5,146 guests

Balik-tambalan nina Derek at Jennylyn, kukunan sa Taiwan

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 1979

Nagtapos na kagabi ang My Love From the Star at ngayon pa lang, ang dami nang clamor na pagsamahin ulit sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva dahil sa tindi ng chemistry ng dalawa.

Pero right now, hindi muna bagong serye ang pagkakaabalahan ni Jen dahil sasabak na siya agad sa shooting ng Almost is not Enough, isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2017 sa December, kung saan ay balik-tambalan sila ni Derek Ramsay.

As we all know, pinalitan ni Derek si Jericho Rosales sa nasabing pelikula dahil ayon sa tsika, tila may nasagutang ibang movie ang huli without knowing na magkakaroon ng conflict sa movie nila ni Jen.

Pero ang nakakatuwa, sobrang positibo ng mga feedback sa JenDer reunion at sobrang tanggap ng fans dahil hindi pa nila nakakalimutan ang English Only Please noong 2014 na naging box-office hit at humakot ng maraming awards.

For this film, pupunta pa ng Taiwan sina Derek at Jen. Balita ring may sexy scenes dito ang dalawa.

Bukod sa balik-tambalan nila ni Derek, reunion movie rin ito ng buong English Only Please team dahil si Direk Dan Villegas pa rin ang direktor mula sa produksyon ng Quantum Films.
    
Of course, may gagawin pang next soap si Jen sa GMA-7 pero baka next year na ang airing nito.
    
Sa ngayon, dalawang pelikula muna ang tatapusin ng aktres -- ito ngang Almost is Not Enough at ang movie with Reality Films.
    
Tuluy-tuloy pa rin naman ang Everyday Sarap with CDO ni Jen sa GMA News TV at ang dami rin niyang naka-line-up na TV guestings habang tinatapos ang Almost is Not Enough.
    
May guesting siya sa Taste Buddies, Daig Kayo ni Lola, Stories for the Soul, Dear Uge, Bubble Gang, Pepito Manaloto, Mars, Idol ko sa Kusina, at Magpakailanman.    