6,888 guests

Broadway star, excited makilala si Rachelle Ann

  • Written by LITO MAÑAGO
  • Published in Showbiz
  • Read: 282

NAGSIMULA nang mag-empake ang Broadway-bound na si Rachelle Ann Go as early as January 2. Sa kanyang official Twitter account, sabi niya, “Packing for New York... It’s really happening.” 

Tulad ng alam ng lahat, Shin (tawag kay Rachelle) will be flying to Broadway in New York after making waves in London’s West End as Gigi Van Tranh in Miss Saigon and later on bilang Fantine sa longest-running musical na Les Miserables.
   
Sa Broadway revival, gagampanan pa rin ng award-winning singer ang role na Gigi, isang hardened Saigon stripper.
   
Ito rin ang role ng 30-year-old actress sa movie version ng Miss Saigon na kinunan sa Prince Edward Theater nu’ng 25th anniversary ng hit musical.
   
Any day now, tutulak na patungong New York si Rachelle dahil naka-schedule na ang rehearsals ng buong cast ngayong January.
   
Ang Broadway revival ng Miss Saigon ay magsisimula sa March 23, 2017 at magtatapos sa January 14, 2018 bago simulan ang North American tour.

* * *

SAMANTALA, nagkaroon ng palitan ng Twitter messages sina Rachelle, Lea Salonga at Katie Rose Clarke.
   
Unang nag-react sa post ni Rachelle ang original Kim (now played by Eva Noblezada).
   
Sabi ng Laurence Olivier at Tony Awards best actress in a musical, “@gorachelleann I’ll see you there sometime after opening! Stay warm and have fun! And hug my @katieroseclarke for me!!!”
   
Tugon naman ni Rachelle kay Lea, “Yehey see you there @MsLeaSalonga can't wait to meet you too @katieroseclarke.”
   
Si Katie Rose Clarke ay isang certified Broadway star at gaganap bilang Ellen sa Miss Saigon revival.   Aniya, “@MsLeaSalonga miss you! Come see us soon! @gorachelleann can’t wait to meet you!!! xoxo”
   
Mukhang handang-handa na si Rachelle sa magiging buhay niya sa Broadway.