas last April 9 ng gabi sa GMA na si Renan Morales.  Personal nitong pinabulaanan ang mga akusasyon sa kanilang mag-ina ni Kris laluna pagdating sa bayad sa kanya (Kris). February 27 umano sila nagbigay ng paunang ba-yad sa TV host-actress at ang full payment ay noong March 30, nine days before the airing ng TV special.  At hindi maliit na halaga ang kanilang ibinayad kay Kris at pinagbigyan nila ito sa mga kahilingan nito pati ang production staff na gusto niyang makatrabaho.
   
Inamin ni Renan na nag-focus ang “Trip ni Kris” sa kanilang lugar ng Nueva Ecija dahil bukod sa tagaroon sila, gusto ng  mag-inang Rhodora at Renan na ma-promote ang  turismo Nueva Ecija na marami ring magagandang lugar at masasarap na pagkain.
   
Since humingi na umano ng tawad si Kris sa mag-inang Rhodora at Renan sa kanyang mga naging pahayag, ito’y kanilang tinatanggap.  Pero malabo na sigurong kunin pang muli ng mag-ina ang serbisyo ng dating Presidential daughter and sister.