7,060 guests

Billy, may malaking pinaghahandaan sa kasal nila ni Coleen

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 348
Billy & Coleen Billy & Coleen

NAPAHANGA kami sa bagong TV  show na “Little Big Shots” na mapapanuod na ngayon, Sabado at Linggo ng gabi. Tinatampukan ito ng mga bata, as young as three years old na may kakaibang galing o charm sa publiko.

Napakasuwerte ni Billy Crawford na siyang napiling mag-host nito. Inamin ni Ogie Alcasid na nag-audition siya for the job pero si Billy nga ang nakuha. Kaagad namang kinon-gratulate ng mister ni Regine Velasquez si Billy.

Nakatulong marahil kay Billy na naging child actor siya noon.

Hindi lang pagho-host ng naturang show ang dahilan ng malaking kasiyahan ni Billy ngayon. Sa wakas, magpapakasal na rin sila ng pinakamamahal niyang si Coleen Garcia. Ang unang surprise nila sa isa’t isa?Ang pagpapayat.

“Para naman we will look good sa araw ng kasal namin," ani Billy.

Payag ba siyang magpa-sexy pa rin si Coleen?
    
"Okey lang sa akin kung tumanggap pa siya ng sexy roles after we get married" katuwiran ni Billy. "Trabaho niya iyon eh.”

ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAPASAYAW SI MOTHER LILY

MAY posibilidad matulad o higit pa ang kitain ng “Woke Up Like This” nina Vhong Navarro at Lovi Poe ng Regal Entertainment sa super hit ngayong “Kita Kita” nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi ng Spring Films ni Piolo Pascual and company.
    
Nang ipasilip ang trailer ng "Woke Up" sa social media simula noong August 2 ay umabot ito ng 7 million views sa loob lamang ng ilang araw. Bagay na labis na ikinatuwa ni Mother Lily Monteverde. Kaya todo sayaw ito sa presscon ng pelikula kung saan siya sumayaw sa saliw ng "Despacito." Natalbugan pa nga niya ang "paseksing" kaibigang Rey Pumaloy na nanalo ng grand prize sa pa-contest ng Regal Entertainment.

NOVEN, GUSTO NANG MAAYOS ANG GUSOT TULAD NI VHONG

SAMANTALA, naungkat kay Vhong Navarro ang kasong kinasasangkutan niya.
    
“Iyon na lang po ang hinihintay kong matapos,” aniya. “Dapat sana’y magpapakasal na ako. Pero, mas mabuting tapusin muna ang problema para maging lalong masaya ang buhay namin ni Olive (GF niya) bilang mag-asawa."
    
Naalala tuloy namin ang tungkol sa kaso ni Noven Belleza, grand champ ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Nananalangin din ang mahusay na singer na maayos na ang problema.
    
Mas magiging magaan para sa kanila ang lahat para na rin sa kasiyahan ng kanilang mga tagahanga.

ACTRESS-PRODUCER, BIBIGYAN NG BREAK ANG EX

KAHIT maikli ang role ni Liz Alindogan sa pelikulang “Adik” na pinagbibidahan ng bagong actor na si Kevin Poblacion, pinalakpakan pa rin ito ng mga nanuod sa press preview na ginanap sa Luxent Hotel kamakailan.
    
“Kaibigan ko si Direk Neal Tan at kahit anong role ang ibigay niya sa akin maikli man o mahaba, talagang pinagbubuti ko,” katwiran niya.
    
Tinanong din namin si Liz kung totoong kukunin niya ang ex na si Jess Lapid Jr. bilang direktor sa isang pelikulang ipo-produce niya.
    
“Bilang producer, marami rin ang tumutulong sa akin," ani Liz. "Naging mabait sa akin ang showbiz, kaya gusto kong magbigay ng pagkakataon sa mga deserving people. Mahusay na direktor si Lloyd (Jess Lapid Jr.) hindi lang nabibigyan ng break."
    
May dalawang anak sina Liz at Jess, Jr. pero may kanya-kanya na silang buhay ngayon.