9,208 guests

Bret, di pa maka-move on from Ella?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 412
Ella Cruz Ella Cruz

LAST Sunday (January 8) afternoon ay naging in-studio guests  namin  sa aming programa ni Shalala, ang “Inside Showbiz” on DZRJ ang apat sa mga young lead stars ng Viva Films’ upcoming horror flick na “Dark Room” na dinirek ni Pedring Lopez na sina Ella Cruz, Bret Jackson, Rose Van Ginkle at ang magka-patid na AJ at Andrew Muhlach.

Sa apat, na-link sa isa’t isa sina Ella at Bret pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon.  Obvious na si Ella ang kumalas at tila apektado pa si Bret nang muli silang magsama ni Ella sa filming ng “Dark Room”.

Hindi ikinaila ni Ella na siya ang nag-reach out kay Bret para muli silang maging magkaibigan lalupa’t role ng magnobyo ang kanilang ginampanang papel sa “Dark Room”.

Sa unang eksena nila together, inamin ni Ella na siya ang unang kumausap sa young Fil-Am actor dahil ayaw umano siyang pansinin nito pero sa kalaunan ay balik muli sa dati ang kanilang pagkakaibigan lalupa’t magkasama sila sa bakuran ng Viva.

Ayon kay Ella, nakipaghiwalay siya kay Bret hindi sa anupaman kundi dahil gusto niyang mag-focus sila pareho sa kanilang respective career.  Since mga bata pa naman daw sila pareho, hindi rin nila masabi kung magkakaroon ng second chance ang kanilang relasyon.
   
“Everything naman is possible,” singit ni Bret na tila may pagtatangi pa kay Ella.
   
“Sa aming dalawa, I have to admit na mas mature ang pag-iisip ni Ella kaysa sa akin. Ako kasi may pagka-stubborn at times,” pag-amin pa ni Bret na tila naibabalik na rin ang pakikipagkaibigan sa dating kasintahan.
   
“Hindi naman porke’t hindi na kami ay magiging magkaaway na kami,” pahabol naman ni Ella na masaya sa takbo ng kanyang career ngayon.
   
“I was busy last year, sana mas marami akong trabaho this year,” asam pa niya?
   
“Although hindi pa rin nawawalan ng project si Bret sa kanyang mother studio, ang Viva, pangarap niyang ma-enhance pa lalo ang kanyang pagiging isang actor.
   
“Siyempre, pangarap naman ng bawat isa sa atin na makilala at ma-recognize  tayo bilang isang mahusay na actor balang araw,” deklara ng Fil-Am actor na si Bret who admits na isa umano siyang battered child nung bata pa.

AYAW SUNDAN ANG YAPAK NG NAKATATANDA

KILALA ang pagiging ladies’ man ng ama ng magkakapatid na Arlene, Aga, Almira, AJ at Andrew Muhlach na si Cheng Muhlach at hindi naman nagpapahuli ang kanilang uncle na si Alex Muhlach na ama naman ni Niño Muhlach at lolo ng child star na si Alonzo Muhlach.
   
Pero kina AJ at Andrew, inamin ng dalawa na hindi umano nila susundan ang yapak ng kanilang ama sa pagiging pabling  dahil mahirap at sakit umano ito sa ulo.
   
Si AJ ay loyal sa kanyang non-showbiz girlfriend na mahigit anim na taon na niyang kasintahan habang si Andrew ay naghahanap-hanap pa.
   
“Ako naman if ever I find one, gusto ko talaga stick to one lang,” pahayag ni Andrew.
   
“Kahit naman si Kuya (Aga), na-link din siya kung kani-kanino nung binata pa siya pero nagbago nang magkaasawa,” dugtong pa ni AJ who looks up to his elder brother (Aga) bilang isang mahusay na actor.
   
“We don’t see each other much but he’s always  there for us,” ani Andrew.

NEW SET OF KAPPT OFFICERS, KINUKUWESTIYON

MALALAMAN na kung sino ang mahahalal na bagong pangulo ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino  atTelebisyon (KAPPT) kung sino kina Ms D (Dina Bonnevie) at  Asia’s Sentimental Songstress na si Imelda Papin ang tatanghaling bagong pinuno ng samahan ng mga actor sa telebisyon at pelikula.
   
Between Dina at Imelda, marami ang nagsasabi na mas may ‘K’ umano mamuno ng KAPPT ang ex-wife ni Vic Sotto kesa kay Imelda dahil mas alam umano ng seasoned actress ang pulso ng  industriya. Pero kung tatakbo si Imelda sa pagkapangulo  ng OPM

(Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit), hands down na may ‘K’ na manalo ang ex-wife ni Bong Carreon.
   
Samantala, nagtataka ang source na kung bakit hindi umano nagpa-participate ang mas prominent at mga aktibong actors sa pagpili ng kanilang bagong pinuno na babakantehin na ng kasalukuyang pangulo ng guild na si Rez Cortez.
   
May mga kumukuwestiyon din sa kredibilidad ni Amay Bisaya na tumakbo bilang pangalawang pangulo ng guild.
   
“Wala na ba silang ibang mapili?” tanong ng aming source n akinukuwestiyon ang kapasidad, authority,  clout at credibility ng ibang gustongmamuno ng guild.

A NEW MMFF THIS YEAR?

DALAWANG beses na-extend ang 2016 MMFF na dapat ay opisyal na nagtapos ng Enero 3, 2017.  Pero ito’y na-extend to January 7 and eventually to January 10, araw ng Martes dahil ngayon, Enero 11 ay magpapalit na ng mga bagong palabas sa mga sinehan.
   
Ganunpaman, kahit dalawang beses nag-extend ang MMFF, hindi ibig sabihin na super lakas sa takilya ang mga entries.  Ang nangyari ay contrary sa inaasahan ng marami.
   
Ngayong officially tapos na ang MMFF, i-retain pa rin kaya ng bagong pamunuan ng taunang filmfest ang changes na kanilang in-implement last year o kanila itong imo-modify base na rin sa (dismal?) result ng ika-42nd MMFF?
   
Ano na palagay mo, Noel Ferrer?