5,243 guests

Coco, naipakilala na ni Julia sa tunay na ama

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 987
Coco Martin Coco Martin

MALAMANG  sa Holy Week na matuloy ang bi-nabalak na bakasyon ng Kapamilya star na si Julia Montes sa Germany para dalawin ang kanyang biological dad na si Martin Schnittka.  Na-extend kasi to April ang kanyang long-running ang top-rating TV drama series na “Doble Kara”.

Looking forward si Julia sa muli nilang pagkikita ng kanyang ama at pamilya nito matapos silang magkita sa kauna-unahang pagkakataon after 21 years of hoping and searching last December 27, 2016 over dinner sa isang Italian restaurant in Cubao, Quezon City.

Natupad ang matagal nang pangarap ni Julia na makita at makilala ang kanyang ama na nang-iwan sa kanilang mag-ina when she was still a baby.

Nag-apologize kay Julia ang kanyang German dad nang sila’y magkita dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa kanila ng kanyang mommy when she was still a baby at dito ay naging emotional ang aktres.

Walang sumbatang nangyari at sa halip ay pagkasabik sa ama ang nadama ni Julia sa una nilang pagkikita ng kanyang ama kasama ang wife nito ngayon at half-brother ni Julia.

Kahit sandali lamang nagkita at nagkasama ang mag-amang Martin at Julia (Mara), quality time ang kanilang ibinigay para sa isa’t isa.  The next day ay muli silang nagkasama at nakuha pa nilang makapag-bond nang sila’y magtungo sa Nayomi Sanctuary Resort in Balete, Batangas (na pag-aari ng Prats Family).
   
Sa ika-22nd birthday ni Julia on March 19 ay nakatakdang bumalik ng Pilipinas ang ama ni Julia at ito na marahil ang pinaka-memorable na magiging birthday  celebration niya dahil makakapiling niya ang kanyang ama sa kauna-unahang pagkakataon.
   
Most likely ay makikilala na ni Martin Schnittka ang rumored boyfriend ng kanyang anak  na si Coco Martin.

MAYOR HERBERT, ‘DIPLOMA’ ANG MGA ANAK

PARA sa actor-turned mayor ng Quezon City na si Mayor Herbert `Bistek’ Bautista, ang pagkakaroon niya ng apat na anak (sa dalawang magkaibang babae) ay diploma na niyang maituturing dahil bukod sa mababait ang mga ito ay nagsisipag-aral itong mabuti.
   
Dalawa ang anak na lalaki ni Mayor Bistek sa dating program production executive ng ABS-CBN na si Eloisa Matias na sina Cray at Race at dalawa rin sa kanyang longtime girlfriend na si Tates Gana – sina Athena (only girl) at Harvey na parehong sumunod sa yapak ng kanilang ama sa showbiz.
   
Si Cray ay nag-aaral sa U.P. Convervatory of Music at filmmaking naman sa New York University ang kinukuha ni Race habang sa Ateneo de Manila University naman nag-aaral si Athena.
   
Kung matatandaan pa, ang mas nakababatang  mga anak ni Mayor Bistek (kay Tates) ang naging dahilan kung bakit naudlot ang relasyon nito kay Kris Aquino.

PAULO, ISA SA PRODUCER NG BAGONG PELIKULA

PAULO Avelino turns co-producer sa kanyang upcoming rom-com movie with Maja Salvador, ang “I’m Drunk, I Love You” na dinirek ni JP Habac under Tuko Film Productions, Inc.  Kung saan tampok din sina Jasmine Curtis-Smith, Dominic Roco at Irma Adlawan.
   
Cute ang trailer ng “I’m Drunk, I Love You” na aming napanood at kung ito’y mabibigyan ng tamang exposure and promo push, tiyak na magki-click ang pelikula.
   
Nasa hanay na si Paulo nina Vic Sotto, Kris Aquino, Ai-Ai de las Alas, Piolo Pascual at Dingdong Dantes who co-produce some of their movies.

MAINE, KINAILANGAN NG EXTENSIVE WORKSHOP

FIRST time ni Maine Mendoza na sumalang sa isang TV series (labas ng “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga”) sa pamamagitan ng “Destined to be Yours” na pinagtatambalan nila ni Alden Richards at malapit nang mapanood sa primetime TV  ng GMA.
   
Bago mag-taping ay sumailalim muna sina Alden at Maine ng extensive acting workshop.
   
Kung excited sina Alden at Maine sa kanilang pagsalang sa kanilang kauna-unahang primetime TV series, mas lalong natutuwa at super excited ang kanilang fans na ngayon pa lamang ay nag-aabang na sa pagsisimula ng “Destined to be Yours”.

ROBIN, AYAW NANG UMASANG MAKAKUHA NG US VISA  

HINDI na umaasa si Robin Padilla na mabibigyan pa siya ng US visa para madalaw niya ang kanyang mag-inang Mariel Rodriguez-Padilla at bagong silang na si Maria Isabel sa Amerika.
   
Sa halip, hihintayin na lamang niya ang kanyang mag-ina na bumalik ng Pilipinas next month.
   
Napakalaking tulong ng social media at bagong technology na kahit magkalayo si Robin at ang kanyang mag-ina ay nakukuha nilang maging malapit sa isa’t isa through Face Time.  Nakikita at nasusubaybayan ni Robin and unti-unting paglaki ni Baby Isabel at constant din ang communication nilang mag-asawa kahit magkalayo
   
Ang dalawang biggest gifts na natanggap ni Robin noong isang taon ay ang pagsilang ng kanilang first baby ng wife niyang si Mariel at ang pagga-grant sa kanya ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
   
Kung matatandaan pa, dalawang beses nagkaroon ng miscarriage si Mariel bago nabuo si Maria Isabel.

BETH IN A LONG DISTANCE RELATIONSHIP

POLISH but was born and raised in the US ang longtime boyfriend ngayon ng US-based actress na si Beth Tamayo.
   
Sa New York naka-base ang boyfriend ni Beth but the actress moved to San Francisco, California last July kaya long-distance umano ang kanilang relasyon.  But  they still get to see each other na ang pinakahuli ay last New Year.
   
Mahigit walong taon na rin si Beth sa Amerika at adjusted na rin siya sa buhay roon.
   
“Siyempre, hindi naman mawawala ang pagka-miss ko sa Pilipinas, sa showbiz, sa mga relatives and friends ko diyan,” aniya.
 
Nang magbakasyon sa Las Vegas, Nevada last year ang best friend niyang si Judy Ann Santos and her husband na si Ryan Agoncillo, pinuntahan ni Beth ang mag-asawa doon at nakapag-bond sila nang husto.

HAPPY BIRTHDAY, GENER

PERSONAL:  Belated birthday greetings to my good friend, fashion designer Gener Gozum last January 10.