5,244 guests

Drew, Iya, may answered prayer na para kay Baby Primo

Iya & Drew Iya & Drew

NAKATUTUWA ang in-upload na video ni Drew Arellano sa Instagram showing his first-born na si Baby Primo na kung saan ang cameraman ay ang kanyang cheerful wife na si Iya Villania. Pinag-tripan na naman kasi nila ito nang ipakitang may answered prayer na sila para kay Primo—ito ay ang maging spiritual. Sinuotan kasi nila si Baby Primo ng lampin sa ulo na parang veil. Maraming netizens naman ang natuwa sa cool na pag-aalaga ng People vs. The Stars hosts sa kanilang anak.

Direk Joven Tan:  May dalang suwerte ang Tatlong Bibe

NANINIWALA si Direk Joven Tan ng movie na  Tatlong Bibe, na may dalang suwerte ang movie  matapos hindi ito napasama sa nakaraang  2016 Metro Manila Film  Festival. Very wholesome at entertaining ang project niyang ito na ipalalabas sa March 1 sa buong Pilipinas.

Produced ang Tatlong Bibe ng Regis Films and Entertainment. First movie venture ito ng mag-asawang  Elberto at Anicia Regis.

Kasama sa cast ang tatlong child stars na sina Marco Masa (Nathaniel), Raikko Mateo ( Honesto), at ng The Voice Kids first grandwinner na si Lyca Gairanod.
   
First drama movie ang Tatlong Bibe ni Mommy Dionisia Pacquiao. Lalabas siyang asawa ni Eddie Garcia. Kasama rin sa main cast sina Rita Avila, Sharlene San Pedro, Victor Neri, Edgar Allan Guzman, Luis Alandy, Ronnie Lazaro, Anita Linda, JK Labajo at may special participation si Angel Aquino. Kasama rin sina Perla Bautista, Nikki Valdez, Lou Veloso, Janna Trias,  Dianne Medina at Ernie Garcia.

6th Libreng Pa-Raffle sa Pasko, matagumpay

NAGING matagumpay na naman ang ika-anim na taunang Libreng Pa-Raffle sa Pasko handog ni Kgg. Carlito Cernal, noong Dis-yembre 30, 2016 sa Block 32, Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City. Ito ay dinaluhan ni dating Comelec  Chairman Ben Abalos at ni Konsehal Rodolfo “Kuyog” Posadas. Mahigit limang libong katao ang pumunta. Ang grand prize ay isang Haojue motor mula sa Norkis Group of Companies sa pakikipag-ugnayan ni Mayora Menchie Abalos. Ilan sa mga  naging sponsor ay sina Congresswoman Queenie Gonzales, Engr. Joseph Garcia ng DDT Konstract, Inc. Mr. Elmer Ngo ng Mileage Asia Corp., Mr. Romeo Fong, Mr. Pocholo Borromeo, Mr. Ernesto Lim, Mr. JonJon Abalos, Mr. Joemar Espanola, ilang mga pribadong tao at kompanya at mga miyembro ng Mandaluyong Golf Club, Inc.

Jak, binisita si Kuya Germs                   

NAKAKA-TOUCH ang Kapuso heartthrob na si Jak Roberto dahil kahit gaano man siya ka-busy sa taping ng GMA primetime series na Meant To Be, he still finds time na maalala ang mga tao tunay na mahalaga sa kanya. In fact, just recently, hindi nag-atubili ang aktor na pumunta  sa libingan ng tinaguriang Master Showman na si Kuya Germs para sa death anniversary nito. Sa Instagram, nag-post ang binata ng isang maikli pero heartwarming message para kay Kuya Germs. Aniya, “Miss you Tay, remembering you on your 1st year in heaven.”
   
Samantala, very excited na ang netizens at Kapuso viewers sa pagsisimula ng Meant To Be sa GMA Telebabad. Inaabangan na nila ang mga eksena ni Barbie Forteza kasama ang kanyang four hot and cute leading men na sina Jak, Ivan Dorschner, Addy Raj and Ken Chan.
 
Ruru, pinag-dadamot si Gabbi                   

EVERYTIME na makakakita kami ng post ni Ruru Madrid patungkol kay Gabbi Garcia, lagi na lang kaming kinikilig. Sobra kasing sweet ng young actor sa dalaga. Kamakailan nga, muli na naman niyang ipinagmalaki sa Instagram ang aktres at sinabing “Stop. She’s mine” Nakakaloka, di ba? Kaya nga kahit sa kanilang GMA hit telefantasya na Encantadia, hindi mapigilan ang GabRu fans na ilabas ang saloobin tungkol sa pagmamahalang nabubuo between Ruru’s character na si Ybarro at Amihan (Kylie Padilla).
   
Ano na nga kaya ang mangyayari sa dalawa?