4,963 guests

Bagay na bagay!

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 394
Ellen and John Lloyd Ellen and John Lloyd

BAGAY na bagay sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Mukhang nakita na ni Lloydie ang ka-match niya sa katauhan ni Ellen. Sunud-sunod ang mga post sa social media na nagpapakita ng kanilang adventure. Gaya na lamang 'yung sweet moments nila sa isang beach resort sa Cebu.

Sabay na sabay ang kanilang diumano'y romance sa takbo ng kuwento ng kanilang mga karakter sa "Home Sweetie Home." Sa nasabing sitcom, nagiging close sina Tanya (Ellen) at Romeo (JLC) na dahilan ng pagseselos ni Juliet (Toni Gonzaga). Kaya hinala ng iba na  gimik at publicity lang ito para sa kanilang programa. Pero sa kabilang banda, baka na-develop na rin ang dalawa; lalo na't pareho silang single. Matagal na ring walang nali-link sa aktor. Party girl ang image nitong si Ellen. At mukhang nag-e-enjoy ngayon itong si Lloydie sa company ng aktres.

Matatandaan noon na naging kontrobersiyal ang aktor sa diumano'y pagiging lasinggero nito. Habang si Ellen ay ilang beses na ring naging laman ng showbiz balita hinggil sa diumano'y paglalasing nito. At ngayon lang, pinagpipiyestahan na ang video ng aktor na diumano'y lasing na lasing habang nagbi-videoke. Ano naman kayang "damage control" ang gagawin ng Star Magic sa viral video ng isa sa mga prized artist nito?

Ano na ba talaga ang relationship status nila? Totoo bang nagkakamabutihan na sila o nagkakamabotehan lang ang dalawa? Just asking...

IÑIGO PASCUAL, ONE-HIT WONDER LANG BA?

Suwerte itong si Iñigo Pascual.
    
Sa tindi ng kompetis-yon ngayon, unti-unti si-yang gumagawa ng sarili niyang marka sa showbiz. Naging madali ang kanyang pagpasok sa industriya dahil sa kanyang amang si Piolo Pascual. Pero mas mahirap ito para sa kanya dahil kailangan niyang kumawala sa anino nito.
    
Ngayon, napagtagumpayan na niya ito dahil pumatok ang kanyang kantang "Dahil Sa 'Yo" na naging chart topper sa Billboard Philippines. Importante sa isang recording artist ang magkaroon ng hit song. And Iñigo has succesfully achieved this early in his singing career. Pero ang challenge niya ngayon ay paano i-sustain ang kanyang pagiging hitmaker. Marami sa mga singer ang naging  one-hit wonder hanggang sa nawala na lang sa music scene.
    
Ngayon na may sarili ng hit, dapat magkaroon na rin ng sariling style itong si Iñigo; na hindi galaw at tunog Justin Bieber. Kaya ba niyang i-sustain ang pagiging hitmaker nito? Just asking.

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pa-mamahayag, Malaya rin angs ino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamangs a Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.