4,545 guests

Gabbi, naniniwala sa suwerte

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 518
Gabbi Garcia Gabbi Garcia

NANINIWALA ang 18-year-old Kapuso young star na si Gabbi Garcia sa suwerte kaya nagkakatotoo na ang mga pangarap niya. At ito’y kanya nang nararanasan ngayon magmula nang siya’y pumasok sa showbiz in 2014.

Matapos lamang ang dalawang TV series with GMA, ang “My Destiny” at “Let The Love Begin”, isang napakalaking proyekto kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya, ang pagiging si Sang’gre Alena sa top-rating primetime TV series na “Encantadia”.

Habang ini-enjoy ni Gabbi ang kanyang role sa “Encantadia”, hindi niya sukat akalain na siya ang mapi-pisil para maging brand ambassador ng Pantene hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya tulad ng Vietnam, Indonesia, Thailand, Singapore, Malaysia, Hong Kong, China at Taiwan.

Sa Australia pa nag-shoot para sa Pantene TV commercial si Gabbi na nagsimula nang umere sa Philippine television nung Abril 2.

Malaki ang naitulong ng exposure ni Gabbi sa kanyang shampoo commercial.

TATAY NI JENNYLYN, BOTO KAY DENNIS

MALAMANG na ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado ang maging pambato ng Reality Entertainment sa darating na Metro Manila Film Festival.
   
Kamakailan lamang ay lumagda ng one-picture contract si Jennylyn with Reality Entertainment na pinamumunuan nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti, the team behind the success of last year’s “Seklusyon” ng 2016 Metro Manila Film Festival.
   
Nai-excite ang nobya ni Dennis Trillo dahil first time niyang makakagawa ng pelikula sa Reality Entertainment at makakatrabaho si Direk Erik Matti, isa sa mga hinahangaan niyang director.
   
Next month (May) ay matutunghayan na ang bagong teleserye ni Jennylyn opposite newbie Gil Cuerva para sa local TV remake ng Koreanovela na “My Love from the Star”.
   
Samantala, marami ang naniniwala na magkakatuluyan sina Jennylyn at Dennis.  Jennylyn is turning 30 on May 15 at magti-36 naman si Dennis on May 12. Three days apart lamang ang kanilang kaarawan kaya malamang na magkaroon sila ng joint birthday celebration.
   
Noong Holy Week, galing sila sa Korea para sunduin ang biological father ni  Jennylyn at mukhang boto ito kay Dennis.

UGE, PARANG CHERRY BLOSSOMS NA IN FULL BLOOM

NAKARATING na ng Pilipinas ang Italian film critic boyfie ng actress-comedienne na si Eugene Domingo, si Danilo Bottoni. Inasikaso siyang mabuti ng mga kaibigan ng aktres.
   
Kung matatandaan pa, sa Italy nag-spend ng Christmas holidays si Eugene with her Italian boyfriend.
   
Nitong Holy Week ay sa Japan naman nagbakasyon ang dalawa na nataon pang in full bloom ang cherry blossoms doon na parang si Uge ngayon.
   
Kitang-kita kay Eugene ang pagiging in love at umaasa ang mga taong malalapit sa kanya na sana’y si Danilo na ang makatuluyan nito.
   
Bukod sa kanyang regular program on GMA na “Dear Uge,” huling napanood si Eugene sa kanyang 2016 Metro Manila Film Festival movie na “Septic Tank 2”.

ERWIN, LILIPAT NA NAMAN

MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi na napapanood si Erwin Tulfo sa primetime news program  ng TV-5 na “Aksyon” kung saan niya kasama si Luchi Cruz-Valdez.
   
May nagsabi na sumama umano ang loob ng veteran news anchor na si Erwin dahil sa patuloy na pagda-downsize ng TV5 including the news department kung saan marami ang apektado including the technical men.
   
May lumutang ding balita na nag-resign umano si Erwin at balak nitong lumipat sa ibang TV network. Bago ang TV5 ay matagal naging news anchor si Erwin ng ABS-CBN.

BIANCA, BALIK-ABS-CBN

NALIBOT na ng actress na si Bianca King ang  tatlong major TV network.  Matagal siyang naging Kapuso talent hanggang sa siya’y lumipat ng TV5.  Ngayon ay may bago siyang TV series sa bakuran ng ABS-CBN, ang “Pusong Ligaw” na malapit nang mapanood sa ere.

JUDAY, MALAPIT NANG MAPANOOD MULI

MAY gagawin sanang isang teleserye ang TV Drama Queen na si Judy Ann Santos na may pamagat na “Someone to Watch Over Me” na pagsasamahan sana nila nina Richard Yap at Diether Ocampo.  Hindi ito natuloy dahil sa pagbubuntis hanggang sa panganganak ni Juday sa bunso nila ng husband niyang si Ryan Agoncillo na si Luna.
   
Malapit nang magbalik-TV si Juday pero hindi sa pamamagitan ng isang teleserye kundi para muling mag-host ng bagong season ng “Bet On Your Baby”.
   
Kinakarir ngayon ni Judy ang pagdyi-gym dahil gusto niyang maibalik sa dati ang kanyang katawan bago siya bumalik sa TV.  Tumaba kasi ang misis ni Ryan nang kanyang ipagbuntis si Luna.
   
Sa Las Vegas sila nagpalipas ng Mahal na Araw. Isa lamang sina Juday at Ryan sa mga Pinoy celebrity na may sariling bahay sa Amerika.