5,038 guests

Isyu ng proposal, haharapin nina Lloydie at Ellen

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 349

Ikinasal na sa Paris ang stylist ni John Lloyd Cruz na si Rex Atienza kay Jay Sarmiento at isa ’yun sa mga rason ng travel nina John Lloyd at Ellen Adarna.

Nagkita sa wedding sina John Lloyd at Bea Alonzo at may IG story si Ellen sa dalawa na nilagyan niya ng caption na “Popoy” at “Basha,” mga pangalan ng karakter ng dalawa sa  ginawa nilang pelikula.

Ngayong tapos na ang kasal nina Rex at Jay, bumalik na kaya sa Pilipinas sina John Lloyd at Ellen o baka extended ang bakasyon nila?

Pagbalik nina John Lloyd at Ellen, ang isyung kumalat sa socmed na may proposal na nangyari ang kailangan nilang harapin.

* * *

Ang girlfriend na si Julie Anne San Jose ang gustong isama ni Benjamin Alves sa premiere night ng OctoArts Films horror film Spirit of the Glass 2: The Haunted  sa October 30 o kaya’y sa celebrity screening sa Oct. 29.
    
Sana raw, hindi busy ang GF dahil gusto niyang marinig din nito ang sabay-sabay na sigaw ng audience sa mga nakakatakot na eksena.
    
Ginagampanan ni Benjamin ang role ni Jag, boyfriend ni Lisette (Maxine Medina) at dahil matatakutin si Maxine, hindi na nahirapan si Director Joey Reyes na i-motivate siya.
    
Sabi pa naman ni Benjamin, ang challenge in doing horror films ay ang ipakitang takot ka at feeling niya, nagawa nila, lalo na si Maxine.
    
Anyway, kasi-celebrate lang nina Benjamin at Julie Anne ng 16th monthsary at going strong ang relasyon nila, taliwas sa balitang nag-break ang dalawa dahil lang may picture si Julie sa socmed na hindi na-like ni Benjamin.

* * *

Present sa presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted si Orly Ilacad ng OctoArts Films at producer ng horror flick na showing sa November 1.
    
Sa kanya namin itinanong ang tsikang hindi makakapag-promote sa ABS-CBN shows sina Cristine Reyes at Daniel Matsunaga na kasama sa cast ng movie dahil katapat nito ang showing ng Ghost Bride ng Star Cinema.
    
Itinuro kami ni boss Orly kay Shalala na siyang in charge sa TV promo ng Spirit of the Glass 2 at sabi nito, naka-schedule mag-guest ang ABS-CBN talents na kasama sa movie sa Tonight With Boy Abunda at Magandang Buhay.
    
Baka makapag-promote rin sina Cristine at Daniel sa ASAP.
    
Sa parte ng GMA-7, sabi ni Boss Orly, kung papayagan silang mag-guest sa shows ng Kapuso, magpapasalamat sila. Kapuso talents ang iba pang cast ng movie na sina Benjamin, Enrico Cuenca at Ashley Ortega. Pati si Janine Gutierrez, kilala pa ring Kapuso kahit wala na sa GMA Artist Center.

* * *

Magsisimula today, October 14, ang mall show ng Regal Entertainment movie na This Time I’ll Be Sweeter, kung saan bida sina Barbie Forteza at Ken Chan para ipaalam na November 8 na ang showing ng pelikula.
    
Mauuna sina Barbie at Ken sa SM Center Valenzuela, 4 at 6 p.m., at sa Starmall

San Jose Del Monte Bulacan ng 6 p.m. Makakasama nila sina Akihiro Blanco, Jayra Agpangan, Kaki Ramirez at Kim Rodriguez.