7,070 guests

Big deal!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 305

Bela, umiral ang pagka-fan kay Toni

Self-confessed fan ni Toni Gonzaga si Bela Padilla. Lahat daw ng naging pelikula ng TV host/actress ay pinanood niya and up to now ay naaalala pa niya ang mga eksena nito.

“Dati pa akong fan (ni Toni), napanood ko lahat ng movies niya, ’yung sila ni Vhong (Navarro), sila nina Sam (Milby), lahat ’yun napanood ko, so for me, parang pwede siyang peg, si Toni, for I guess a movie career.
    
“Saka parang if you’re a young actress, you can only hope for what she achieved sa movies niya. Kasi lahat ng movies niya, ’di ba nag-hit?
    
“So, fan talaga niya ako, nasubaybayan ko lahat,” kwento ni Bela.
    
Kaya sobrang kinilig daw siya nang bongga at hindi nakatulog ng ilang araw nang malaman niyang si Toni at Piolo Pascual ang magiging lead stars sa ginawa niyang script for Star Cinema na kasalukuyan nang isinu-shoot.
       
Nang pagawin daw siya ng script ng Star Cinema ay wala pa raw lead stars in mind at after na niya nabuo ang materyal saka nag-cast.
       
Bale ba ay ito ang first full script niya talaga kaya sobrang proud siya na sina Toni and Piolo pa ang gagawa.
       
“First full talaga na script na from start to finish, ako ang sumulat, tapos binigay kay Piolo and Toni, so parang sobrang big deal ’yun for me,” pahayag pa ng bida ng 100 Tula Para kay Stella na kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2017 na magbubukas ngayong Aug.16.
       
Bumibista raw siya sa shooting ng movie (na untitled pa) at talaga raw hindi siya makalapit kay Toni dahil sa hiya.
       
“Lagi akong tumatabi sa gilid. Si Piolo, niloloko na ’ko, ‘sige na, kausapin mo na,’” kwento pa ni Bella.
       
Pero kung tatanungin si Bela kung ano ang mas gusto niya between acting and writing, siyempre, acting pa rin daw.
      
“Gusto ko po ’to (acting), first love ko ’to, eh, ito talaga ’yung passion ko -- acting talaga. Siguro naghahanap na lang din ako ng... hindi naman fallback, pero ’yun nga, kung anuman ang mangyari, at least, may alam pa akong gustong gawin,” she said.
       
Dagdag pa ni Bella, mahal daw niya ang industriyang ito kaya naman gusto niyang magtagal dito.
    
“Ayoko pong mawala (sa showbiz), huwag n’yo po akong walain,” natatawang sey ni Bela.
       
Sa 100 Tula Para kay Stella ay ibang Bela Padilla naman ang makikita sa actress. She’s playing Stella, isang aspiring rock star at kapareha naman niya si JC Santos.
    
She hopes na suportahan ng ating kababayan ang kauna-unahang PPP at panoorin lahat ng pelikula para naman daw maulit pa.
    
“Kasi magkakaroon ng bagong avenue ang mga Pinoy na magkaroon ng maraming trabaho, hindi lang sa artista, pati sa staff, sa production, sa lahat.
    
“So, sana suportahan natin and tangkilikin ng mga viewers kasi para next year meron ulit. Twelve entries, for one week, wala tayong mapapanood na foreign film, so this is a good venue for us, actors and for everybody in the industry to keep on thinking new movies.
    
“Kasi lahat po ng kasama naming movie, napaka-diverse, iba-iba, walang kaparehas. Wala nang ibang kilig movie, tapos, mayroon sci-fi, iba-iba siya. Sana, magkaroon tayo lagi ng ganito,” pahayag pa ng aktres.

* * *

Grabe ang kahusayang ipinakikita ni Denise Laurel sa The Better Half at deserve niya talaga ang lahat ng mga papuring natatanggap niya mula sa mga kritiko, fans, viewers at netizens.
    
Dito sa seryeng ito ay lalong pinatunayan ni Denis ang kanyang pagka-versatile actress. Napakahirap ng role niya bilang Bianca na laging nagswi-switch ng karakter dahil napakarami niya talagang karakter dito pero talagang nagagampanan niya nang buong husay. Talagang saludo kami sa kanya.
    
Nito ngang nakaraang linggo ay naging madamdamin ang mga eksena sa TBH kung saan ay ipinagtapat ni Bianca ang kasamaan niyang ginawa kay Sheryl (Regine Angeles), na naging dahilan para tangayin ng asawa nitong si Jonas (Gerald Madrid) ang anak nina Marco (Carlo Aquino) at Camille (Shaina Magdayao) na si Julia Bianca at humantong sa kamatayan nito.
    
Dahil dito, lubos ang naging galit ni Marco at sisiguraduhing pagbabayaran ng dating asawa ang lahat ng kasalanan nito.
    
Makikipagtulungan si Marco kina Rafael (JC Santos) at Camille upang maisakaturapan ang kanyang mga planong pagbayarin si Bianca.

Makakatulong din nila si Clarita, ang madrasta ni Bianca, upang matapos na ang lahat ng kasamaan nito at maipaghiganti ang pagkamatay ng asawa at kapatid.
    
Pero marami pang planong kasamaan si Bianca na siguradong gugulat at maglalagay sa kanila sa panganib at ito ang dapat abangan (at katakutan) ng mga avid viewers.