5,634 guests

Direk Maning, pumanaw na

  • Written by VV
  • Published in Showbiz
  • Read: 229

PUMANAW na kahapon ng umaga ang batikan at nirerespetong direktor na si Emmanuel “Maning” Borlaza dahil sa atake sa puso sa edad na 81.

Para sa kaalaman ng mga millennial na malamang ay hindi na pamilyar kay Direk Maning, isa siya sa mga naging paboritong direktor ni Batangas Rep. Vilma Santos nu’ng aktibo pa ito sa pag-arte sa pelikula bago pinasok ang pulitika.

Si Direk Maning din ang nasa likod ng ilang blockbuster movies ni Megastar Sharon Cuneta nu’ng dekada ’80, gaya ng Bituing Walang Ningning at Bukas Luluhod ang mga Tala.

Nakahimlay ang kanyang mga labi sa Loyola Memorial Park sa Parañaque at nakatakda siyang ilibing doon din sa Linggo.

Ang taus-pusong pakikiramay po ng buong People’s Tonight sa mga naulila ni Direk Maning.

* * *

Nakausap namin si Dandan (Daniel) sa grand presscon kahapon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted at mukhang naka-move-on na talaga siya sa hiwalayan nila ni Erich Gonzales.
    
May bago na raw siyang inspirasyon although ayaw pa niyang i-divulge kung sino ang girl.
    
Aniya lang, wala ito sa showbiz.
    
“Masaya po, very happy, very busy,” sagot niya nang tanungin kung ano na ang kalagayan ng puso niya ngayon.
    
Pero dugtong niya, “It’s complicated” at nang tanungin kung bakit, “kasi, trabaho muna.”
    
Sa ngayon daw ay ayaw na muna niyang i-share sa public ang tungkol sa kanyang lovelife.
    
“For now, huwag muna,” matipid niyang sagot.
    
Pero inspired siya ngayon?
    
“Oo naman, I’m very happy, I’m very happy with everything, lahat ng blessings na nangyayari sa buhay ko ngayon. Mayroon akong three movies, this one (Spirit of the Glass 2), I’m doing Meant to Beh and I’m doing Fallback, so, ang dami kong blessings, meron akong, for sure, bagong teleserye, pero I can’t mention now, pero marami akong work, eh, so ’pag masaya sa work... masaya sa work,” nakangiti niyang sambit.
    
Ayaw na raw niyang pag-usapan pa ang nakaraang relasyon niya.
    
Katwiran ni Daniel, “Past is past” at masaya na raw siya ngayon.
    
Pero natanong pa rin siya tungkol sa pagkikita nila ni Erich sa Star Magic  Ball 2017.
    
Sey niya, “Yes po, nag-hi ako po.”
    
Pero dagdag niya, “No comment na lang po, kasi this issue has been going on forever na and it’s so tiring na and you know, it’s done, it’s past.”
    
Sa kanyang bagong inspirasyon ngayon, aniya ay wala na raw siyang expectation.
    
“Ako ngayon, siguro I prefer na wala akong mga expectation, you know, live na lang ’yung present ko at siyempre, kung sino ’yung girlfriend o whatever na magkaroon, eh, doon ako mag-plan,” sey ni Daniel.