6,880 guests

Family Bonding

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 344

Dolphyville Estates, nag-groundbreaking na

PINANGUNAHAN ni Eric Quizon ang pagsasama ng ilang kamag-anak ng mga Quizon kaugnay ng pagpapatayo ng Dolphyville Estates sa Calatagan, Batangas.

Naka-post sa Instagram account ng actor-director ang pics ng mga kapatid niyang sina Epi at Ronnie, pati na ang ilang kapatid sa ama gaya nina Vandolph, Dolphy Jr. at iba pa.
   
“Family bonding at the groundbreaking ceremonies in Calatagan! Soon to rise Dolphyville Estates! #thankful #blessed #calatagan #batangas #propertydevelopment #exceed,” caption ni Eric.

* * *

EDUKASYON ang mas malaking puhunan sa buhay ng singer-actor na si Bryan Termulo kesa sa showbiz career.
   
Tapos na siya ng kursong Mass Communication subalit kumuha pa siya ng secondary course na Education. Natapos na niya ang kurso at nagpaplanong kumuha ng exam for teachers at ’pag pumasa ay gustong magturo.
   
Kaya naman nang kunin si Bryan ng Megasoft para sa 2017 project na “School is Cool” tour, sumakto ito sa pangarap niyang magturo.
   
Ngayon, nagsimula nang mag-ikot sa iba’t ibang eskwelahan ang singer bilang bagong ambassador ng Megasoft Hygienic Products, Inc.
   
Nag-kick-off na last year ang advocacy na ito ng Megasoft sa 19 schools  nationwide. Binigyan nila ng recognition ang outstanding students at teachers kalakip ang tulong sa respective schools nila.
   
Nitong January 9, kasama na si Bryan sa kick off sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School sa San Pablo City, Laguna.
   
“Bryan is an excellent performer and has shown commitment to Megasoft’s  ‘School is Cool’ tour advocacy not to mention his passion for education,” rason ni Aileen Choi-Go, Marketing VP ng Megasoft.
           
Sa panig naman ni Bryan, “I can get to intercat with our youth, know their aspirations and challenges and inspire them to reach their dreams through education.”
                                                                        ***
TAOB ang katapat na programa ng nagsimulang GMA series na Meant To Be na nag-premiere last Monday. Super-trending pa ito sa Twitter na aliw na aliw sa kakikayahan ng lead actress na si Barbie Forteza kasama ang guwapitong leading men niyang sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner.
           
Welcome sight ang MTB dahil iyakan to the max ang pinalitan niyang Someone To Watch Over. Sa MTB, good vibes lang at walang itulak-kaibigan sa four boys ni Barbie, huh!
           
Maging si Barbs, hindi maitago ang kilig at harot sa apat niyang boys, huh!