7,278 guests

Coldplay concert, dinarayo pa ng mga Pinoy sa ibang bansa

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 602
Julius Babao, Aila Marie Reyes and Tintin Bersola Julius Babao, Aila Marie Reyes and Tintin Bersola

IBANG klase talaga ang appeal ng British rock band na Coldplay who are currently  on world tour  including the Philippines.  Ang grupo ay nagtanghal  sa isang sold-out concert sa MOA grounds last April 4 na dinagsa ng napakaraming celebrities.  Marami rin sa mga Pinoy celebrities ang dumayo pa sa iba’t ibang bansa  tulad ng Australia, Singapore, Taipei at Japan para doon panoorin ang British group.  Ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao together with their Tokyo-based inaanak (my daughter) na si Aila Marie Reyes ay sumugod sa Tokyo Dome para saksihan ang rare live concert ng Coldplay last Wednesday night, April 19.

Ayon kay Aila, last December pa umano nakabili ng tickets ang mag-asawang Julius at Tintin at sobra umanong nag-enjoy ang celebrity couple who treated her to the concert.

BEAUTY, MAGBIBIDA BAGO IKASAL

MASUWERTE ang 25-year-old ex-PBB Teen Edition Plus 4th grand placer na si Beauty Gonzales dahil sa kabila ng pansamantalang pagkawala sa showbiz dahil sa pagbubuntis at pagsilang  sa first baby nila ng kanyang fiancé na si Norman Crisologo, patuloy pa rin siyang binibigyan ng magandang project ng kanyang home studio, ang ABS-CBN.  Ang pinakabago ay ang pang-hapong teleserye, ang “Pusong Ligaw” where she plays one of the leads at kung saan naman tampok ang bagong loveteam nina Diego Loyzaga at Sophia Andres kasama sina Enzo Pineda, Bianca King, Joem Bascon at Raymond Bagatsing.

Nakatikim si Beauty ng kanyang first lead status nang kanyang makapareha si Zanjoe Marudo sa hit TV series na “Dream Dad” in 2014.  Muli siyang binigyan ng kanyang follow-up project, ang morning TV series na “Ningning” in 2015 pero hindi na ito tinapos ni Beauty at kinailangan siyang um-exit sa serye dahil sa kanyang hindi inaasahang pagbubuntis sa baby niyang si Olivia.
   
Ang buong akala ng marami ay tuluyan nang magpapaalam si Beauty sa showbiz para harapin ang kanyang pagiging ina at ang binubuo nilang pamilya ng non-showbiz fiancé.
   
Beauty and Norman are getting married on May 6 in Tagaytay.
   
“Actually, bukod sa upcoming wedding namin, I’m excited din sa bago naming teleserye na mapapanood na this Monday (April 24).  I’m also thankful sa aming tatlong director dahil talagang nakatutok sila sa amin para lalong mapaganda ang serye,” kaswal na pahayag ni Beauty.

DIEGO AT SOFIA, MAGLE-LEVEL UP NA

MATAPOS ipakilala ang 18-year-old na si Sofia Andres sa teleseryeng “Princess and I” ni Kathryn Bernardo in 2012, muli siyang isinama sa hit TV series na “Forevermore” na tinampukan nina Liza Soberano and Enrique Gil.  Napasama rin siya sa pelikulang “She’s Dating the Gangster” na pinagbidahan ng magka-loveteam na sina Kathryn at Daniel Padilla at isa naman siya sa leads ng indie movie na “Relaks, It’s Just Pag-ibig” in 2014.  Napasama rin siya sa pelikulang “My Ex and Whys” nina Liza Soberano at Enrique Gil maging sa horror movie na “Puwera Usog,” “Bloody Crayons” at ang Mother’s Day offering ng Regal Films, ang “Our Mighty Yaya” na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas.
   
Halos dalawang taon na rin ang tambalan nina Sofia at Diego pero hindi ito gaanong napapansin kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ng dalawa nang ipagkatiwala sa kanila ng ABS-CBN ang “Pusong Ligaw” na siyang maglulunsad sa kanilang loveteam to a higher level.
   
“It’s worth the wait,” pahayag ng 18-year-old teener na si Sofia.
   
Bukod kina Sofia at Diego, tampok din sa panghapong serye na “Pusong Ligaw” sina Beauty Gonzales, Bianca King, Enzo Pineda, Joem Bascon at Raymond Bagatsing.  Ang nasabing serye ay magsisimulang mapanood sa ere ngayong Lunes, April 24 ng hapon at siyang makakapalit ng hit afternoon TV drama series na “The Greatest Love” na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez at nagtapos kahapon, Biyernes, April 21.

