7,024 guests

Gary sa ‘sex scandal’ ni Kiko: ‘I felt bad’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 742
Gary Estrada Gary Estrada

MEDYO tumaba si Gary Estrada nang makita namin siya sa presscon ng Alyas Robin Hood 2 ng GMA-7. Aminado ang aktor na napabayaan niya ang kanyang katawan simula nu’ng pumasok siya sa pulitika.

“Antayin nila ang pag-babalik ko. Magpapaseksi ako ulit,” bulalas ni Gary sa amin.

“Kasi alam mo kung bakit, kasi ’pag pumasok ka sa pulitika mapapabayaan mo ang sarili mo. To be honest with you, pinaayos ko ’yung  gym ko ngayon sa amin sa probinsya.

“Napakaganda nu’ng gym ko ngayon so nai-inspire ako lalung-lalo na ’pag tinitingnan ko ’yung mga picture  ko dati,”  dagdag pa niya.

Kakayanin ba niya ulit  mag-trunks?

“Kakayanin ko! Give me a couple of months siguro, I’ll train,” sagot niya.

Binata na ang anak ni Gary kay Cheska Diaz na si Kiko Estrada na isa na ring hunk aktor sa showbiz. Proud siya kay Kiko pero mas okey daw kung sana ay tinapos nito ang kanyang college bago nag-artista.
    
“I’m very, very proud of my son,” sambit pa niya.
    
Patuloy ni Gary, “Kung ako nga ang masusunod, siyempre, sana tinapos muna niya ang pag-aaral kasi nasa third year college na siya nu’ng huminto. He’s doing very well already in Benilde.
    
“I feel sad lang kasi isang taon na lang at kalahati ga-graduate na siya. Kasi ’yung sa akin naman ang pumasok sa showbiz halos ganun din, eh. Pero  pinilit ko  na makapagtapos kahit papaano.
    
“’Yung college degree ko it took me seven years na usually dapat apat na taon lang ’di ba? So sana matapos niya, kasi  at the end of the day iba pa rin ’yung may ano ka, may natapos ka.
    
“Malay mo pagkatapos niya nitong karerang ito bilang artista puwede siyang pumasok sa pulitika, sundan ’yung yapak ng pamilya namin,” dire-diretso niyang pahayag.
    
Napunta ang kuwentuhan namin ni Gary sa alleged sex scandal ni Kiko. Aware ba siya tungkol dito?
    
“Yes.”
    
Anong naging reaksyon mo?
    
“I felt sad.”
    
Nakita mo ba ang video?
    
“Well… sa akin na lang. I felt sad.”
    
Kinausap mo ba siya?
    
“No! I never talk to him about it. Hindi ako nagalit. Hindi namin pinag-usapan. At ayaw ko ring pag-usapan.
    
“That’s why I always advice him to be careful sa mga gagawin niya, sa mga sasabihin niya, kasi ano ’yan, eh, may consequence,” bilin niya sa anak.