6,005 guests

Cong. Vi: I miss showbiz?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 824
Cong. Vilma Santos Cong. Vilma Santos

KAHIT may lakad kami kahapon ng hapon ay pansamantala namin itong hindi itinuloy dahil sa biglang imbitasyon ni Jimi Escala na bisitahin namin si Rep. Vilma Santos-Recto sa Kongreso.

Matagal-tagal na panahon na rin naming hindi nakikita si Congresswoman Vi kaya agad kaming sumang-ayon sa paanyaya ni Jimi.

Hindi kami sa tanggapan ni Cong. Vi tumuloy kundi sa isang function room sa Kongreso kung saan naghihintay na ang nakatatandang kapatid ng kongresista na si Emelyn Santos at ang actor na si Joko Diaz na magta-tatlong taon na palang staff ni Cong. Vi na nagsimula nung ito’y gobernadora pa ng Batangas.

Kahit sa showbiz nagsimula at nakilala ang tinaguriang Star for All Seasons-turned politician na si Rep.. Vilma Santos-Recto, ibang-iba na ang mundo nito ngayon dahil halos dalawampung taon na siya sa public service.  Siyam na taon ang kanyang ginugol sa pagiging mayor ng Lipa City and another nine years bilang gobernador ng Batangas at ngayon ay isang taon na siyang naninilbihang kinatawan ng ika-anim na distrito ng Batangas (Lipa).

You cannot serve two masters at the same time kaya pansamantala siyang tumigil sa kanyang showbiz career para mag-focus nang husto sa kanyangsinumpaang posisyon bilang isang public servant.

“I had my reservations nung umpisa na pasukin ang pulitika pero dahil na rin sa clamor ng mga tao ng Lipa at suporta ng aking pamilya lalung-lalo na ang husband kong si (Sen.) Ralph Recto, lumakas ang loob ko,” salaysay ni Vi.
    
“Lahat ng bagay dito sa mundo ay napapag-aralan. Nasa sa `yo naman yan kung gusto mo talagang matuto,” ani Vi who admits na updated pa rin siya sa mga kaganapan ng showbiz kahit hindi siya gaanong aktibo rito.
    
“I read the papers and watch TV kaya alam ko kung ano ang mga nangyayari sa ating paligid including showbiz,” natatawa niyang pahayag.
    
Although nasa unang termino pa lamang siya bilang kongresista, marami umano siyang natutunan at kasama na rito ang pagbalangkas ng batas.
    
“Nung ako’y mahalal na mayor ng Lipa (City), wala rin naman akong alam sa local governance ganundin nang ako’y manilbihang governor ng Batangas.  Pero ang lahat nang ito’y naging challenge sa akin hanggang sa unti-unti kong matutunan ang lahat.  I have to give credit to my efficient staff at maging sa aking number one mentor, ang husband ko (Sen. Ralph Recto).  I learned so much from him,” pag-amin ni Cong. Vi.
    
Kahit nung mayor pa lamang siya ay naiimbitahan na siyang tumakbo sa pagka-bise presidente ng bansa na muling naulit nung siya’y gobernador na ng Batangas pero ito’y tinanggihan ni Cong. Vi dahil masasanay umano siya sa pagiging isang local executive.

Will she seek for a higher position kapag natapos na niya ang termino niya bilang kongresista?
    
“Masyado pa sigurong maagang magplano sa ngayon.  Nasa unang taon pa lamang ako sa first term ko. Dito muna ako magpu-focus,” aniya.
    
Marami ang nagsasabi na malamang na sa mas mataas na posisyon na ang susunod na papasukin ni Cong. Vi pero hindi pa umano niya masabi sa ngayon.
    
May mga umaasa rin na sana’y balikan umano ni Vi ang pagiging mayor ng Lipa o di kaya bilang governor ng Batangas dahil maganda ang kanyang track record at performance.
    
“Minsan, sumasagi na rin sa isipan ko ang magpahinga na sa public service at bigyan ko naman ng panahon ang showbiz.  Gusto kong mag-produce ng isang independent film na gustung-gusto ko ang material.  I want to do something that I like,” aniya.
    
