5,183 guests

#Hashtags member Franco, masayang-masaya bago namatay

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 923

HINDI pa man naililibing (o naki-cremate) si Isabel Granada noong Linggo ng hapon, may isa pang
malagim na balita ang ikinabigla ng marami. Namatay sa pagkalunod nitong Sabado nang hapon ang
#Hashtags  member na si Franco Miguel Hernandez, 21 years old.

Katatapos mag-taping ng grupo para sa It's Showtime noong Biyernes na inilabas nila
kinabukasan (Sabado).
    
Ayon sa ilang kaibigan ni Franco, sumama ang binata sa kaibigang si Tom Doromal (Hashtags
member din) na pumunta sa resort na pag-aari ng pamilya nito sa Davao Occidental. Isinama ni Franco
ang kanyang girlfriend na si Janica Floresca.
    
Weekend kasi noon at Lunes pa sila kailangan sa live presentation ng It's Showtime.
    
Ayon sa kaibigang MJ Felipe, sumakay sina Tom, Franco at GF sa isang motorized banca at on the
way back, may malaking alon na nagpa-capsize sa sinasakyan nila. Nahulog sila sa tubig pero nahila
naman pabalik sa banca sina Franco at girlfriend nito. ’Di nila alam na naging unconscious na si
Franco sa tubig dahil tumama diumano ang ulo nito sa isang malaking bato. Dali-dali siyang dinala sa
hospital pero dead on arrival na siya.

Sa mga hindi nakaaalam, kahit bago pa lang si Franco sa showbiz, agad siyang nakilala dahil
bukod sa star material, masayahin at palatawa siya. Lagi din siyang tinatawag ni Vice Ganda na
“Inglesero” at madali niyang nasasakyan ang biro ng mga kasama.
    
May ilang larawan din sina Franco at kanyang girlfriend bago sila sumakay sa banca. At
masayang-masaya sila.
    
Na-trauma raw si Tom at hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.
    
How sad.
                 
AIKO, IN LOVE NA NAMAN

PARANG kumukuti-kutitap ang mga mata ni Aiko Melendez nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay”
kamakailan lang.
    
“In love 'yan!” hula agad ng manager niyang si Ogie Diaz.
    
“At hindi pa niya puwedeng sabihin sa amin dahil hindi pa siya sigurado,” segunda ni Candy
Pangilinan.
    
Inamin naman agad ni Aiko na tama ang sinabi ng dalawa.
    
Pero hindi na sila nag-elaborate tungkol dito. Ang pinag-usapan na lang nila ay kung paano
maging kaibigan ang isang tulad ni Aiko.
    
“Ibang klase siya. Nag-iisa. Masuwerte kayo kapag napamahal kayo sa kanya,” patuloy ni Candy.
    
“Minsan, dumating siya sa bahay ko nang walang paalam. May dala siyang maleta at doon na daw
muna siya titira. Walong buwan daw siyang mananatili sa akin.
    
“Utos pa ng utos kaya, inis na inis ako. Pero may mga pagkakataon ding siya ang umaako sa mga
dapat kong gawin. At pag may kaaway ako, basta na lang sinusugod na hindi nagpapaalam sa akin. At
madalas, bati na kami ng kaaway ko, pero sila ni Aiko, hindi pa. Ayaw na ayaw niyang may nanakit sa
akin. Iba nga siya.”
              
JOMARI, SOBRANG MAALAGA

SAMANTALA, alam kaya ni Aiko Melendez na magiging daddy na uli ang dati niyang mister na si Jomari
Ylana?
    
Eighteen years old na ang nag-iisang anak nina Jomari at Aiko na si Andrei.                
    
Two months pregnant na raw ang non-showbiz partner ni Jom na si Joy Reyes. At ingat na ingat
sila ni Jom dahil dalawang beses na itong nagkaroon ng miscarriage. Total bed rest daw ang kailangan,
sabi ng doktor.
    
Ang ikinatutuwa raw ni Joy ay ang sobrang pag-a-alaga sa kanya ni Jom na hindi niya inaakalang
magagawa nito.
    
“He really takes care of me. Pinapaliguan niya ako when I wake up in the morning dahil I can’t
get exhausted,” ani Joy.

“He also prepares my food. Pinagtitimpla din niya ako ng gamot every morning and evening.
    
Kapag nasa work si Jom, naka-stand by daw sa kanya ang mga tao nito. Ina-assist siya sa lahat
ng needs niya.
    
At ang ikinatutuwa pa niya, maging ang anak ni Jom kay Aiko na si Andrei ay dumadalaw sa
kanila lalo na noong nagkaroon siya ng dalawang miscarriages. Awang-awa raw ito sa kanya.
    
Tiyak na natutuwa si Andrei dahil magkakaroon na siya ng kapatid kay Jom.