5,194 guests

Homecoming ni Gerald, inaabangan na ng fans

  • Written by LITO MAÑAGO
  • Published in Showbiz
  • Read: 289

PAGKARAAN ng mahigit pitong buwang pa-nanatili sa United Kingdom para sa Miss Saigon UK & Ireland
Tour, former Pinoy Pop Superstar grand champion Gerald Santos takes his bag and heads home for a two-
week long overdue vacation.  

His last performance in Miss Saigon was at Bord Gais Energy Theater in Dublin, Ireland.
    
So far, Gerald has finished three legs of the tour: Leicester, Birmingham and Dublin at 130
performances bilang Thuy.
    
Pagbalik naman ng award-winning singer sa UK after two weeks, tuloy ang trabaho ni Gerald
bilang Thuy at lilipat naman ang kanilang grupo sa Cadiff, Wales to continue their performances.
    
Simula  November 12, Gerald will be on a holiday. Sa huling silip namin sa social media
accounts ng singer, nasa loob na siya ng eroplano at pabalik na ng Pilipinas.

Naghahanda naman ang Solid Team Gerald para sa pagsalubong sa kanilang idolo. Katunayan, nag-
organisa na sila ng isang homecoming event para kay Gerald na magaganap sa November 19 sa isang still
undisclosed venue sa Quezon City.                       
    
While here, sasamantalahin na ni Gerald na i-promote ang kanyang digital album sa TV at radio.
    
Welcome back, Gerald!