“Pero mahirap magplano  sa ngayon dahil kasisimula ko pa lamang dito (sa Kongreso).”
    
Given the chance, gusto ni Vi na makatrabaho in the future sina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Vice Ganda and Coco Martin na never pa umano niya nakatrabaho.
    
As a mother, very proud si Cong. Vi sa kanyang dalawang binatang anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto dahil lumaki ang mga ito na parehong mabait at level-headed.
    
Si Luis ay isa sa mga top TV hosts ng bansa habang si Christian naman ay nasa third year na ng Business Management sa Ateneo de Manila University at will take his masteral sa ibang bansa.
    
“Idol ni Christian ang kanyang Kuya (Luis).  May pagka-showbiz din siya,” nangingiting pahayag ni Cong. Vi.
    
Bago kami nagkahiwa-hiwalay, hiningan namin si Cong. Vi ng kanyang thoughts tungkol sa susunod na gaganap na Darna matapos umatras si Angel Locsin dahil sa kanyang back ailment.
    
Ayon kay Cong. Vi dapat daw hindi payat ang susunod na gaganap na Darna.   Dapat daw voluptuous.
    
Cong. Vi is the only female lead ng bansa na gumanap sa Pinoy iconic heroine character na Darna four times.
    
Samantala, dahil sobrang busy si Cong. Vi, dalawang special awards ang dinala at inabot sa kanya sa Kongreso, ang “Outstanding Women of the Year 2017” mula sa ika-45th anniversary ng Women’s Journal at ang  ang Best Actress award for “Eveything About Her”mula sa guild of educators, mentors and students sa kanilang  kauna-unahang Genes Award 2017 ng Laguna Bel Air Science School.
    
“I miss showbiz,” diin pa ni Cong. Vi.
    
“If there’s a good material, puwede ko sigurong isingit at gawan ng paraan,” aniya.
    
May nag-suggest din kay Cong. Vi na sana’y gumawa ito ng isang musical-dance special kung saan din siya magaling liban sa kanyang pagiging isang mahusay na aktres.
    
“I’m so proud sa  mga naging production staff ko noon sa 'Vilma'  kasi halos lahat sila ay very successful sa kanilang respective career at marami sa kanila ay mga top executives na,” pahabol ni Cong. Vi.

JOKO’S LIFE NOW IN AND OUT OF SHOWBIZ

SAMANTALA, habang hinihintay namin ang pagdating ni Cong. Vi, nakipagtsikahan muna sa amin si Joko Diaz.  Inamin nito sa amin na may sarili na rin siyang pamilya ngayon.  Kasal siya kay Abigail Alcaraz ng Batangas City, dating flight stewardess ng Delta Airlines kung kanino siya may dalawang anak, sina Priscilla Ashley (13) at Pio Francis (6).  May binatang anak na rin si Joko, now 22 sa isang non-showbiz girl at sumunod dito ang kanyang 18-year old daughter sa aktres na si Angelu de Leon na si Nicole.
    
Ikinuwento rin sa amin ni Joko na tinapos niya ang kanyang pag-aaral ng Business Management  sa University of Batangas. ’Yung tatlong taon niyang kulang ay tinapos umano niya sa loob lamang ng isang taon.
    
“Ang sarap pala ng pakiramdam kapag natapos mo ang ’yong pag-aaral,” pahayag ni Joko.
    
Although nagtata-trabaho siya kay Cong. Vi, nagpapaalam umano siya kapag may mga showbiz commitments siya tulad ng taping ng“Mulawin vs. Ravena” ng GMA.
    
“Wala namang problema kay Ma’am (Vi) basta magpaalam lang nang maayos,” aniya.
    
Kasama ni Joko sa “Mulawin vs. Ravena”  ang ex-GF niyang si Angelu at dating ka-loveteam nitong siBobby Andrews.
    
“Actually, nagkagulatan kami pero wala namang problema. Nakapag-move on na kami pare-pareho,” pakli ni Joko who speaks highly of his boss (Cong. Vi) na sobra umanong mabait, masipag,  dedicated at committed sa trabaho.