5,151 guests

Giyerang Andi-Jake, muling sumabog!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 697
Jake Ejercito at Andi Eigenmann Jake Ejercito at Andi Eigenmann

Nagsasagutan na naman sa Twitter sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann at dahil ito sa anak nilang si Ellie.

Ang daming nakabasa sa series of tweets ni Andi na sinimulan sa, “I’d rather be a little nobody, than an evil somebody like you.”

Sinundan ito ng, “Stand up for your right. Even if you stand alone.” “I still believe that real justice can prevail in this country. Even if you are up against a family w/ power and (lots of) money.” “Please prove to me that these people have hearts and it isn’t all abt image to them.”

“I take to twitter because it seems as though they only care to take notice when it’s their image at risk.” “Mahirap mawalan ng anak, pero mahirap din mawalan ng isang ina.” “The biggest mistake I made was choosing you, over anybody else, over and over again.”

Ang panghuli ay, “These people are the same people who would only think of themselves and not anybody else. Ever.”
   
Nag-react si Jake sa tweets ni Andi nang ma-interview sa birthday party ng amang si Manila Mayor Joseph Estrada.
   
Masaya that night si Jake dahil kasama niya si Ellie at nagpasalamat siya kay Andi na pinayagan si Ellie na dumalo sa birthday party ng lolo niya at makasama niya.
   
Pero tuloy pa rin ang isinampa niyang petition for joint custody para regular niyang makakasama si Ellie.

* * *

IsI-celebrate ni Regine Velasquez ang birthday niya today sa shows niyang Sarap Diva sa umaga at Full House Tonight sa gabi.
   
Guests sa Sarap Diva ang cast ng Meant To Be na sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorschner, Addy Raj at Ken Chan.
   
Guest naman sa Full House Tonight sina Mikee Cojuangco, Donna Cruz at mapapanood din sina Janno Gibbs at Anjo Yllana, Ken, Addy at Jak.
   
Special guests ang mom ni Regine na si Tessie Velasquez, ang anak na si Nate at sina Michelle van Eimeren at mga anak na sina Leila at Sarah Alcasid.
   
Pinaka-busy this year si Regine as far as TV is concerned dahil ’pag umere pa ang Mulawin vs Ravena sa May, tatlo na ang regular shows niya sa network.

* * *

Kasama ni Ai-Ai de las Alas ang fiancé niyang si Gerald Sibayan sa presscon ng Our Mighty Yaya, pero nasa isang tabi lang ito. Hindi nga siya nagbago ng upuan mula dumating hanggang matapos ang presscon.
   
Hindi rin suot ni Ai-Ai ang engagement ring nila ni Gerald, kaya hindi nakita ng mga reporter.
   
Wala pa ring wedding plans na naikuwento si Ai-Ai dahil sa 2018 pa ang kasal nila, matagal pa.
   
April 9, 2 a.m., daw nag-propose si Gerald na ikinaloka niya dahil madaling-araw. April 12 naman ang formal na marriage proposal nito.
   
Kapansin-pansin ang pagiging slim ni Ai-Ai at marami ang nainggit sa 26 inches waistline niya at 114 lbs. na timbang.
   
Ibang-iba ang hitsura ni Ai-Ai sa Regal Entertainment movie under the direction of Joey Reyes and showing on May 10 bilang si Yaya Virgie dahil may suot siyang prosthetic na pustiso.
                
* * *   

Hindi lang ang Brillante Mendoza Presents ang dinidirehe ni Brillante Mendoza sa TV5, siya rin ang director ng Amo, ang series ni Derek Ramsay na malapit nang umere.
   
I-screen ito sa Cannes International Film Festival at dadalo si Direk Brillante.