6,115 guests

Iza, ginapang si Ian!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 395

Mayor Herbert, sasabak sa pagdidirek

May interest pala si Ian Veneracion sa paranormal kaya naman perfect na perfect sa kanya ang pelikulang Ilawod, ang horror offering ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films at Butchi Boy Productions ngayong January.

Dati raw ay sumasama pa siya kay Roy Alvarez (RIP), kilalang aktor at UFO enthusiast, sa mga paglalakbay nito sa mga bundok para maka-meet ng mga healer.
   
“Curious ako sa ganu’n,” sey ni Ian sa grand presscon kahapon ng Ilawod.
   
“Tapos kay Jaime Licauco (kilalang parapsychologist) naman, nag-take ako ng course sa kanya about past life regression, inner mind development, kasi ’yun nga, I find it interesting. Kasi it’s part of our culture na rin, kasi sa atin, marami tayong elementals na pinaniniwalaan. Dati, mga dwende, kapre, ’yung mga ganu’n.
   
“So, it’s very interesting lang to do some research about that. And it just so happens nga na ’yung karakter ko rito (sa Ilawod) is a paranormal researcher, so, naiintindihan ko si Dennis, ’yung character. Nage-gets ko kung bakit siya interested in that,” pahayag ni Ian.
   
Pero kahit interesado siya sa mga ganitong bagay, aniya, hindi siya madaling maniwala.
   
“Open-minded ako but at the same time, hindi naman sobrang gullible rin,” he said.
   
Para namang pinagtiyap ng pagkakataon, sa Ilawod ay mag-asawa sila ni Iza Calzado tulad din ng role nilang dalawa sa seryeng A Love To Last with Bea Alonzo na kasisimula lang sa ABS-CBN.
   
Kaya naman sobrang pamilyar na nila sa isa’t isa at very much comfortable working with each other.
   
May scene nga raw na ginapang ni Iza si Ian at ang dialogue ng aktres, “Eh, kagapang-gapang naman siya,” na totoo naman talaga.
   
Kumusta naman ’yung paggapang sa kanya ni Iza?
   
“Masarap naman,” sambit ni Ian kaya tawanan.
   
Bale ba ay medyo “daring” ang scene dahil ang term nga ni Iza, “less clothing” daw sila rito.
   
Pero dahil nga kumportable na siya with Ian, say ni Iza, hindi siya nahirapang gawin ang eksena.
   
Showing na sa Jan. 18 ang Ilawod mula sa direksyon ni Dan Villegas.
   
Kasama rin sa movie sina Therese Malvar, Xyriel Manabat, Epi Quizon at Harvey Bautista.

* * *

Nami-miss na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang showbiz kaya pagkatapos ng kanyang termino, balak niyang magdirek ng pelikula.
   
Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya tatakbo sa higher position kapag natapos ang termino niya bilang QC mayor?
   
“Hindi pa natin alam, kasi unang-una, papalitan na ng gobyernong ito ang sistema ng pamahalaan. Maraming nagsasabi, ‘tumakbo kang senador.’ Eh, you’re talking about senator campaigning for the entire country.
   
“Eh, pero biglang ’pag nag-Federalism, ang Senate, Metro Manila na lang. O ’di hindi ka na kailangang umikot pala sa buong Pilipinas.”
   
Gusto niyang gumawa ng mga pelikulang ala-Lino Brocka na tipong galit daw sa mundo o may mga ipinaglalabang issue.