4,949 guests

Breakup nina Thea at Mikoy, weird

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 542
Thea & Mikoy Thea & Mikoy

TILA weird ang recent breakup ng Kapuso talents na sina Thea Tolentino at Mikoy Morales dahil  aminado ang dalawa na mahal pa rin nila ang isa’t isa, wala silang away at lalong walang third party sa kanilang breakup.  Ang gusto lamang nilang mangyari ay pareho silang mag-grow not only as individuals without depending on each other at maging sa kanilang career.

Apat na taon ding tumagal ang relasyon nina Thea at Mikoy pero seven months silang nagkahiwalay noong isang taon only for them to reconcile sa 20th birthday  mismo ni Thea.  Ang strange, muling naghiwalay ang (dating) magkasintahan bago pa man sumapit ang 21st birthday mismo ni Thea today, August 13.

Sina Thea at Mikoy ay parehong produkto ng reality talent search ng GMA in 2012, ang “Protégé: The Battle for the Big Arista Break” kung saan si Thea ang nanalo at runner-up naman si Mikoy.

Samantala, ngayong break na sina Thea at Mikoy, is Thea open na tumanggap ng mga bagong suitors at si Mikoy naman ay bukas na ring manligaw sa iba?

GOODBYE, ZENY

ISA na namang miyembro ng sining ang sumakabilang buhay noong nakaraang Martes, August 8, 2017, ang veteran actress na si Zeny Zabala, Emerencia Ortiz Santos sa tunay na buhay at naging misis ng yumaong writer-director na si Ben Feleo.  Hindi nagkaroon ng anak si Zeny hanggang sa kanyang pagtanda.
    
Dakilang alalay noon si Zeny ng kanyang nag-aartistang kapatid na si Aurora Aragon.  Minsan ay sinamahan niya ang kapatid sa Premiere Productions at nakita siya ng isang director na agad nagbigay sa kanya  ng screen test with lines at agad siyang binigyan ng role ng isang atsay (maid) na nabuntis ng character na ginampanan ni Oscar Keese’ na mamamatay pagkasilang ng kanyang baby.  Napanood ni Dr. Jose Perez ng Sampaguita Pictures ang premiere ng movie at kinakitaan niya si Zeny ng kakaibang talent kaya ipinahanap niya ito.
    
Ang resident publicist noon ng Premiere Productions na si Aurelio Navarro ang nagbigay kay Zeny ng kanyang screen name na Zeny Zabala.  Bago pumirma ng three-year exclusive contract with Sampaguita Pictures ay nakagawa si Zeny ng pelikula sa Balatbat-Flores Productions, ang “Lourdes” with Anita Linda sa title role.  Ginawa rin niya ang “Pandora” sa Premiere Productions in 1955 at “Tin-Edyer” in 1954 sa LVN Studios na pinagbidahan  naman noon nina Nida Blanca at Nestor de Villa.
    
Ang first movie ni Zeny sa bakuran ng Sampaguita Pictures ay ang “Binibining Kalog” na pinagbidahan nina Lolita Rodriguez at Ramon Revilla, Sr. Ang iba pa niyang nagawang mga pelikula sa bakuran ng Sampaguita Pictures ay ang “Milyonarya at Hampaslupa,” “Prince Charming,” “Gilda,” “Gigolo,” “Sino ang May Sala,” “Pasang Krus,” “Pretty Boy,” “Prinsesang Gusgusin,” “Mga Reyna ng Vicks,” “Palaboy,” “Berdaderong Ginto” at “Talipandas”.  
    
Si Zeny ay tinaguriang Primera Kontrabida sa bakuran ng Sampaguita Pictures along with the late Bella Flores.
    
Although mas tumatak siya sa mga kontrabida roles na kanyang ginampanan, nakagawa rin noon si Zeny ng mga bida roles tulad ng “Luzviminda,” “Kalingga,” “Mother Dear,” “Our Lady of Peñafrancia” at “Ruby”.  She got nominated sa Best Supporting Actress at Best Actress category sa FAMAS in 1964 at 1967.
    
Naging bahagi din noon si Zeny sa long-running weekly sitcom noon nina Dolphy at Nida Blanca, ang “John en Marsha” bilang balae ng dalawa.
    
In 1993, gumanap siya sa papel na ina ni Cesar Montano sa pelikulang “Ikaw” na dinirek ni Chito Roño at tinampukan nina Vilma Santos, Cesar Montano at Ronnie Ricketts.
    
Taong 1998 naman ang huling pelikulang nagawa ni Zeny, ang “Tataynic” na pinagbidahan ng Comedy King na si Dolphy at last TV appearance naman niya ang teleseryeng “Be Careful In My Heart” na tinampukan nina Jodi Santa Maria at Richard Yap.
    
Zeny was 80 nang siya’y sumakabilang-buhay.

TRANSFEREES FROM BOTH NETWORKS
    
KUNG marami na ring talents and stars from GMA ang nagsilipatan sa Kapamilya Network which include Angel Locsin, Iza Calzado, Jake Cuenca, Paulo Avelino, Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Prince Stefan, Bela Padilla, Sam Pinto, Louise de los Reyes, JC de Vera, ang magkapatid na Aljur at Vin Abrenica at iba pa, marami ring talents na nagsimula sa bakuran ng ABS-CBN ay nasa bakuran na rin ng Kapuso Network tulad nina Tom Rodriguez, Martin del Rosario, Benjamin Alves, Mika de la Cruz, Jinri Park, Jason Francisco, Addy Raj, Ivan Dorschner, Valerie Weigmann,  Catherin Rems, Victor Basa, Pauleen Luna, Dennis Trillo, Hero Angeles at iba pa.  Sina Sam Pinto at Joross Gamboa naman ay balik Kapamilya.
    
Masuwerte naman ang mga veteran actors nakakapaglagare ng TV networks dahil wala silang exclusive network contract.
    
Ang comeback TV project ni Ian Veneracion ay sa bakuran ng GMA pero ngayon ay tila selyado na siya sa pagiging Kapamilya actor.
    
Napakasuwerte naman ni Tirso Cruz III ngayon sa ABS-CBN dahil dalawa ang kanyang tumatakbong serye ngayon, ang dalawang top-rating TV series na “Wildflower” at ang “A Love To Last”.