7,040 guests

Bela, may pruwebang ’di beki si JC

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 453
Bela Padilla Bela Padilla

Napatunayan ni  Bela Padilla na hindi talaga bading ang leading man niyang si JC Santos sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films na si Jason Paul Laxamana ang nagdirek.

Hindi raw kasi ito basta-basta nag-react nang aksidenteng tawagin niyang “Momshie” sa pag-aakalang ito ang make-up artist niya.

“Momshie, pa-retouch (ng make-up),” ang sabi ko. “Tapos simula nu’n, momshie na ang tawag ko sa kanya.”

Dahil daw sa insidente ay lalo niyang napatunayan na hindi talaga bading ang aktor kahit pa may mangilan-ngilan siyang naririnig na tsismis tungkol dito.

“Dun ko nalaman na hindi bading si JC kasi hindi siya na-offend, tinanggap niya lang. Si JC very secured,” sambit pa ni Bela.

Samantala, ayon kay Bela, naging maganda ang working relationship nila ni JC kahit first time pa lang nilang nagsama sa 100 Tula Para Kay Stella.
    
“Lagi siyang prepared kapag dumadating sa set. Hindi na kami nahihirapan. At ang galing niya kasi hindi talaga siya bumibitaw sa karakter niya,” sey pa niya.
    
Palabas na ang  100 Tula Para Kay Stella simula Aug. 16 bilang isa sa 12 official entries sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.