6,019 guests

Demandahan!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 653
Sunshine Dizon Sunshine Dizon

Exclusive na ni-report ng TV Patrol ang engkuwentro ng ex-husband ni Sunshine Dizon sa mister ng babaing rason ng paghihiwalay nila ng aktres.

Natawa ang nakapanood sa sinabi ng ex ni Sunshine na si Timothy Tan na self-defense ang panununtok niya kay Robert Sison dahil si Sison ang may malaking bukol sa mukha at walang sign na nasuntok si Timothy.

Nahalata pang nabulol siya.

Tinawanan ng viewers ang sinabi ni Timothy na “his wife was linked to me” dahil sabi raw ni Sison, nagsasama na ang ex-wife niya at si Timothy.

Maghaharap ngayong araw ang dalawang lalaki at susunod na ang pagsasampa ng kaso.

Gustong marinig ng fans ni Sunshine ang reaction niya sa gulo ng ex-husband, pero tahimik siya at mas mabuting ’wag na siyang magsalita.
    
’Katuwa lang ang fans ng aktres dahil ikinonek sa Ika-6 Na Utos ang gulo.
    
Samantala, pinasalamatan ng GMA-7 si Director Joey Reyes sa magandang comment sa series.
    
Sabi niya, “Say what you will but for me this is the BEST SHOW on commercial TV today! High unabashed, unapologetic CAMP that brings flashbacks of the 70s sensibilities of Elwood Perez & Joey Gosiengfiao! So cheesy that it becomes deliciously creamy! Screw subtlety! Catfight galore!”
    
Pinost pa ni Direk Joey sa Facebook ang clip ng eksenang nginudngod ni Emma (Sunshine) si Geneva (Angelika dela Cruz) sa xerox machine.

* * *

Magandang magdala si Sarah Geronimo sa mga papuri ni John Lloyd Cruz sa kanya sa presscon ng Finally Found Someone.
    
Hindi nag-blush ang aktres, hindi nautal at kaswal ang mga sagot sa positive words na sinabi ng kapareha.
    
Nag-“thank you, ’yun ang role niya sa buhay ko, i-appreciate ako, ganern,” lang siya.
    
Isa sa sinabi ng aktor kay Sarah, hindi ito conscious, hindi alam na maganda at magaling siya.
    
Sa isang very important scene, take one lang daw ang kapareha. Ang dami pang magagandang sinabi ng aktor at feel mo ang admiration at respeto niya sa leading lady ng movie nila na showing na sa July 26.

* * *

Pinaghahandaan na ni Derrick Monasterio ang sagupaan nila ni Dennis Trillo sa Mulawin vs. Ravena.
    
Sa week 10 ng fantaserye ’yun mangyayari. Excited si Derrick dahil maganda ang eksena ng away nina Almiro (Derrick) at Gabriel (Dennis).
    
Nangyari na rin ang hinintay ng viewers na pagkikita nina Almiro at Anya (Bea Binene).
    
Ayaw lang mag-spoiler ni Derrick sa mga eksena para sorpresa sa DerBea shippers na inaabangan ang pagkikita ng magkababata.
    
“Nakakatuwa dahil kahit saan ako magpunta ngayon, Almiro ang tawag sa akin. Sa labas ng bahay namin, lagi nilang sinasabing nanonood sila ng Mulawin vs. Ravena at naniniwala ako dahil alam nila ang story. Sobrang happy ako. ’Di ko kasi  ini-expect na role ni Almiro ang ibibigay sa akin. Akala ko role ng isang Hathor ang role ko (sa Encantadia ang mga Hathor).”
    
Hindi ipinakita ni Derrick ang abs niya nang  bumisita kami sa taping dahil bukod sa walang eksenang naka-topless siya, panay ang kain nito.
    
Baka hindi ang five-pack abs ang makita namin kundi ang kabusugan niya.
    
“Kaya five-pack abs pa lang meron ako dahil hindi pa na-develop ‘yung pang six-pack abs ko. Hindi ko pa raw peak dahil 21 years old pa lang ako at 17 years old ako nag-start magbuhat. Pero lalabas din ‘yun,” paniniguro ni Derrick.

* * *

Iba’t iba ang concept ng shows ng GMA-7, lalo na sa primetime block, kaya gusto ng viewers at sinusubaybayan.
    
Mula sa Mulawin vs. Ravena na fantaserye with a lot of action scenes, sa My Love From The Star na rom-com at puno ng kilig, at I Heart Davao na kilig at comedy din ang binibigay sa viewers.
    
Nakakatuwang basahin ang reaction ng viewers tuwing natatapos ang tatlong shows via social media dahil iba’t ibang emosyon din ang nararamdaman nila.
    
Kaya sobrang saya ng management at staff ng Kapuso Network sa pagtanggap ng audience sa shows ng istasyon, worth it daw ang pagod nila.