SYLVIA, NALUNGKOT PERO NATUWA RIN SA PAGTATAPOS NG 'TGL'

NALUNGKOT at natuwa si Sylvia Sanchez sa pagwawakas ng “The Greatest Love” kahapon, April 21 na tumakbo sa ere sa loob ng pitong buwan.
   
Nalulungkot ang mahusay na aktres dahil mami-miss niya ang kanyang `pamilyang’ nabuo sa loob ng pitong buwan, ang kanyang apat na anak sa serye na sina Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans at Aaron Villaflor maging ang kanyang gumanap na apo na si Joshua Garcia at ang kanyang `greatest love’ na si Peter na ginampanan ng isa pang batikang actor na si Nonie Buencamino, gayunin ang bumbuo ng cast, ang production staff at ang apat na mahuhusay na director na binubuo nina Dado Lumibao, Jeffrey Jeturian, Mervyn Brondial at Paco Sta. Maria.
   
Masayang-masaya naman ang pakiramdam ni Sylvia dahil alam niyang marami silang napasaya at napaiyak na mga manonood na sobrang naka-relate sa kuwento ng serye kung saan ipinakita ng character niyang si Gloria ang kanyang selfless na pagmamahal sa kanyang apat na anak, apo at maging kay Peter.
   
Magsisilbi itong advance birthday gift sa kanya.  Ang ina ng magkapatid na Arjo at Ria Atayde na si Sylvia turns 46 on May 19.

RJ, NAG-QUIT SA SHOWBIZ PARA MAG-MIGRATE SA AUSTRALIA

TIYAK na hindi naging madali ang naging desisyon ng actor na si RJ Padilla (half-brother ni Daniel Padilla at isa sa mga anak ng actor na si Rommel Padilla) na talikuran ang showbiz para mag-migrate sa Australia kasama ang kanyang misis na sia Rosalie Bianca Abdelsayed-Padilla at dalawang maliit na anak na parehong babae.
   
Ang ex-PBB: Unlimited graduate na si RJ ay nagpaalam na rin sa longest-running gag show na “Bubble Gang” na pinangungunahan ni Michael V. kung saan siya kabilang at tinapos lamang niya ang taping ng “Destined to be Yours” nina Alden Richards at Maine Mendoza at saka siya sumunod sa Australia to join his wife and two kids na naunang umalis sa kanya.
  
Nasa ibang panig naman ng Australia naka-base ang ex-wife ni Robin Padilla na si Liezl Sicangco at iba nilang mga anak ni Robin.
   
Nalungkot man si Rommel sa pag-migrate ni RJ at pamilya nito sa Roselands, New South Wales, Australia, iginagalang naman niya ang naging desisyon ng kanyang anak at misis nitong si Rosalie.
   
RJ left for Australia last April 16.

ALDUB, MATATAPOS NA ANG SERIES, MAGSISIMULA NG PELIKULA

IT was only last February 27, 2017 nang unang umere ang “Destined To Be Yours,” ang kauna-unahang primetime TV series ng hot loveteam na Alden Richards at Maine Mendoza pero malapit na itong magtapos sa ere.
   
Although standard na sa isang serye o programa ang one season or 13 weeks episode, flexible ito.  Puwede itong ma-extend depende na rin sa ratings at suporta ng mga sponsors or advertisers.  Kaya marami ang nalungkot, lalung-lalo na ang AlDub fans nang mabalitaan nilang magtatapos na umano ang sinububaybayan nilang serye.
   
Pero may bagong movie silang sisimulan bilang follow-up sa kanilang 2016 hit movie na “Imagine You & Me” na dinirek ni Mike Tuviera.

1ST SEM, GRADED A

IBINALITA ng dalawang writers-directors ng indie movie na “1st Sem” na sina Direk Allan Ybanez at Direk Dexter Hemedez na Graded A ang nakuhang rating ng pelikula mula sa Cinema Evaluation Board (CEB).  Ito’y pinagbibidahan ni Lotlot de Leon at magbubukas sa mga select theaters nationwide on April 26.
   
Ang “1st Sem” ay magkakaroon ng premiere night ngayong Lunes ng gabi, April 24 sa Cinema 11 ng SM North EDSA.