5,208 guests

Isabel, titigbakin ang lisensiya dahil sa pagdaan sa ASEAN Lane

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 316

PINADALHAN na ng summon si Maria Isabel Lopez para pumunta sa Land Transportation Office (LTO) ayon sa
Department of Transportation (DOTr) kahapon. Kaugnay ito ng ginawang pagtanggal ni Isabel ng barriers
sa EDSA last Sunday para makapasok sa tinatalagang ASEAN Lane.

Eh, sinamahan pa ng aktres ng pagya-yabang sa kanyang social media ang gina-wang paglabag kaya
pumalag na rin ang namamahala sa exclusive lanes na ’yon. Rason ni Isabel sa apology niya, “I’m just
human.”
    
Ayon sa DOTr, ang violations ni Isabel ay disregard of traffic signs, violation of the Anti-
Distracted Driving Act at reckless driving. Ang kanselasyon ng driver’s license ni Isabel ang
rekomendasyon ng MMDA at LTFRB.

* * *

STOP na si Jessy Mendiola sa pagiging patola sa mga basher habang nasa New Zealand siya kasama ang
boyfriend na si Luis Manzano para sa kasal nina Erwan Heussaff at Anne Curtis last Saturday.
    
Eh, nandoon din si Angel Locsin sa wedding, na si Neil Arce naman ang ka-date. Naging mitsa
’yon para maungkat na naman ang tungkol sa kanila ni Angel na ex-GF ni Luis lalo na’t sobrang cheesy
ang pics nila together sa NZ.
    
Urirat tuloy ng ilang netizens sa pic sa IG ni Luis, invited daw ba siya. Sinagot naman ito ni
Jessy ng, “Hindi naman siguro ako pupunta sa kasal kung hindi ako invited...”
    
Sa IG post ni Jessy kahapon, iba na ang mood niya matapos mag-post ng mahabang life advice.
    
“I don’t want to waste my time proving myself. I, too, am attracted to the light. I wish to
spread kindness and love like they’re all I’ve got. I want to be a blinding light and a beautiful moth
at the same time.
    
“I would really like to thank people here who are giving back positive vibes! I really
appreciate it. Hopefully, I get to share good and happy vibes to each one of you even just with my
posts! God bless you all.”

* * *

WINNERS ang Kapuso artists na sina Ai-Ai delas Alas, Marian Rivera, Alden Richards, Mikee Quintos,
Ruru Madrid at Dingdong Dantes sa nakaraang Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club.
    
Best Comedy Actress si Ai-Ai para sa Hay Bahay habang Best Female TV host si Yan Yan for
Sunday Pinasaya. Best Actor in a Single Performance si Alden dahil sa Kapatid episode ng Lenten
Special ng Eat Bulaga.
    
Tie naman sina Dong at Ruru para sa Alyas Robin Hood Book 1 habang si Mikee ang winner ng Best
New Female TV Personality.
    
Congratulations!