4,853 guests

Jake, nakatakda na magpa-sex ‘reassignment’

  • Written by Nel Alejandrino
  • Published in Showbiz
  • Read: 342
Jake Zyrus Jake Zyrus

Almost done deal na raw ang pagpapa-sex “reassignment” ni Charice Pempengco, ay, excuse us, Jake Zyrus na nga pala, anytime soon.

She, ay, he pala, admitted to have already submitted to mastectomy and pag-religiously take ng testosterone pills.

This is evident na sa current look ni Jake -- may bigote na siya -- at may pagbabago na sa kanyang boses, lalo na sa kanyang pagkanta.

No one can stop her/him daw sa mga pagbabagong ginagawa niya sa sarili niya, dahil happy daw si Jake sa gitna ng mga ito.

* * *

DON’T look now, Ian F., pero, nakakatatlong girlfriends na pala ang komedyanteng si Empoy Marquez. All of them daw are lookers, pagyayabang pa niya.
    
Iyon nga lang, ’di niya binanggit kung bakit nag-end ang relasyon niya sa tatlo and who initiated the break-up.
    
With Alessandra de Rossi, leading lady niya sa nalalapit nang i-showing na Kita Kita ng Spring Films, ’di raw pumasok sa isipan niya na ligawan ito kahit pa raw ’di inililihim ni Alessandra na loveless siya ngayon.
    
If we are right, si Sid Lucero, na tampok naman sa ABS-CBN series na FPJ’s Ang Probinsyano, ang huling boyfriend ni Alessandra.
    
For Empoy, bonus daw niyang itinuturing at malamang ng mga manonood din ng Kita Kita na sa Sapporo, Japan kinunan ang pelikula.
    
Let’s congratulate everyone raw behind the production, lalo na si Director Sigrid Andrea Bernardo dahil the film got an “A” grade from the Cinema Evaluation Board (CEB).
    
Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal and Cornerstone head Erick Raymundo co-own Spring Films.

* * *

Going back to Empoy, huwag nga rin daw palang kalimutan that he is also in the cast of the currently showing movie, Bloody Crayons.
    
Kasama niya sa first suspense and horrifying film niyang ito sina Elmo Magalona, Janella Salvador, Diego Loyzaga, Sofia Andres, Yves Flores, Maris Rascal and Ronnie Alonte plus Jane Oineza, na siyang may pinaka-importanteng role sa nasabing pelikula.
    
It is directed by Tofel Lee.