7,059 guests

Ian, magaling umiwas sa tukso!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 294

May  sagot si Ian Veneracion sa tanong namin kung feel na feel ba niya ang karakter ni Anton na  pinag-aagawan nina Iza Calado (Grace) at  Bea Alonzo (Andeng) sa hit series na A Love To Last ng ABS-CBN.

Ayon sa aktor, “Definitely, nag-i-enjoy ako. Kasi hindi naman ako ganun in real life. Ha-ha-ha!”
    
Nakaharap ng ilang entertainment press si Ian sa appreciation lunch na ibinigay sa  kanya ng Unilab bilang celebrity endorser ng Conzace multi-vitamin.
    
Patuloy pang pahayag ni Ian about Iza and Bea, “Niloloko nga nila ako lagi ’pag nag-aaway sila, kunyari may eksena na nag-aaway si Grace at si Andeng tapos nasa set lang ako. Pupunta lang ako sa kanila, ‘Girls, girls, please! Ano ba? Ano ba?
    
“Tawa lang sila nang tawa. Tapos, ‘Ang kapal mo,’ ganyan lang sila, so inaasar din nila ako about it. So enjoy lang.”
    
Bilang isa sa pinakasikat na leading man sa TV, may nagbago ba sa kanyang lifestyle?
    
“Wala namang nagbago. I live in the same house, I have the same wife, I have the same car, guitar, so wala.
    
“Siguro the only big difference is marami na ’yung humihingi ng video greeting. And I am just enjoying the ride.
    
“Parang ayaw kong maapektuhan ng ganung… kasi sometimes naman may mga show ako na hindi rin gaanong napansin, merong napansin,” rason pa niya.
    
Eh, paano ba niya ini-enjoy ang success na meron siya ngayon?
    
“My personal basis for success is well...  balanced diet -- being healthy, mentally, spiritually and hindi masyadong nakadepende sa bank account or sa dami ng tumitili, ’di ba?
    
“Parang nakapa-temporary lang noon, eh, at sobrang mabilis mag-fluctuate. And I’ve been in the business long enough to realize that,” katwiran niya.
    
Nakakatuwa namang malaman na wala sa plano ni Ian ang magpa-abs at pagandahin ang kanyang katawan na karaniwang ginagawa ng ibang mga artista sa showbiz.
    
Sabi niya, “Honestly, I’m so afraid to become vain. For example, kaya ako never nagka-abs sa buong buhay ko, hindi ko ma-imagine ang sarili ko going to the gym lifting weights, it’s so not me.
    
“Hindi bagay sa akin (laughs).  At saka… I mean, may mga taong nakakakilala sa akin na alam nila yung ugali ko, na hindi ako ma-gym talaga.
    
“Pero may sports naman ako. Naggo-golf ako ’pag may pera ako kasama ng mga kaibigan ko. Minsan tennis, basketball, ganyan.”
    
Aminado rin si Ian na marami siyang nai-encounter na temptation sa showbiz.
    
“Siyempre naman, madami talaga. Ang dami nating kasama na napakagaganda,” pag-amin pa niya.
    
Eh, buti hindi siya natutukso?
    
“So far, okey pa naman ako. Pero  of course, it’s a never ending process, I’m still working on it,” sabay tawa nang malakas ni Ian.
    
Dagdag ni Ian, “Kasi, siyempre, ’di ba, kasama ’yan siguro sa showbiz, nandyan ang temptations at  tao lang naman tayo.
    
“Pero so far, okey pa naman ako. I’m still in a good place,” natatawang pagtatapos ng aktor.