6,264 guests

Heart, nagkaroon ng painting exhibit sa Hawaii

Heart Evangelista Heart Evangelista

NAG-E-ENJOY pa ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa pamamasyal sa Hawaii kasama ang pamilya. As usual, fashionista pa rin si Heart sa kanyang posts at seksing-seksi sa black bikini na inirampa niya. May  makukulit na fans na pinauuwi na siya dahil gusto na nilang bumalik sa Mulawin vs. Ravena ang aktres. Pero bukod diyan, kahit na nandoon siya sa ibang bansa, nakuha pa rin ni Heart na ipagdiwang ang Independence Day nang may kabuluhan. Nagbukas siya ng exhibit doon kasama ang ilan pang Filipino artists para maipagmalaki ang talentong Pilipino.

Bembol at Irma pabonggahan

PABONGGAHAN sa acting ang dalawang award-winning actors na sina Bembol Roco at  Irma Adlawan sa entry  film ni  Direk Joseph Abello sa 2nd ToFarm Film Festival 2017, ang What Home Feels Like.

First directorial job ng director ang pelikula. Si Direk Joseph ay dating creative director ng  isang NGO. Tapos sa kolehiyo ng  kursong Fine Arts, pero nagkahilig sumulat ng script.  First attempt niya na sumali sa ToFarm Film Festival na ang festival director ay ang multi-award winning director na si Maryo J. delos Reyes.

Sa istorya ng pelikula, isang absentee father si Bembol ng kanyang mga anak dahil  di nila ito nakapiling nang matagal. Nagtrabaho siya bilang seaman nang more than  20 years.
    
Nang mag-retire ang ama sa trabaho sa barko, nagkaroon ng culture shock ang pamilya nang makasama nila ito, maging ang asawang si Irma ay di sanay na laging nasa tabi niya ang asawa.
    
Mapapanood sa iba’t ibang sinehan ang 2nd ToFarm Film Festival simula sa July 12 hanggang 18.

Kris Bernal, kahit maliit, napapa-laki ang papel

IN fairness kay Kris Bernal, hitik ngayon ang GMA Artist Center star sa projects. Dahil bukod sa pagiging cover ng magazine at pagbibidahang serye, bida rin si Kris sa isang documentary film tungkol sa mga matatapang na kababaihan noong panahon ng Katipunan. Si Kris ay gumanap dito bilang Gregoria de Jesus, ang kilalang Lakambini ng Katipunan. Bidang-bida siya rito at buhay na buhay ang makalumang Pilipinas sa nasabing docufilm.

Sa liit ni Kris, nagawa niyang malaki ang papel dahil sa kanyang husay.

Netizens, ipinaglalaban si Sunshine Dizon

MARAMING netizens ang naghihimutok dahil si Georgia na naman ni Ryza Cenon ang nakakalamang sa Ika-6 Na Utos. Tunay na affected ang mga manonood dahil sa kabaliwan at kasamaan ni Georgia. Sa dinami-rami nga naman ng atraso niya eh bakit hindi pa ito tuluyang naka-karma? Request ng netizens ay sana, bigyan naman din ng alas si Emma (Sunshine Dizon). Well, dahil sigurado namang sa pagiging palaban ni Emma, hindi niya papayagang makarami itong si Georgia. Kahit si Sunshine ay hindi na makapaghintay na makaganti sa kaaway ng karakter niya sa Ika-6 na Utos.

Gabby Eigenmann, bagets na bagets pa rin ang dating

Naaliw kami sa isang post ni Gabby Eigenmann sa Instagram kung saan ipinakita niyang pinakikinggan niya ang isa sa kanta ng British singer na si Harry Styles. Hindi kasi halata sa kanyang napaka-millennial na taste sa music. Kaya siguro relatable talaga siya sa My Love From The Star dahil alam niya ang hilig ng mga kabataan ngayon. Halata rin ito sa rapport niya sa cast dahil kilala si Gabby bilang warm sa mga baguhang artista.