5,049 guests

Cristine, ’di pinagbabawalan ni Ali makipag-love scene

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 245

Happy si Cristine Reyes na pareho na silang artista ng mister na si Ali Khatibi. Feeling daw niya ay bagay talaga ang mister sa showbiz.

“Nu’ng makilala ko kasi si Ali,” kwento ni Cristine sa presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted, “sabi ko sa kanya, ’yung personality niya, ‘alam mo, bagay ka sa showbiz,’ kasi kaya niyang makipag-usap to anyone.

“’Yung parang, ako kasi, may effort ako eh, dahil hindi talaga ako ma-PR na tao, kumbaga, tahimik lang ako. Si Ali ’yung kabaligtaran ko. So, sabi ko sa kanya, ‘parang bagay ka sa showbiz, ganyan ’yung kailangan ng showbiz, ’yung totoo. Ako, I’m too real. Ali kasi is... wala, siya ’yun.

“And nakikita ko na may potensyal din, and at the same time, ’yung mga direktor niya, sinasabi na magaling siya, so happy ako for him.”

Hindi naman daw siya selosa, so okay lang sa kanya na may makapareha itong ibang aktres.

“Pero feeling ko, parang mas magandang sabihin na hindi ako nagseselos dahil hindi ako binibigyan ni Ali ng rason na magselos. Pero siguro, kung may instances na dapat akong pagselosan, babae pa rin ako, alam mo ’yun? I’m sure...
    
“Pero ayokong dumating sa punto na gusto kong magselos. Pero kasi right now, hindi naman niya ako binibigyan ng rason para magselos.”
    
At siya rin naman daw, siya na mismo ang nag-set ng limitasyon niya pagdating sa mga love scene sa movies although hindi naman daw siya pinagbabawalan ni Ali.
    
“Wala naman siyang binabawal. Ang sa kanya lang, parang kung gagawa man ako ng isang project, make sure na it’s something that Amarah (their daughter) will be proud of dahil iba na ngayon, eh.
    
“Kung noon, kahit ano, kaya kong gawin dahil wala naman akong iniisip na anak at asawa. Pero ngayon, dahil kasal kami, may asawa na ako, may anak ako, siyempre, lahat ng desisyon na gagawin ko ngayon, kailangan ’yung makakabuti rin para sa kanila.”
    
Sa ngayon ay hindi pa raw nila susundan si Amarah na two years old na dahil gusto raw muna nilang ma-enjoy ang toddler years nito.
    
Thankful din ang aktres na happy na ang married life niya, happy pa ang career niya dahil sa ngayon magkasunod ang showing ng dalawa niyang pelikula.
    
Kasalukuyang tumatabo sa takilya ang Seven Sundays at sa Nov. 1 naman ay ipalalabas ang Spirit of the Glass 2: The Haunted kung saan ay kasama niya sina Daniel Matsunaga, Janine Gutierrez, Ahron Villaflor, Maxine Medina, Ashley Ortega at Enrico Cuenca mula sa direksyon ni Joey Reyes.