4,695 guests

Erich, nagpasalamat sa payo ni Charo

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 359

Mabuti at nakinig si Daniel Matsunaga at ang sister nitong si Vanessa Matsunaga-Sunga na i-off ang comment section ng Instagram (IG) nila, natigil ang pakikisawsaw ng netizens sa breakup nina Daniel at Erich. 

Natigil din ang pamba-bash sa magkapatid na Matsunaga ng kahit sino na lang.
   
Nauna nang in-off ni Erich ang comment section ng IG niya kaya walang makapambash sa kanya sa socmed account niya.
   
Maganda rin na nagkita at nagkausap muna sina Daniel at Erich bago sila lumipad for San Francisco, California for a show na tinanggap nila bago ang breakup nilang dalawa.
   
May post si Erich na picture nila ni Charo Santos-Concio at ang sabi ng aktres, “This lady beside me shared so much wisdom to me. You will always be my guiding star. Thank you for providing me the support and guidance when I most needed it. I’m in awe of you Ma’am Charo, you are one of a kind.”

* * *

“Secret” ang sagot ni Mark Herras sa mga nagtatanong kung nag-propose na siya sa GF niyang si Wynwyn Marquez at kung engaged na sila habang nagbabakasyon sila sa Japan.
   
Dahil ito sa pinost na picture ni Mark na naghahalikan sila ni Wynwyn at may emoji sa caption na dalawang rings.
   
In Nihonggo, ang caption ni Mark na “Zutto aishiteru @wynmarquez.”
   
Comment tuloy ng iba, baka ayaw ni Mark na pasalihin uli si Wyn sa Bb. Pilipinas kaya gusto nang pakasalan.
   
Pero sabi ni Mark sa last interview namin, suportado niya kung gustong sumali uli ni Wynwyn sa beauty pageant. Dream ito ng GF at hindi siya tututol.
   
Kung totoo mang engaged na ang dalawa, siguro naman hindi sila agad ikakasal.
   
Gagawin pa ni Wynwyn ang Mulawin... at excited siyang mapasali sa fantaserye.

* * *

Nagpasalamat si Liza Soberano sa lahat ng nanood ng My Ex and Whys na super hit. Last Friday, showing ang Star Cinena movie nila ni Enrique Gil sa 250 theaters at baka nadagdagan pa ngayon.
   
Sunud-sunod din ang endorsements ni Liza at ’yung endorsements nga ng ibang celebrities, sa kanya ibinibigay.
   
Isa sa bagong endorsements ni Liza ang Belo Medical Group's (BMG) Summer Beauty Goals Campaign.
   
Sabi ni Dra. Vicki Belo: “She is such a sweet, beautiful girl. We love having Liza with us at Belo. She makes everything look and feel refreshingly young. Our summer campaign is just perfect for her. Liza represents the young  and here at Belo, we only offer the best for their beauty needs.”
   
Sumagot si Liza: “I am very thankful to all my fans without whom, all of these wouldn’t have been possible. I just want them to know that I am serious about my job and I only want to give back to them all the love and devotion that they continue to share with me.”